At para sa huling saknong, ito naman ang daw ay espesyal sa akin. Hindi ko mahulaan kung ano ang tinutukoy ng libro rito.


Lugar na kung saan ako masaya pero kapighatian din naman sa tuwina...


Ahm...


Nanlaki ang mata ko at napaigtad akong bigla sa kinauupuan ko nang mapagtanto ko kung ano ba ang lugar na iyon.


Masasabi kong ito ang pinaka-setting ng aking love story dahil maraming naganap talaga rito. Walang iba kundi ang...


Park.


Nakakapanlumo dahil niyayakap na naman ako nang kalungkutan.


Hindi ko napansin na sa gitna nang pagbubulay-bulay ko, nagliwanag na naman ang libro na nasa paanan ko.


Kung tatanga ka lang riyan at tititig sa kawalan, mababalewala ang iyong ipinaglalaban. Kumilos ka na at tulungan siya.


Nakalimutan kong ngayong gabi nga pala sisintensiyahan ng ABaKaDa ang sunod niyang biktima. Kailangan kong magmadali para matulungan ito.


Wala rin naman akong pagpipilian kaya minabuti ko na lang na tumungo sa dapat na puntahan at isinilid ko na ang libro sa loob ng akin bag.


Humarap ako sa salamin para ayusin ang nagusot kong uniporme. Habang pinapagpagan ko ang aking manggas, nakakita ako ng isang bulto na nakatayo sa likuran ko.


Napatigagal ako at tila ba natameme dahil ramdam na ramdam ko ang lamig ng kaniyang presensiya.


Duguan ito. Wala siyang ulo at mga braso. Sigurado akong lalaki ito dahil sa hubog ng kaniyang katawan. Gustuhin ko mang tumakbo kaso nanginginig ang tuhod at binti ko dulot ng takot.


Ipinikit kong sandali ang aking mga mata at huminga nang malalim.


Isa lang ang plano ko, sa pagdilat ko at wala na siya sa aking likuran, mahinahon akong lalabas ng CR.


Pero kung nandoon pa rin siya, no choice kundi kumaripas ng takbo.


Pagkabilang ko ng tatlo, isisilat ko na ang mga mata ko.


Isa...


Dalawa...


Tat---


Hindi ko naituloy ang pagbibilang dahil nakaramdam ako ng malamig na bagay na humawak sa magkabilang binti ko. Hindi ko maikilos ang mga ito dahil sa takot.


Sigurado akong hindi lamang basta bagay iyon, dama ko ang teksturang iyon, hugis iyon ng mga kamay!


Napangiwi na lamang ako sa takot at nakagat ang ibabang parte ng labi ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko nang dahil sa kaba.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon