Chapter 27 - beach..

6.3K 72 0
                                    

--see picture on the side.. ganda oh! :)

Chapter 27

*Amie*

Hapon na ng magising ako.. napasarap kasi ang tulog ko.. sino bang hindi mapapasarap ang tulog kung ganitong kalambot ang higaan mo, na halos lumubog na ung buong katawan mo sa lambot.. yung klase ng canopy nila na mafee-feel mo na para ka talagang prinsesa sa ganda ng pagkakasabit sa itaas ng kama.. ang refreshing ng ambiance dahil overlooking ang beach mula sa bintana at pumapasok doon ang lamig ng hangin.. hindi pa yan, nakakatulong din ang kulay ng pader with touch of bronze color at sahig na talaga namang nakaka-adik pag-stay-an..

Sa may gilid naman ng room, ilang hakbang mo lang at isang salamin lang pagitan at may indoor swimming pool ng makikita.. kalahati nun ay simpleng pool lang, while the other half is jacuzzi..

Whhaaattt a lifffeeee!! :)))

Pagka-pahinga namin, agad akong naglista sa isip ko kung saan kami unang pupunta ni Kieffer.. at napagdesisyunan ko na sa spa na kami kaagad magpunta.. para kasing tempting ung spa di kalayuan sa rented house namin, at pakiramdam ko na nagsilabasan na lahat ng sakit sa mga kasu-kasuan ko..

Pero hindi ako pinagbigyan ng loko.. mag-swimming muna daw kami sa may beach.. -_-

Kaya eto ako ngayon, nagpapalit ng swim wear dahil utos ni boss J.P.. psshh..

“you done?” rinig kong sabi ni Kieffer sa labas.. nasa may kwarto pa din kasi ako eh..

“yeah..” sabi ko ng parang tinatamad..

“good.. let’s go?”

Wala na kong nagawa.. tumayo na ko at naglakad na patungo sa may pintuan at lumabas na..ayoko naman kasing pag-awayan pa tong maliit na bagay na to.. naisip ko din na madami pa naman kaming oras para sa spa.. kaya um-agree na ko..

dire-diretso lang ako sa paglakad, nang biglang hawakan ako sa braso ni Kieffer.. tumingin ako sa kanya, not knowing na madilim pala ang aura nya..

Problema nito??

“go change your garments..” sabay tingin nya sa kwarto at sabay tumingin pabalik sa akin.. nakita ko pa yung hirap nya sa paglunok.. huh?

“what?? Bakit??”

sabay tingin ko sa suot ko.. ano ba mali sa suot ko? I’m wearing black two piece suit with see-through robe, brown shades, summer hat and flip flops.. may mali ba?

“change t-that..” and then he looked away.. ano ba yan! Na-conscious tuloy ako..

“but why?? Magbe-beach tayo, diba?”

“y-yes.. but.. i don’t want you to wear that tiny fabric which can almost see anything from you..”

False AlarmWhere stories live. Discover now