Chapter 22 - W.Day.. :)

6.7K 67 2
                                    

Chapter 22

*Amie*

This is it!!

This is really iz it, iz it!!

Ang much awaited ng buong taon..

Ang inaabangan ng lahat ng kamag-anak namin.. pati ng mga friends namin all over the world..

Pati na din ang mga usiserang kapit bahay namin and their dogs and cats..

Ang wedding namin ni Kieffer..

Waaahhh! <(>o<)>

Ok...ang O.A ko na.. -_-

Nakasakay na ko sa bridal car ko at kasama ko ngayon sila mama at papa.. papunta na kami sa simbahan kung saan naghihintay na ang lahat sa pagdating ko.. lalo na si Kieffer.. :D

Sa totoo lang, kaya naman ako nagiging O.A, kasi nakaka-O.A pala talaga kapag ikakasal ka.. nakakakaba.. hindi mo alam kung ano ung mga dapat mong gawin dahil nabablanko ung utak mo.. may times pa nga na tinanong ko pa sa mama ko kung ano ung dapat isagot sa pari eh.. natatakot kasi akong magkamali..

“We’re here! Anak, mauuna kaming bumaba ha.. kapag kumatok ako, saka ka lang lalabas dito..”

“op ma..”

Kita nyo na.. hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa simbahan.. (_ _)>

Huminga ako ng malalim bago ko iangat ang mukha ko sa may bintana.. sobrang kinakabahan talaga ko to the point na hindi ko na maramdaman ung mga legs ko.. not to mention ung paa ko.. talagang manhid na dahil sa suot kong sapatos.. medyo masikip at mataas ang heels.. T^T

*tok tok*

Napitlag ako ng biglang may kumatok sa may bintana nung kotse.. napatingin ako kaagad dun, at nakita ko ung mama ko na sumesenyas na pwede na daw ako lumabas..

waaaahhH!! Eto na talaga.. kabang kaba na talaga ko to the nth power!!!

Huminga ulit ako ng malalim at saka ko binuksan ung pinto nung kotse at dahan-dahan kong inilabas ung paa ko hanggang sa maramdaman ko na ung lapag.. hinawakan ko din paitaas ung gown ko para hindi ko ito matapakan.. nung nakalabas na ko ng tuluyan, sinalubong ako ng papa ko na nakangiti at inialok nya sa akin ung braso nya para alalayan ako..

“thank you, pa..”

“kinakabahan ka no?”

“o-opo, pa eh..”

“haha.. halata nga, anak.. kung ako mag-pipinta sayo, mahihirapan ako.. hindi maipinta eh.. haha”

Sinimangutan ko lang nun ang papa ko, habang lumalakad kami sa may pinaka-pintuan ng simabahan.. nasa may kabilang side ko naman ung mama ko na nakitawa lang sa sinabi ng papa ko..

huminto na kami sa may pintuan ng simbahan, kung saan kami gi-nuide nung planner..eto kasi ung ininstruct nung baklang wedding planner na kinuha nila at Kass eh.. kailangan daw na isara muna ung pintuan ng simbahan bago kami pumasok sa loob.. kailangan daw na may bongga-cious dramatic heart-warming entrance daw ako para daw mas GUMANDA pa daw at maging memorable ung wedding na to..

Ayaw pang sabihin na dahil dun sa naisip nya, dun lang ako gaganda.. badtrip.. >_<

Napansin ko naman ung dalawang taong kasama ko ngayon.. biglang tumahimik nung marinig namin ung wedding march sa loob.. sumulyap ako sa mama ko, na nakita kong nagpunas ng gilid ng mata nya at namumula ung ilong.. tumingin naman ako sa papa ko na sumisinghot singhot at papikit pikit ung mata at nakadiretso lang ung tingin..

Mga umiiyak ba to??

“may usapan tayo, madir.. padir.. walang magd-dramahan..” sabi ko.. pati kasi ako nahahawa sa kanila eh..kaya dinaan ko na lang sa biro..”

False AlarmWhere stories live. Discover now