Chapter 43 - bakit ngayon ka lang?

7K 88 7
                                    

Chapter 43

*Amie*

“ano ng balak mo, anak?”

Napatingin ako sa mama ko na kasalukuyang inaayos ung mga bulaklak sa may side table nung kwarto ni Kieffer.. nasa ospital pa din kami at wala pa ding malay si Kieffer dahil sa naganap na aksidente, kaya malaya kaming nakakapag-usap ng mama ko dito sa loob.. sabi naman ng doctor, dahil lang daw un sa mga gamot na itinurok dito, kaya hanggang ngayon daw ay hindi pa nagigising si Kieffer.. pero bukas daw ay maaaring magising na ito..

“anong balak, ma?”

“naku, Amelyn! Napupuno na ko sayo ah.. alam mo kung ano ang sinasabi ko sayo..” sabi ng mama ko habang dinuduro-duro ako..

“hindi  ko nga po alam ung sinasabi mo, ma..” pagmamaang maangan ko..

Lumapit sa akin ang mama ko at naupo sa tabi ko.. “anak.. tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kayo ni Kieffer.. it’s about time para makilala na ng apo ko ang ama nya..at isa pa, iniligtas nya ang anak mo.. ang anak nyo.. hindi pa ba sapat na kabayaran un sa ginawa nyang kasalanan sayo?”

Napaiwas ako ng tingin sa mama ko at tumingin muli kay Kieffer.. oo nga’t, niligtas nya ang anak ko – and i thank him for that, pero hindi ko maiwasan ang maramdaman na naman ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko ng makita ko ulit siya.. naaalala ko lahat nung mga nangyari nung nakaraang limang taon.. at hangga’t maaari ay ayoko ng maulit pa un dahil baka hindi ko na kayanin..

“ma.. hindi ko alam.. natatakot po ako..”

Hinawakan nya ung kamay ko.. “anak, ipapakilala mo lang sa kanya ang anak mo..un lang.. kung hindi nya tanggapin, ok lang.. hindi mo iyon kawalan.. pero kung tatanggapin nya si Kirsten, much better.. at least, nagawa mo ung part mo.. wag kang maka-sarili..“

Gustong gusto kasi ng mama ko na makilala ng apo nya ang tunay na ama nito.. alam kong naaawa siya kay Kirsten dahil lumalaki ito na walang kinikilalang ama.. at alam kong nagiging maka-sarili na nga ako.. pero hindi pa yata ako handa sa gusto ng mama ko....

“bahala na po, ma.. saka ko na lang siguro maiisip kapag nakausap ko na si Kieffer..”

Bumuntong hininga na lang ang mama ko at saka siya tumango.. nagpaalam na din siya sa akin at uuwi na, dahil walang tao sa bahay at nandun pa ang anak ko at si Jerson.. nag-prisinta na lang ako na ako na ang magbabantay kay Kieffer, dahil ako lang naman ang nakakakilala dito..

At isa pa.. gusto ko ng sulitin ang time na to na natutulog siya.. gusto ko ulit siyang titigan ng ganitong kalapit..

------------

“miss.. m-miss?”

Agad akong nagmulat at nagising, nang marinig ko ang boses na un.. ibig sabihin lang nun ay gising na ang pasyenteng binabantayan ko.. hindi ko maiwasang hindi kabahan sa oras na humarap ako sa kanya.. hindi ko din alam kung anong sasabihin ko once na makita nya ako.. gising na siya ngayon.. and i really don’t know what to do..

“m-miss? Miss..” Sabi nya sabay alog nya sa akin..

“hmmm?” ungot ko, na kunwari, naalimpungatan lang ako sa tawag nya.. nakayuko kasi ako sa gilid ng kama nya at patulog na sana ng tawagin nya ko..

“pwede.. ahmm.. pwede favor?”

“ano un?”

“ pwede paki samahan ako sa c.r? naiihi na kasi ako eh..hindi lang ako makatayo..”

Napatigil ako dun.. bigla kong naalala ung time na nabundol namin ni Jerson si Kieffer at ako ung nagbantay sa kanya sa ospital.. ganyang ganyan din ang sinabi nya sa akin noon, at dun ko din na-realize na ang nabunggo namin at ung first love ko ay iisa..

False AlarmWhere stories live. Discover now