"Oo, wait lang! Masyado kang mabilis maglakad!" anas ko.


Narating namin ang mini garden ng school dahil doon tumungo ang lalaking sinundan namin.


"Winner talaga, Morx! Gwapo, matangkad, matikas!" bulong sa akin ni Ej habang nakadungaw kami sa may puno malapit sa kinatatayuan ng lalaki.


"Pwede na, kaso payat. Kulang sa laman," pahayag ko.


"Ayan, choosy pa 'te?"


"Sa iyo na iyan," ani ko.


"Akin na talaga!"


Mayamaya, may babaeng lumapit sa lalaki kaya naman todo masid kami ni Ej.


"Hala, may jowa na yata si kuya!" pagmumuryot ni Ej.


"Mukha nga."


Hinalikan ng babae ang lalaki sa pisngi at inakbayan naman ito kaagad ng lalaki bago naglakad papalayo.


"Bigo sa first subject, lipat tayo sa gym," suhestiyon niya kaya kaagad naman kaming tumungo roon.


Nang makarating kami roon, naupo kami sa bleachers dahil may naglalaro ng basketball.


"Ay, akin 'yung number 07!"


"Panalo itong si number 22!"


"Pak na pak itong si number 14!"


"Ang sarap ni number 18!"


"Gusto kong i-uwi si number 04!"


Natatawa na lang ako kay Ej dahil lahat na lang ay napansin niya.


"Hindi ko kinaya! Kinindatan ako ni number 21!" sigaw niya nang paimpit na tila ba kilig na kilig.


"Gaga, ako kaya ang kinindatan."


"Tse! Ako kaya!"


"E 'di ikaw na!" tugon ko. Hinayaan ko na lang siya kung saan siya masaya.


"Miss, ilag!" sigaw ng isang lalaki.


Natauhan akong bigla nang makita kong papabulusok sa amin ang bola. Natakot ako, baka ito pa ang ikamatay ni Ej kaya naman iniharang ko sa sarili ko at tumama ang bola sa aking likod.


"Ah!" sigaw ko nang tumama ito sa aking likod kaya naman napaupo ako sa may sahig.


"Morixette! Okay ka lang?" giit ni Ej.


Hindi naman ako masyadong nasaktan pero may kaunting kirot.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now