Chapter 38

53K 1.9K 51
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata, tumambad sa akin ang isang madilim na paligid. Wala akong nakikita ni kahit na ano. Magpalinga-linga man ako, wala naman akong magawa.


Ilang sandali pa, biglang nagliwanag ang paligid kaya naman napatakip akong bigla sa aking mga mata. Nakakasilaw ang liwanag na iyon at hindi mo talaga matitingnan gamit ang iyong mga mata.


Sa muli kong pagdilat, bumungad sa akin yung dalawang batang nag-aaway. Iyon yung kapatid ni Ate Arianne. Tinangka ko silang lapitan at hawakan pero tumagos lamang ako sa kanila. Wala akong maaaring gawin kundi saksihan kung ano bang nangyari nung mga oras na iyon.


Ang tapang ng aura nung kapatid ni Ate Arianne. Parang may iba sa kaniya, para bang kinokontrol siya ng isang itim na mahika. At hindi nga ako nagkamali dahil magtama ang aming mga mata, sumibol dito ang itim na enerhiya na pagkalakas-lakas. Pamilyar sa akin yung pakiramdam na iyon. Ganun ang nararamdaman ko kapag nakikita ko si... Helga.


Naawa ako sa bata dahil ginamit siyang instrumento ng kasamaan. Ang walang kamuwang-muwang na katulad niya'y napariwara nang dahil kay Helga.


Maya-maya pa, nakita kong may hawak na matulis na bagay yung batang nasasakdal. Walang pag-aalinlangan niya itong itinusok at ibinaon sa mata ng kapatid ni Ate Arianne. Nagulat ako at napanganga sa nasaksihan ko. Baon na baon talaga yung matulis na bagay na iyon sa mata nung bata. Sumirit ang napakasaganang dugo sa damit ng batang nasasakdal. Napahinto ang kapatid ni Ate Arianne sa pagkilos at pawang nilubayan na siya ni Helga. Napatigagal akong bigla nang makita kong lumuluha ng dugo ang bata.


Kumirot bigla ang aking puso dahil nasasaktan ako sa aking nakikita. Ang inosenteng tulad niya ay hindi dapat nararanasan ang ganitong bagay.


Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng ibayong sakit. Para bang may nais akong pasukin. Nakapikit ako ngayon habang nakakapit sa ulo ko. Ilang saglit pa, lumiwanag ang aking isipan na para bang napasok ko ang isipan ng kapatid ni Ate Arianne.


"Ate, natatakot ako. Tulungan mo ako." Sambit nito habang tumatangis sa sakit na nararamdaman.


Nang medyo malinawan ang aking isipan, nakita ko si Helga na nakayapos sa katawan ng bata. Ayaw niya itong pakawalan at mistulang nais niya na itong angkinin.


"Hahaha! Hindi ka na makakatakas pa sa akin! Akin na ang kaluluwa mo! Ipapadala ko na ito sa impyerno!" Giit ni Helga habang tumitirik sa kaligayahan ang kaniyang mga mata.


Habol na habol sa paghinga ang bata dahil pawang malalagutan siya ng hininga dahil sa ginagawa ni Helga. Makikita mo ang unti-unting pangingitim ng kaniyang katawan habang nagsisiulbukan ang kaniyang mga ugat.


"Ate Arianne, hindi ko na kaya. Susuko na ako. Patawarin mo ako." Sambit nung bata na halos papikit na ang mga mata.


"Ganiyan nga, sumuko ka na! Tutal, wala ka na rin lang pag-asa. Haha!" Pahayag ni Helga na humahagalpak pa sa pagtawa.


"Habang ika'y buhay, makakakita ka ng pag-asa as long as naniniwala ka." Turan ng isang tinig.


Nataranta si Helga dahil alam niyang may balakid na naman sa kaniyang plano.


"Ahhh!" Napasigaw ito nang makakita siya ng kakaibang liwanag. Binitiwan niya sa pagkakayapos habang kumikintod-kintod na parang uod dahil sa liwanag na kakaiba na dumarampi sa kaniyang balat.


Nakita kong bumababa mula sa liwanag si Ate Arianne kasama si Ethel.


"Sa ngayon, nagtagumpay ulit kayo. Pero tandaan niyo, magbabalik pa ako!" Giit ni Helga at bigla na lang siyang nawala na parang bula.


Kaagad nilapitan ni Ate Arianne ang kaniyang kapatid na sobrang kapos sa hininga na nakahandusay sa sahig at bigla niya itong niyakap.


"Ja, lumaban ka. Mahal na mahal ka ni Ate kaya tatagan mo ang loob mo. Nandito lang ako sa tabi mo para bantayan ka." Turan nito habang yakap-yakap ang kaniyang kapatid.


"Salamat, Ate." Pahayag nung bata at dumaloy sa kaniyang mukha ang isang masaganang luha.


Matapos ang tagpong iyon, nagbalik na ang aking diwa mula sa aking katawan. Pagdilat ko, nakahiga ako sa couch at pinapaypayan ni Divine.


"Hay salamat naman at nagising ka rin. Nag-alala ako sayo gaga ka." Paismid na bati ni Dibina.


"Thanks Divine sa pag-aalaga sa akin." Bungad ko.


Tumigil siya sa pagpaypay at hinarap ako. "Hindi ako ang nag-alaga sayo, yung boyfriend mo." Aniya.


Nagulat ako sa tinuran niya dahil hindi ako makapaniwalang nandito si Charlie.


"Talaga? Nasaan siya ngayon?" Tanong ko na halos hindi makapaniwala.


"Oo bes, maniwala ka na dahil concern din sayo ang boyfriend mo. Umuwi muna siya saglit para magbihis." Pahayag niya.


Nanlaki talaga ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng aking puso dahil doon. Syet, kinikilig ako.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon