Chapter 43 - bakit ngayon ka lang?

Comenzar desde el principio
                                    

“miss? Pwede? Hindi ko na kasi kaya eh..” hirit pa nya..

Kinakabahan man ako, pero agad akong bumangon at walang kaabog abog na kinuha ko ang isa nyang braso at inakbay ko iyon sa balikat ko at ung isang braso ko ay naka-suporta sa may bewang nya.. dali-dali ko siyang itinatayo nun pero para yata siyang napatigagal ng makita nya kung sino ang bumubuhat sa kanya..

“A-A-Am-A-Am..“

“am? Gusto mo ng am? Sige, ikukuha kita mamaya pagkatapos mong umihi..” matigas kong sabi sa kanya at nanatiling naka-taas ang noo ko sa kanya..  pinapakita ko lang sa kanya na kahit na hindi ako ang pinili nya, ay namuhay ako ng maayos at taas-noo ko siyang titingnan at walang bahid ng kahit anong sakit sa mata ko..

Pero, syempre.. sa panlabas ko lang un.. but deep inside.. i badly want to hug him, squeeze him really really hard and tell him that i missed him so much.. i want to kiss his lips right away for him to know that i really miss and love him still..

pero hindi ko na pwedeng gawin un, dahil alam kong may sarili na siyang pamilya..

“ano? Tititigan mo na lang ba ako, o iihi ka?”

Dun lang yata siya nagising at saka lang siya kumilos.. “i-i-iihi..”

Hinigpitan nya ung pagkakahawak nya sa akin, at ako naman ay niyakap siya ng mahigpit para hindi siya mahulog sa pagbaba nya sa kama.. naka-cast kasi ang binti nito, maging ung braso nito dahil sa insidente na un.. at napag-alaman ko din – sabi nung driver nung nakabunggo sa kanya – na patawid na sana ang anak ko, at mabubunggo nya ito, kundi lang dahil kay Kieffer na siyang tumulak dito.. kaya siya ang napuruhan..

And i want to thank him for that.. thank him for saving our daughter.. but not this time.. i need more time..

“dito na lang.. hintayin mo na lang ako dito..” sabi nya ng makarating kami sa pintuan ng banyo..

“ano? Tapos maa-out balance ka na naman, tapos papasok din ako jan tulad nung dating nangyari sayo noon?”

“naaalala mo pa pala un..”

‘oo, at wag ka ng mahiya dahil lahat ng tinatago mo jan sa damit mo, nakita ko na..” walang hiya kong sabi..

Totoo naman eh.. may nangyari sa amin noon at imposibleng hindi ko makita ang lahat ng tinatago nya sa loob ng damit nya.. kaya nga may Kirsten ako eh.. tapos ngayon pa siya mahihiya??

“oh, that.. oo nga pala..nau-una nga pala akong mahubaran noon..”

Tinignan ko siya ng masama, at akmang aalisin ko na ung braso nya sa balikat ko ng bigla nya kong hinapit palapit.. “hindi na.. hindi na.. sorry ho..”

“good.. you better shut your your mouth, or else..”

“or else what?”

“or else..... iihi kang mag-isa..”

Kung hindi ako nagkakamali, ngiti ang nakita ko sa mukha nya ngayon.. hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko, o dahil sa estado ng buhay nya ngayon.. na masaya na siya sa pamilya nya kaya masaya ang aura nya ngayon o dahil sa nakita nya ko..

I admit.. i’m jealous..pero naguguluhan ako!

Nakarating naman din kami sa banyo at umihi na nga siya.. alam kong nahihiya pa siya sa akin, pero hindi ko iyon ininda.. naririnig ko pa nga ung tunog nung tubig kaya medyo napapangiwi ako.. medyo nandidiri kasi ako na ewan.. pero ayos lang.. si Kieffer naman to eh..

ay nakooo! Magtigil ka, Amie! Galit ka sa kanya..

di naman kami nagtagal, at natapos na din siya.. buti na lang talaga at hindi na naulit ung nangyari noon.. ung nahulog kami parehas sa lapag at nagkatitigan.. ewan ko na lang sa sarili ko kapag nangyari pa un.. mawawala na siguro ako sa huwisyo..

False AlarmDonde viven las historias. Descúbrelo ahora