C h a p t e r (32)

Start from the beginning
                                    

Nailang naman ako. “Wag mo nga akong titigan!” sabay tulak ko sa muka niya. Tumawa naman siya.

Bumalik ang tingin ko kay Geoff na nakatingin lang sakin na parang may kailangan ako sakanyang sabihin.

“Goodmorning class!” phew! Buti nalang at dumating na si Ma’am!

x-x-x-x-x

Natapos na kami sa Economics at break na ang sunod. Pagtapos ng break ay English na.

“Guys! Wala si Ma’am Alvarez! Walang klase!” sigaw nung isa naming classmate.

Agad namang nagsihiyawan ang mga kaklase ko kaya napatakip ako ng kaunti sa tenga. Ambilis talagang makakalap ng balita oh!

“Sinong may sabing walang klase?” agad silang nagsiupuan ng marinig ang pamilyar na boses. Yung classmate kong nag-announce ng walang klase eh halos madapa papunta sa upuan niya. Gusto ko ngang matawa pero pinigilan ko nalang.

“Bakit si Sir yung nandiyan?” bulong sakin ni Geoff mula sa likod.

“Ewan ko rin.” Bulong ko pabalik.

“As you can see, wala dito si Ms.Alvarez dahil may nangyari so I’m going to be your English teacher for today.”

Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Parang ang layo naman ng English sa Physics?

“I know malayo ang Physics sa English but what can I do? Ako ang nautusang magsubstitute sakanya dito.”

 

Then he laughs. He laughs mga kaibigan! Sa harap ng klase! Tumawa siya!

“I’m smelling something here,” hinarap ko ang ngayon ay nakangisi na si Geoff.

Hindi nalang ako nagpahalata. Syempre in state of shock pa ang buong klase dahil nga sa tawa ni Sir. Dati ngumiti lang, ngayon tumawa na!

Parang end of the world na ang dating para sa kanila nun!

Pero para sakin hindi naman gaano, ilang beses ko na ba siya narinig tumawa diba?

“Sir seems to be in a good mood today,” Naramdaman kong sumulyap sakin si Rui pero binalewala ko nalang at itinuon na ang atensyon sa unahan kung saan nagsusulat na si Sir sa board.

Grabeti. Ang sexy ng likod niya! Kulang nalang mapanganga ako sa pagkamangha!

Pero kailangan mong kontrolin ang sarili mo, Shara! Mamaya nalang sa bahay!

Teka ano namang gagawin ko sakanya sa bahay?!

Ay nako erase erase erase!

“Oh baka yung iba diyan tumulo na yung laway.” Alam kong nagpaparinig sakin si baklito kaya ini-snob ko nalang! Baka pag nagreact ako, makahalata na talaga itong katabi ko!

Lumingon lingon ako sa paligid para tingnan kung ako lang ba yung nagkakaganito pero mukang hindi naman. Kasi si Skye, nakatunganga nalang at busyng busy sa pagtingin sa likod ni Jace!

Parang gusto ko tuloy dukutin yung mata niya!

Inusog ko naman yung upuan ko kay Geoff. “Psst, tingnan mo si Skye oh.” Sinigurado kong kami lang dalawa ang makakarinig sa sinabi ko.

Tumingin naman siya sa direksyon ni Skye at umirap. “Who cares.”

“Uy! Nakakainis naman to! Diba may usapan tayo?”

“Stop being immature Shara.” napanguso ako. Ganun? Immature agad? Pero may usapan naman talaga kami!

 

“Care to share what you guys are talking about?” agad kong inusog ang upuan ko paunahan at umayos ng upo. Nakataas kilay na sakin ngayon si Jace.

“W-wala po Ja..Ah sir…” napayuko ako. Shiz! Muntik na yun!

“Good. Then open your books on page 161.”

Kadalasan ay natutulog lang ako pag English na ang subject. Pano kasi, nakakaantok na nga! Nakakanosebleed pa!

Pero ngayon ay buhay na buhay ang diwa ko. Pano ba naman kasi, si Jace ang teacher diba?! Panong hindi mabubuhay ang kaluluwa ko?!

Naalala ko yung sinabi niya sa parking lot, kaya naman pala “See you later in class!”

May story kami ngayong babasahin. Lagi naman! Kaya nga nakakaantok ito!

Napatingin naman kaming lahat sa nagtaas ng kamay na si Skye. Active na active!

“Sir! Let me read please?!” pagpapacute niya. Napabuntong hininga nalang ako. Tiwala naman ako kay Jace. Ayoko… ayoko lang talagang may nagpapacute sakanya. Hay parang ang possessive ko na rin. Nahawa na ako sakanya.

“Alright.” Nagsimula na siyang basahin yung unang paragraph. Ako naman, hindi nakikinig. Hehe.

Himbis na makinig, pinaglaruan ko nalang yung ballpen ko. Hindi ko alam pero kinikilig ako lalo na pag naalala ko yung kagabi at kanina. Parang baliw lang!

Pasimple akong tumingin sakanya habang patuloy parin sa pagbabasa si Skye at busy sa pakikinig ang klase.

Sa gulat ko ay nabitawan ko yung ballpen. Pano kasi, pagkatingin ko sakanya eh nakatingin rin siya sakin at nakangisi pa.

Agad akong nag-iwas ng tingin para pulutin sana ang ballpen ko pero naunahan na ako ni Rui.

“Here,” nakangiti niyang abot sa ballpen ko.

“Salamat,” tumingin tingin ako sa paligid para tingnan kung may nakakita ba sa “tinginan” namin ni Sir pero mukang wala naman.

“Wag kasi kung saan saan tumitingin.”

“Huh?” napalingon tuloy ako kay singkit dahil hindi ko narinig yung sinabi niya.

“Wala. Makinig na tayo.” Ibinalik niya na ulit ang tingin sa unahan.

“Ah oo nga. Hehe.”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now