Chapter 15 - ang sweet :)

7.9K 83 2
                                    

 -dedicated to one of my favorite authors in wattpad! halooo po ate jonaxx!! :D

Lola Kristine at the right side.. haha.. ntatawa ko kapag nai-imagine ko.. xD

-----

Chapter 15

*Amie*

1 ruler..

Isang ruler na siguro ang haba ng nguso ko sa yamot! Pagkatapos kasi akong dalhin ni Kieffer dito sa site, wala na kong ginawa dito kundi ang sumunod sunod lang sa kanya kung saan man siya pumunta.. minsan nga ay ginagawa pa nya kong alalay nya dahil pinapabitbit pa nya sa akin ung mga blue prints at paraphernalia nya na hindi ko naman maintindihan ang nilalaman..

Sa yamot ko, nagpaiwan na lang ako dito sa isang tabi at naglaro na lang ng candy crush sa phone ko.. kakainis eh.. mas napapagod pa ko dito sa pagsunod sunod ko sa kanya, kesa sa nandun lang ako sa office na prenteng prenteng naka-upo at nakaharap lang sa PC..

Binigyan naman nila ako ng maliit na mesa na may payong at tsaka pinaupo sa may folding chair.. malayo ako sa may construction site, kasi baka daw mahulugan ako ng kung ano galing sa itaas.. may ilan ilan ding nakakakilala sa akin dito dahil minsan ko na din silang na-interview nung nag-aapply pa lang sila.. kaya di din naman ako masyadong O.P..

“mam.. pinapabigay po ni boss J.P”

Naalis ang tingin ko sa phone ko at tumingala sa may nagsalita.. ah.. naaalala ko siya.. ito ung naiyak nung hinired ko siya kamakailan.. kailangang kailangan daw kasi nya ng trabaho, kaya nung pinasa ko siya, mangiyak ngiyak na nagpasalamat ito..  mang kosme kung tawagin siya dito..

“sige po.. salamat po, mang kosme!” sabay ngiti ko..

“wala pong anuman.. naku! Pagpasensyahan nyo na po iyan at medyo maalikabok.. Nagpahanap pa po talaga kami ng extrang safety helmet sa baul.. para lang ibigay sa inyo yan.. utos po kasi ni bossing..”

“talaga? Dapat hindi nyo na un sinusunod.. may toyo un eh! Haha”

Biro ko sa kanya at saka kami natawa.. siguro nga’t nagtotoyo na naman si Kieffer at may pinagalitan na naman sigurong worker nya dito sa site..

Nagpaalam din naman kaagad siya, dahil tinawag na siya ng mga kasamahan nya.. inilapag ko lang ung safety helmet na un sa may mesa at itinuloy ko na ung paglalaro ko sa candy crush.. isa pa to sa ikinababadtrip ko eh.. isang jelly na lang, saka pa ko nawalan ng moves! Kundi naman moves, ung chocolate naman ung ikinababadtrip ko.. kaya di ako maalis alis sa level 94 eh.. ang weak! >_<

Nung pipindutin ko na ung play again, biglang tumunog ung phone ko at nakita kong tumatawag si Kieffer.. ano problema nito ngayon?? Gagawin na naman akong alalay??

“hello!” sagot ko ng pabulyaw.. istorbo eh..

“aray naman..”

“bakit ba?”

“isuot mo na ung binigay ko.. delikado dito, kailangan ng ingat..”

“suot ko na..” kahit hindi pa.. ang weird ko naman kasi kung susuotin ko un kahit malayo ako sa construction site..

“sinong niloko mo?”

“anong—SUOT KO NA SABI EH..”

“nakikita dito sa itaas..”

Sa itaas?? Tumingin naman ako sa bandang itaas at hinanap siya.. sinuyod ko yung bawat floor nung building na ginagawa pero di ko naman siya Makita..

“sa left side..  bandang gitna..” sabi nya..

Tumingin naman ako dun, at ayun! Nakita ko nga siya na kumakaway sa akin.. bakit kahit sa malayuan, ang gwapo nitong ugok na to?? Kitang kita ko pa din ung tindig nya at yung long sleeves polo nya na puti at nakatupi ung sleeves nun hanggang siko nya na ikinagwapo nito? Bakit ganun??

False AlarmWhere stories live. Discover now