Chapter 19 - once in a lifetime..

7.1K 87 7
                                    

--ung house nila Kieffer sa right side.. :D

isipin nyo na lang ung pic. na kita dun ung veranda nila sa itaas pati sa ibaba tapos ung fish pond nila.. haha.. waaaahhh.. dream house ko kasi to eh, kaya ito ung naisip kong bahay nla Kieffer.. hehe..

-----

Chapter 19

*Amie*

Nasa may guest room lang ako at kinakabisado ko ung sasabihin ko sa mga magulang ko bukas.. i was pacing back and forth at nag-lista kasi ako ng mga sasabihin ko sa kanila at ung mga sagot sa posibleng itatanong nila.. mas mabuti nang handa, kesa hindi.. paikot ikot lang ako sa loob ng kwarto at salita ng salita nang bigla akong tinawagan ni Kieffer.. bigla akong napahinto dahil sa iba ng tono ng boses nya..

“Amie!! Help me!!”

“what?? Saan??“

“help me!! Nandito sa ngayon sa garden.. hindi..hindi ko maigalaw ung paa ko.. hi-hindi ako makatayo..”

“what??! Wait! Bakit ka ba napunta jan??! Anong nangyari? Bakit?!”

Nag-aalala kong tanong.. para siyang nadisgrasya..

“nasilat kasi ako sa fish pond at na-sprain yata ako.. please.. aahh!! Ang sakit!”

“o sige sige.. nanjan na ko.. sandal lang..”

Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay nila..alam kong simpleng sprain lang un, pero bakit ganun na lang siya masaktan? Siguro nga malala ung pagkaka-sprain nya kaya hirap na hirap siya ngayon.. madalim ang daan at hindi ko na inabala ang sarili kong buksan ang mga ilaw dahil kailangan ko ng puntahan si Kieffer..

Ginamit kong flash light ung ilaw ng phone ko para Makita ko ung dinadaanan ko.. nang makarating na ko sa garden, nakita ko si Kieffer na nakaupo na sa may kubo......oh? Akala ko ba na-sprain to..

“Kieffer!!”

Tumingin dito si Kieffer at kumaway.. ngumiti pa! Akala ko ba na-sprain to??

“kieffer? Ayos ka lang ba? Saan masakit?”

“joke lang.. hehe ^_^v”

I narrowed my eyes on him “pinagttripan mo ba ko??”

“hindi ah.. na-sprain talaga ako at bigla na lang nawala kaya ayun.. nakatayo na ko..” ^_^v

Naningkit bigla ang mata ko sa galit.. naikuyom ko din ang mga kamao ko na para bang readyng ready nang isapak sa pagmumukha nya.. halatang halatang pinagttripan ako ng ugok at nagtagumpay siya dahil nababadtrip ako! Ayokong manapak.. ayoko siyang sapakin dahil baka bukas eh humarap siya sa mga magulang ko na may blackeye sa mukha..

“hindi magandang biro ito, Kieffer.. nag-alala ako!! Halos mahulog pa ko sa hagdanan para lang makapunta dito kaagad.. tapos ganito lang?!”

False AlarmWhere stories live. Discover now