Nagcatch-up kami sa bahay pagkauwing pagkauwi ko. Hindi ko rin hinayaan na pagbigyan sina Rhein na makipagkita sa kanila. Nakalaan ang araw na ito para sa aking pamilya.

From: Rhein

Tomorrow, Claire. Sa unit ko. All our friends will be there.

Napaikot ang mata ko sa kawalan. Friends? Kasama ba doon si Jazz? Na ngayo'y may ganang umuwi matapos ang tatlong taon?

Nagpunta nga ko sa unit ni Rhein. Nagulat lamang ako nang pagkarating ko sa loob ay makalat na. May party pooper nang nasa sahig samantalang hindi naman nila ako winelcome gamit no'n. Napailing na lang ako ng makita ang mukhang palpak nilang plano. Nginitian lang ako ni Adrian habang nagbubunganga si Lhieanne sa kanila. Tanaw ko sa gilid ng aking mata ang seryosong tingin ni Niccolo. Hindi ko sinubukang tumungin sa kanya. Ginala ko ang tingin ko ngunit hindi ko nakita si Rhein.

"Where's Rhein?" Wala akong partikular na pinagtanungan. Ang sumagot sa akin ay si Niccolo.

"Nasa kwarto niya..." Pagkasabi niya noon ay nagdiretso na ako sa tingin ko'y kwarto.

Nagulat ako nang makita ko si Jazz sa likod niya. Jazz is holding Rhein's wrist. Nagtaas ako ng kilay. Akala ko ba'y iniiwasan niya ang ex-girlfriend niya? Ano ito ngayon?

"Claire..." Napabaling ako sa mukha ni Rhein at nilapitan ako. Kita ko ang pagkabigo sa mukha ni Jazz nang tanggalin ni Rhein ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya.

The party for me started. Nagcatch up din kami nina Adrian sa kung anong nangyari noong hindi kami magkakasama. Gano'n pa rin sila. Ngunit sikat na sila ngayon. Sikat pa noong nasa highschool pa lang kami.

"Nakakakita nga ako ng magazine na ikaw ang cover. I never really thought that you would be a model. Hindi halata..." Mapanuyang tumingin sa akin si Adrian. Hindi talaga siya nagbago. Hilig niya pa ring asarin at pagtripan ako.

"Hindi ko rin maimagine na kaya mong tumugtog, kumanta at sumayaw. Mas hindi halata sa'yo, Adrian. Akala ko talaga'y batang ama ka lang." Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Ngumisi ako.

Habang nagkukwento si Adrian ay tahimik kami. Si Rhein ay tumayo upang kumuha ng maiinom. Kita ko ang pagsunod ng tingin ni Jazz sa kanya. She wants Rhein to win back. Napailing ako.

Maaga ring natapos ang welcome party para sa akin. Unang umuwi si Jazz at sinundan ni Niccolo. Hanggang sa ako at si Rhein na lang ang natira. Mayroon pa kaming dapat pag-usapan.

"Sigurado ka sa plano mo? We'll make Jazz jealous? Really?" Nakataas ang kilay ni Rhein habang iniinom ang isang shot ng wine. Nakangisi akong tumango.

"Ang ganda ng plano ko diba? Gusto ka niyang makuha muli. But before that, kailangan niya munang mahirapan..."

"You really hate her, huh?" Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

"Why? Hindi ka galit sa kanya? She left you three years ago. Babalik-balk siya ngayon tapos makikipagbalikan sa'yo? May plano ka bang pagbigyan ang kagustuhan niya? Mahal mo pa ba?" Mapanuya kong sabi sa kanya.

I enrolled myself on a business course. Pinakiusapan ako ng dalawa kong kuya na kung pwede ay mag-aral na ako ng business dahil pareho silang may kanya-kanyang negosyo ngunit pareho ring graduate ng ibang kurso. At dahil isa akong mabuting kapatid at wala naman akong mapagkaabalahan, nag-enroll ako.

Kasabay ng pagplano kung paanong pagseselosin si Jazz ay nag-aaral ako sa bahay. Pinili kong maging home-schooled. Pinalabas na lang naming may sakit ako at hindi maaaring lumabas ng bahay. May teacher lamang na pupunta sa bahay dalawang beses isang linggo para magbigay ng lectures at check-an ang mga gawa ko. Ayos na ayos naman. I can go to anywhere place I want since I don't have schedule to deal with.

Ngayon ko lang naramdaman ang kasiyahan kasabay ng pag-aaral. Kung alam ko lang na ganito, sana noon pa lang elementary ay nagpaganito na ako.

Ang plano kong pagselosin si Jazz ay mukhang epektibo. Seeing the grin on Rhein's face, I already know what happened. Naging kaibigan ko si Jazz sa loob ng maraming taon kaya kabisado ko na ang magiging reaksyon niya. I know that my plan will work. And it worked.

"I have a good news." Nakangising salubong sa akin ni Rhein. Nagawa niya pang puntahan ako sa bahay namin kahit na may kalayuan ito mula sa kanyang unit.

Two years ago, my family decided to move. Sa Manila na kami ngayon nakatira. It's still big for both mom and I. Si daddy ay bihira namang umuwi gano'n din ang pagbisita ng dalawa kong kapatid na may kanya-kanya ng bahay at pamilya.

"Halata nga. Pumasok ka muna." Pinapasok ko siya loob ng bahay at diretso siyang umupo sa sofa. Bukas ang tv dahil iyon ang pinagkakaabalahan ko mula kanina kaya pinatay ko muna. Umupo ako sa kabilang sofa sa gilid niya.

"We don't need to act anymore. Pinagseselosan ni Jazz si Aeiesha." Hindi magkamayaw ang ngisi sa kanyang labi. Parang kahit anong oras ay pwedeng mapunit ang kanyang labi.

Kahit hindi man niya sabihin sa akin ng direkta, alam kong mahal na mahal pa rin niya si Jazz.

"You mean your sister?" Mabilis siyang tumango.

"Yes. I think wala siyang alam tungkol sa kapatid ko. Hindi ko rin naman nabanggit sa iba na kapatid ko si Yesha. Paniwalang-paniwala siya na girlfriend ko ang kapatid ko."

Matagal na rin simula nang malaman kong buhay ang nakababatang kapatid ni Rhein na si Aeiesha. Buong akala nila ay namatay sa car accident ang kapatid niya at ang kanyang second mom. Sumabog kasi ang sasakyan na gamit nilang dalawa no'n kaya abo na lang ang nakuha nila. They didn't know what happened exactly but now they're finally with Aeiesha. Naalala ko pa ang kasiyahan sa mukha ni Rhein noon nang mabalitaan na buhay pa nga ang kapatid niya.

Natutuhang ngumiti muli noon ni Rhein sa kabila ng pangungulila niya kay Jazz.

"Very good, then. But if you need me, you can always call me. Just make sure na hindi mo niloloko ang sarili mo." Makahulugan ko siyang tiningnan bago ngumisi.

Minsan talaga may mga bagay na hindi mo mapagtatanto hangga't walang nangyayari. It can be bad but sometimes good. Swertihan na lang talaga kung minsan.

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now