Chapter 16

65.5K 2.5K 579
                                    

Brenan's POV


Natutuwa ako dahil sa ika-limang taong pagtuturo ko sa mga high school ngayong taon ay pinalad ako para mapili upang maging representative sa isang seminar na gaganapin sa Zambales.


Noong ipinaalam ng mga co-teachers ko na ako ang ipapadala sa seminar ay talagang nagbunyi ako. Halos pumalakpak ang tainga ko dahil sa oportunidad na dumating. Masaya ko iyong ibinalita sa mga magulang ko at tuwang-tuwa naman sila.


Hindi biro ang maging guro. Kailangan, intindihin mo ang mga estudyante. Dapat alam mo kung paano sila didisiplinahin. Sa tuwing nababagot na sila sa iyong tinuturo, dapat mag-isip ka ng way para magising ang inaatok nilang diwa.


Hindi biro ang buhay ng isang guro. Marami kaming responsibilidad na dapat pangatawanan. Akala niyo ba paupo-upo lang kami sa tabi-tabi? Pwes, doon kayo nagkakamali. Ang gumawa pa nga lang ng lesson plan ay pahirapan na.


Porke't ba binabayaran niyo kami eh okay na sa inyong nakaupo lang habang kami'y nagtuturo? Hindi niyo ba alam na nakokonsenya rin kami kapag alam naming walang natututunan ang mga estudyante sa kanilang lesson? Ngayon palang, sinasabi ko na sa inyo na "Maging guro ay hindi biro, magdamag nabuburyo." Lalo na sa mga estudyanteng sakit sa ulo na kay sarap pukpukin ng bato.


Hindi lahat ng guro ay masipag. Marami ring tamad. Kaya ma-swerte ka kapag maraming naipunla sa iyo ang guro mo. Dapat mo lang siyang pasalamatan dahil natuto ka.


Hindi naman ako ganung katanda kaya nagiging ka-close ko pa ang aking mga estudyante. I'm 26, kaya kaya ko pa namang makipagsabayan sa kanila.


Napapansin ko lang, kapag sa umaga, ang mga estudyante ay para bang inaantok pa at walang gana. Para bang hindi nagsikain ng umagahan bago pumasok sa school. Kaya ang ginagawa ko, ginigising ko sila sa pamamagitan ng ice breaker.


Sa tuwing discussion naman, sinisingitan ko lang ng mga trend sa mga kabataan para naman maging aktibo sila sa klase. Haluan ng corny jokes kung maaari basta sa kung ano ang ikagigising ng diwa ng mga estudyante ginagawa ko.


Kapag sumapit naman ang katanghalian o dapit-hapon, break muna. Kung gusto nilang magjoke, kumanta o sumayaw sa gitna, hinahayaan ko. Hindi naman kasi kailangang seryoso ka lang sa pag-aaral. Mas masarap matuto kung nag-eenjoy ka hindi yung napipilitan ka lang. Nag-aaral ka dahil required. Hindi ganun, isa puso mo hangga't maaari.


Ngayon na nga ang alis ko patungong seminar. Syempre, kailangan presentable akong tingnan kapag dumating ako roon kaya nagsuot ako ng blue long sleeves at makitid na neck tie. Black pants plus black shoes.


Nagulat ako dahil habang nag-aayos ako ng buhok sa harap ng salamin ay may letrang "Ba" na nagliliwanag sa noo ko. Akala ko nga namamalik mata lang ako pero hindi pala. Kinudkod at kinayod ko na ito ng ilang ulit pero hindi pa rin nawawala. At dahil may pupuntahan ako, tinakpan ko na lang ito gamit ang bangs ko.


May sarili akong sasakyan kaya hindi ko na pinoproblema pa ang pamasahe. Sagot na ng school ang gas ng sasakyan at lahat ng gastuhin patungo sa aking patutunguhan.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon