Chapter 72

42.8K 1.4K 74
                                    

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Jerico ang patungkol dito sa libro. Maaaring maguluhan siya't katakutan ako o 'di kaya'y mapahamak pa siya lalo. Masaya nga ako't nailigtas ko siya pero dahil naman sa katangahan ko e nakita niya ang bagay na kay hirap ipaliwanag.


Unti-unti siyang naglalakad papalapit sa akin habang ako naman ay nakaupo sa may upuan at tinatago ko sa aking likuran ang hawak kong libro.


"Morixette, huwag mo ng itago. Nakita ko na kaya ipakita mo na iyan sa akin," aniya habang nakahalukipkip sa aking harapan.


Ewan ko ba pero ang lamig ng pawis ko na para bang tinatawag ako ng kalikasan pero hindi naman. Mukha akong pato dahil nakanguso pa ako sa kaniya.


"Certified pabibe ka na ngayon Morx," turan ko sa aking isipan.


"Jerico, hindi mo kasi naiintindihan. Huwag mo nang alamin kung ano ba ang librong 'to. Diary ko lang 'to," palusot ko sabay suksok ng libro sa loob ng aking bag.


Niliitan niya ang kaniyang mata at wari mo'y nag-iisip habang nasa ganoon pa ring posisyon.


"Kung diary mo nga iyon, bakit namutla ka no'ng nakita ko iyon kanina? At isa pa, ang weird naman kung ganoon ang itsura ng diary mo. Hindi iyon ordinaryong libro, iba ang pakiramdam ko roon e."


Hindi ko alam kung anong palusot ang gagawin ko ngayon. Patay na ko ngayon, mukhang malalaman niya ang patungkol sa libro.


"May pagka-weird naman ako 'di ba? At isa pa, nagulat lang ako sa iyo kanina kaya namutla ako. Para kasing nakakita ka ng multo dahil sa reaksyon mo," paliwanag ko sabay kuha ng baso sa may lamesa at nilagok ko ang tubig.


"Okay," sambit niya pero nakakunot ang kaniyang noo.


Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil feeling ko e napaniwala ko na siya.


"O siya, mag-ingat ka. Kailangan ko ng umuwi dahil mapapagalitan na talaga ako tiyak. Salamat nga pala sa tubig," paalam ko sabay sukbit ng bag ko sa aking balikat.


"Walang anuman. Hatid na kita, baka mapano ka pa sa daan."


"Sige, salamat ulit."


Nauna na akong naglakad patungo sa may pinto.


"Morixette, mayroong nagliliwanag sa loob ng bag mo. Ano iyon?" Nagugulumihanan niyang tanong.


Patay na talaga. Malalaman niya na ang hindi niya dapat malaman.


"Pa-CR muna ako saglit. Saan ba ang CR?" pag-iiba ko ng usapan at pakiramdam ko e nakakatuya ang itsura ko ngayon.


Tumaas ang kanang kilay niya at wari mo'y tinatantiya niya ako.


Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang ngumiti nang nakakaloko habang nagtataas-baba ang magkabila niyang kilay.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon