Chapter 38 - i'm sorry..

6.5K 97 21
                                    

Chapter 38

*Amie*

“punta ako sa inyo, girl.. now na!”

Rinig kong sigaw ni ate Kass sa kabilang linya na ikinabulaho na yata ng kapit bahay.. naka-loud speaker kasi ung phone ko at kausap ko siya ng sabihin nya iyon.. kasalukuyang nasa may kitchen ako at nagluluto ako ng pagkain na dadalhin ko sa ospital.. nauna na kasi sa akin dun si Kieffer dahil hinahanap na daw siya ni Kayela.. sinigang nga to, dahil alam kong favourite to ng asawa ko.. isinama ko na din sa dami ng niluto ko si Cathie at Kayela dahil alam kong mga hindi pa nakakakain un ng lutong bahay simula nung na-ospital si Kayela..

“mamayang gabi na lang, ate Kass.. aalis ako ngayon..”

“saan ka ba kasi pupunta? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?”

Kanina pa nya kasi tinatanong sa akin kung bakit hindi ko ma-cancel ung lakad ko, at mas uunahin ko pa daw un kesa sa pagdating nya.. hindi ko naman masabi, dahil hindi pa alam sa kanila ung tungkol dun sa dalawa..

“may kailangan lang akong asikasuhin.. importante to..”

“hay naku, girl..”

“sorry na, ate Kass.. mamayang gabi na lang ha? Tapos, dito ka na lang din mag-dinner then sleep over ka na din dito..”

“ok! That would be good! Sige! Later na lang ako pupunta jan..”

‘ok, ate Kass.. see you later!”

“ok.. bye!”

And then she ended the call.. tinignan ko na lang ung screen ng phone ko sa ibabaw ng table na bumalik sa wallpaper ung nasa harapan, at malaman na in-end na nya talaga ung linya.. napangiti na lang ako dahil ang bumungad sa akin, ay ang picture namin ni Kieffer na nasa may roof top kami.. parehas kaming nakangiti dito, dahil kasalukyang nagme-meteor shower nun..

Ipinilig ko ang ulo ko..sobra na yata ung ngiti ko dito dahil hindi ko maiwasang maalala ung birthday gift nya sa akin.. at kinikilig ako..

“hija.. tapos ka na ba jan?”

Napatingin ako sa likod ko, at nakita ko si manang na papalapit dito at may hawak na walis tambo at dust pan.. “opo, manang.. ilalagay ko na lang po ito sa lalagyan..”

“tutulungan na kita jan..”

Hindi na ko nakatanggi, dahil kailangan ko naman talaga ng tulong.. medyo madami kasi akong ilalagay sa lalagyan at kung ako lang ang mag-isang gagawa nito, ay baka ma-late na ko.. baka maabutan na ko ng dinner at makakain na sila..

Hindi alam ni Kieffer na magdadala ako ng dinner.. ang alam nya ay dadaan lang ako saglit sa ospital, at saka kami sabay uuwi..

“manang.. paki lagyan na lang po ung isang lalagyan ng kanin.. aakyat lang po ako saglit sa itaas para makapagpalit ng damit.. tapos ok na po lahat, aalis na po ako..”

“o sige sige.. ako na bahala dito.. umakyat ka na..”

Ngumiti lang ako kay manang nun, at umakyat na kaaagad sa kwarto para magbihis na.. hindi na ko nagtagal dun, agad akong bumaba at dumiretso na sa kusina kung saan naabutan ko si manang na ilagay sa paper bag lahat nung mga pinack naming pagkain kanina..

“hija.. eto na oh..”

“salamat po, manang.. aabot pa po ako sa dinner nila..”

“oo nga hija..”

Kinuha ko na sa kamay nya ung paper bag, at aalis na sana ng mapansin kong bumuntong hininga si manang at saka ngumiti sa akin na may luha sa mata..

False AlarmWhere stories live. Discover now