"Nasaan siya ngayong kailangan mo siya? Wala 'di ba? Mamamatay ka nang maaga..."


Bigla akong nabuhayan ng dugo nang maalala ko ang tinuran ni Morixette sa akin.


Nakita kong nakapatong lang sa ibabaw ng aking kama ang bag ko kaya naman nagmadali akong lumapit dito saka biglaang hinablot.


Hinayaan lang ako ng babaeng nakaitim sa ginagawa ko pero nakatuon ang kaniyang kanang kamay sa akin at wari mo'y may inuusal na dasal.


"Ere mana kata wona..."


"Ere mana kata wona..."


"Ere mana kata wona..."


Hindi ko pinansin ang dasal na ginagawa niya. Paulit-ulit lang siya sa pagsambit ng mga ito.


Kinalkal ko ang loob ng aking bag para makita ang cellphone ko. Kailangan kong tawagan si Morixette at maipaalam sa kaniya ang nangyayari sa akin.


"Gotya!" sambit ko nang matagpuan ko ito.


Dali-dali akong tumungo sa may contacts para hanapin ang name ni Morixette. Nang matagpuan ko ito, halos magdiwang ang puso ko. Pipindutin ko na sana ang call nang bigla kong hindi maigalaw ang kahit anumang parte ng katawan ko. Para akong naparalisa.


"Anong ginawa mo sa akin? Bakit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko? Bakit wala akong mara---" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang biglang lumabas ang isang bulate sa aking ilong.


Nanlaki ang mata ko at natameme ako nang dumadami ang lumalabas dito at ang mga ito'y isa-isang nagsisibagsakan sa sahig.


Ang paningin ko, para bang umiikot.


"Ere mana kata wona..."


"Ere mana kata wona..."


"Ere mana kata wona..."


Ilang saglit pa, lumalabas na rin ang mga bulate sa aking tainga. Nakakaramdam na rin ako ng pag-ikot ng aking sikmura.


Naramdaman kong masusuka na ako kaya hinayaan ko na lamang itong lumabas.


"Bwwahhhh..." pagduwal ko.


Hindi ako makapaniwala na bulate at tubig ang sinusuka ko. Hindi ko maatim itong makita habang kumikibot-kibot pa sa pagkakabagsak nila sa sahig.


"Hahaha! Oras mo na, Ej para mamaalam..."


Biglang lumapit sa akin ang babaeng nakaitim at sinakal ako sa leeg. Itinapat niya ang kaniyang mukha sa aking mukha habang sakal-sakal ako.


Para akong lantang gulay na hindi makalaban at wala na akong enerhiya sa katawan. Ang maganda lang, naigagalaw ko na ang aking kamay.


"Akin na ang kaluluwa mo! Haha!" sambit niya at bigla niyang ibinuka ang kaniyang bibig at mayroong itim na usok ang lumalabas dito.


Nanlaki ang mata ko dahil para bang nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Pumapasok ang itim na usok sa aking bibig na halos magpatirik sa aking mata. Dahil doon, napindot ko na ang call kay Morixette.


"A-- a-- a-- a--" sambit ko na halos malagutan na ng hininga.


"Hello? Ej?" pahayag ni Morixette.


Nagdilim na ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.


---


Morixette's POV


Nang makita kong tumatawag si Ej sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ito kaagad.


"Hello? Ej?" bungad ko.


Naghihintay ako na magsalita siya pero wala e.


"Hahaha!"


Nanlaki bigla ang mga mata ko nang marinig ang kahindik-hindik na tawang iyon.


"Nahuli ka na naman, Morixette. Kawawa..."


Nanlupaypay ako sa ibabaw ng aking kama nang malamang talo na naman ako. Kaagad kong pinatay ang tawag at napayakap na lang sa aking unan.


Mayamaya pa, biglang nagliwanag ang libro.


Hindi ka nagtagumpay. Sumalangit nawa ang kaniyang buhay.


I'm such a failure. Patawad, Ej.


Lumipat ito sa sumunod na pahina ang ibinigay ang hatol sa kaibigan ko.


Alphabeto: Da

Mensahe: Ang iyong salamisim ay mababalot ng dilim

Kamatayang ipinataw: Damit

The Return of ABaKaDa (Published)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt