Chapter 28 - spa..

6.2K 63 1
                                    

Chapter 28

*Amie*

Ma-swerte na lang talaga ako at na-manage ko pang makatulog ng mahimbing after that incident.. the fact na, magkatabi pa kaming matulog nung nagdaang gabi.. buti na lang at nakaka-antok talaga kapag nahiga ka dun sa sobrang lambot na kama na nasa kwarto namin..

Well, syempre, bago kami nakatulog ng maayos.. parehas kaming paikot ikot sa kama sa di malamang dahilan.. may times na, parehas kaming magkatalikod, minsan nakaharap naman ako sa likod nya, minsan ramdam ko naman na siya naman ung nakaharap sa akin, minsan, nakadapa ako at inilubog ko ung mukha ko sa unan na di din naman ako nakatagal dahil nasa-suffocate ako.. at may times na magkaharap kami..

Mga 3 oras din ung pa-ikot ikot namin hanggang sa nakatulog na kami parehas.. at! Buti na nga lang ay pagka-gising ko, wala na siya sa tabi ko.. nalaman ko pala na nagtungo na siya dun sa may spa parlor at nagpa-reserve na siya..

Weeeeeeeeeeeeee!! Exciting!!

Pero bago kami magtungo dun, kailangan muna naming kumain ng lunch.. yes! Lunch na ko ng ma-gising ako..aba! napuyat kaya ako kagabi, kaka-ikot sa kama..

Kumakain na kami ni Kieffer sa isang restaurant.. mouth watering talaga ang mga dishes na nakahain sa amin, dahil ang sasarap na, sa amoy pa lang.. what more kung kainin ko pa sila, diba?? ^_^

“Amie.. si Lola.. kakausapin ka daw..”

Sabay harap nya sa akin ng iPAD nya.. kausap nga pala ni Kieffer si Lola Kristine sa skype habang kumakain kami, kaya saktong saktong na punong puno ung bibig ko, at nakasubo pa ung shrimp sa bibig ko, nang Makita ako ni Lola.. inihit naman ng tawa si Lola ng Makita ang itsura ko..

“ginugutom ka ba jan ni J.P, ha? Hija?” sabay tawa..

Nilunok ko muna ung mga nasa bibig ko saka ako nagsalita.. “hindi naman po, Lola.. tom-guts lang po talaga..” sabay ngiti ko ng malaki..

“may tinga ka pa! Hahahahaha”

Ay! Badtrip.. bigla ko tuloy tinikom ung bibig ko at searching searching ung tongue ko kung may tinga nga.. badtrip! Meron nga! Kakahiya.. (_ _)>

Napatingin naman ako kay Kieffer na pigil na pigil ung tawa..tinignan ko naman siya ng masama kaya bumalik sa normal ung mukha nya.. mag-lola nga sila.. parehas silang nakaka-badtrip..

“hija.. enjoy ka ba jan, ha?”

“opo naman po, La..” sabi ko ng makarecover na ung sarili ko sa kahihiyan..

enjoy na enjoy kahit isang araw pa lang kami dito.. pero di ko na un sinabi, dahil baka itanong ni Lola kung bakit ganun ako ka-exag mag-describe at baka itanong pa.. maikwento ko pa ung nangyari kahapon sa gitna ng dagat.. AAYY!! Erase!! erase!!

False AlarmWhere stories live. Discover now