chapter 4

11.3K 132 5
                                    

-Jerson at the rght side.. :)

---

Chapter 4

*3rd person’s POV*

Tuwang tuwa ang lalaki na paandarin at ipasyal nya ang pinakamamahal nyang motor, matapos nyang ipagawa iyon sa shop. Matagal tagal na din kasi nyang hindi nagamit ito dahil sa napaka daming sira nito, hindi lang sa gulong, pati na din sa makina..

“hooooo.. ayos ah! Mas bumilis tong motor ko ah!”

Medyo binilisan nya pa yung pagpapatakbo nito dahil sa tuwa. Nagmumukha na nga siyang batang hinayaang mag-gagala ng nanay nya sa kahit saan..

At dahil na din sa tuwa, di nya napansin ang paparating na kotse sa gilid nya. Huli na ng mapansin nya ito kaya, bigla na lang siya bumangga dito at tumilapon siya gitna kasama ng motor nya..

“masisira na naman yung motor koooooo T^T” sa isip isip nya habang pagulong gulong siya sa kalsada..

Nakatalon naman kaagad siya at itinukod ang tuhod nya para hindi masyadong tumama ang katawan nya sa kalsada.. hindi siya makagalaw dahil sa sakit ng braso nya maging ang binti nya.. mabuti na lang at naka-suot siya ng helmet at naka-body protector siya, kaya wala siyang sugat o ano mang gasgas sa katawan...........

Or so he thought..

“pare! Pare.. do you hear me?? Ayos ka lang ba?”

Napatingin siya sa nagsalita. Ito siguro yung driver ng kotse.. sasagot na sana siya sa lalaki, kaya lang.......

“ahmm.. sir? Sir?? Ano po masakit sa inyo? Kaya nyo po bang tumayo? Dadalhin namin kayo sa ospital.. sir..”

Kaya lang ay napatameme siya ng isang magandang babae. Nakatingin ito sa kanya at alalang alala sa kanya. Tumitig siya dito at napansin nya ang buhok nitong sumasayad sa tinted na salamin ng kanyang helmet.

ang ganda ng mata nito at ang mapupulang labi nya. At sa isip isip na naman nya, ay mabuti na lang at tinted ang salamin ng helmet nya.. dahil kung hindi ay mapapahiya siya sa babae dahil titig na titig siya sa dalaga.

“kung buksan kaya natin yung salamin, Jerson? Para Makita natin si sir..”

“wag.. baka lalong ma-fracture.. hintayin na lang natin yung medic..”

Nakikita nya ang babae na alalang alala ito sa kanya. Hindi nya maialis sa isip nya na blessing in disguise ba yung pagkakabunggo nya, o talagang disgrasya lang.. muling sumulyap sa kanya ang babae. Panay ang ipit ng buhok nito sa tenga nya at chine-check ang kalagayan nya..

“nag-aalala sa akin yung babae.. Grabe.. ang swerte ko naman.. *O*” sa isip-isip na naman nya..

bigla namang nakaramdam ng matinding hilo ang lalaki.. siguro dala rin ito ng pagkakabunggo nya kanina.. kaya bago nakarating ang medic, ay bigla na din siyang nawalan ng malay.........

.............Ng nakangiti.. :P

False Alarmजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें