Chapter 13 - last day..

7.7K 77 1
                                    

-----

Kieffer on the right side.. 

-

Chapter 13

*Amie*

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagpapahinga.. sobrang napagod ako sa buong maghapon to the point na hindi ko na magawang bumangon sa kama ko.. tapos na naman kaming maghapunan, kaya baka diretso na ko sa pagtulog nito..

Nakapikit lang ako pero hindi pa ko tulog.. nakahilata lang ako at pini-feel ko lang ang last day ko dito sa kwarto ko.. bukas kasi ay aalis na kami ni Kieffer.. back to normal na naman ang buhay namin.. balik maynila at trabaho na naman.. for sure, bonggang busy na naman ang aabutin naming pareho ni Kieffer..

Idinilat ko ung mata ko ng marinig kong nag-vibrate sa side table ko ung phone ko.. inabot ko kaagad iyon at nakita kong may new message ako at galing iyon kay Kieffer..

“tulog ka na?”

Un ung text nya.. ni-reply-an ko naman siya kaagad..

“not yet.. why?”

“join me here..sa may labas nyo..”

“bakit nanjan ka pa?”

“hindi ako makatulog..”

“ah.. ok.. wait lang.. pababa na ko..”

Nilapag ko na ulit sa table ung phone ko at lumabas na ng kwarto.. pababa na sana ako nun ng tawagin ako ng mama ko na kalalabas lang din ng kwarto nila..

“where are you going?”

“sa baba po.. magpapahangin.. kasama ko po si Kieffer..”

“ah.. ok, sige.. samahan ko na kayo..”

Tumango na lang ako kay mama at bumaba na ng hagdan.. pagkalabas ko, nakita ko si Kieffer na nakaupo dun sa may upuang kahoy namin at nakatingala lang.. tinapik ko ng bahagya yung balikat nya kaya napatingin siya sa akin..

“upo ka..” sabi nya tsaka siya umusod sa gilid para magkasya ako..

Tumingin ako ulit sa kanya at napansin kong nakatingala pa din siya.. napatingala din tuloy ako..

Kaya pala.. ang ganda ng langit.. punong puno ng mga bituin..

“kaya ka pala nakatingala jan.. kasi ang ganda ng langit.. puro bituin..”

sabi ko sabay ngiti.. biglang umihip ang hangin kaya napapikit tuloy ako at dinama ang lamig nito..

“yeah, you’re right.. ang ganda nga.. ang ganda ganda..”

Idinilat kong muli yung mata ko and still nakatingala pa din.. pero nakita ko sa peripheral vision ko na sa akin nakatingin si Kieffer.. bigla ko tuloy binaling sa kanya yung tingin ko at nagtaka..

“ang ganda talaga..”

“a-ako ba ung sinasabi mo?”

“sa tingin mo?” he said sweetly..

Bigla kong inalis ang tingin ko.. bigla kasing nagbago si Kieffer eh.. parang.. parang gmwapo..? tapos bakit ganun ung tono ng boses nya? bakit siya ganun??

“mga anak.. gatas oh.. pampa-antok..”

Napatingin ako sa likod ko.. ang mama ko pala na may dalang dalawang mug ng gatas.. save by my mom! inabot ko yung isa at ganun din naman si Kieffer..

“thank you ma../ thank you tita..” sabay naming sabi..

“you’re welcome.. nga pala.. anong oras kayo bbyahe bukas? Wag masyadong magpadilim ha.. at delikado sa daan..”

False AlarmWhere stories live. Discover now