Chapter 40 - wala na..

6.5K 85 11
                                    

Chapter 40

*Kieffer*

“J.P.. J.P! wake up! Wake up, J.P!”

“hmmm..”

Ungot ko dun sa gumigising sa akin.. naalimpungatan ako.. i’m still lying on my bed, facing my pillow and i know that i’m holding a certain bottle.. halos katutulog ko lang yata nang bigla na naman akong gisingin ng kung sino na to.. buong magdamag ako nagpalibot libot sa buong maynila, para hanapin si Amie.. but i ended up in here, lying and drunk myself up to this extent.. naka-benteng bote na yata ako ng beer dito.. pero hindi pa din ako makatulog o makalimot man lang..

“J.P! you can’t do that to yourself.. please, bumangon ka na jan..”

Tuluyan na kong nagising dahil dun at nalaman ko na boses iyon ng kapatid ko.. “ate.. just let me sleep.. ngayon pa lang ako matutulog buhat kahapon.. i’m so exhausted..”

Naramdaman ko ang braso ng ate ko sa katawan ko at alam kong niyakap nya ko.. “naaawa na ko sayo, bro.. ayokong nakikita kitang nagkakaganyan ulit..”

Ulit.. nagkakaganyan ulit.. tama, naulit na nga tong pangyayari na to.. natawa ako ng pilit.. ganito din ang nangyari sa akin nung iwan ako ni Cathie noon.. ganito ako ka-wasted dahil sa ginawa nya sa akin.. ganito ko din nilulong ang sarili ko sa alak..

pero, magkaiba yun kesa ngayon.. hindi ko maikakaila na mas malala ang nangyayari sa akin ngayon, dahil ako ang nang-iwan ngayon.. noon, sabi ko, kailangan ko ng magbagong buhay.. dahil alam kong may Amie ako noon na masasandalan sa problema ko.. alam kong may magbabago ng pananaw ko sa pag-ibig at alam ko na may magmamahal ulit sa akin at mamahalin ko gaya ng pagmamahal nya sa akin..

At ang Amie ko iyon.. ang asawa ko..

Pero, anong ginawa ko?? Sinayang ko ang lahat nang un..

And worst, sinaktan ko pa ang taong ito.. ang mahal na mahal ko..

“i’m such a jerk, ate..” sabi ko sabay kapa ng bote ng alak sa side table ko..gusto ko pa din kasing uminom pero wala na yatang laman ang lahat ng un.. nakadapa pa din ako sa kama ko at hindi ko hinaharap ang kapatid ko..

“ikaw naman kasi eh!” sabi nya at alam kong naiiyak na siya.. “nandito naman si ate, pero hindi ka humingi ng tulong sa akin.. tignan mo tuloy..” sabay buntong hininga nya.. “pero, nandito na eh.. hindi na kita sisisihin jan.. ang sa akin lang eh bumangon ka na jan, find your wife and make it up to her..”

A tear fell from my eyes.. bigla ko na namang naalala ang itsura ng asawa ko kahapon.. ung itsura na halos nakapagpaguho ng mundo ko.. kita ko sa mukha nya ang sakit na idinulot ko sa kanya, pero wala akong ginawa.. hinayaan ko lang siyang umiyak dun at umalis..

Gusto ko siyang yakapin.. gusto ko siyang pigilan.. pero hindi ko nagawa..

naisip ko kasi na kaya ko lang ito gagawin, ay para sa kanya.. para mabawasan na ang sakit na nararanasan nya sa piling ko, at ang mga kasinungalingan ko sa kanya.. para na din hindi na siya mag-sakripisyo sa lahat..para hindi na siya ulit maghirap.. madami na kasi siyang isinakripisyo mula nung dumating sa buhay namin ang mag-ina.. alam kong masakit sa kanya nung pinatuloy ko sila cathie sa bahay,  i know she’s hurt kapag nagde-demand si Cathie ng panahon para sa kanila at wala siyang magawa kundi ang pumayag sa gusto nito.. at lalo na sa twing halos buong araw akong wala sa bahay at gagabihin ako pag-uwi dahil kasama ko silang dalawa, at hindi siya..

pero hindi siya kumibo.. hindi siya nagreklamo, instead, sinuportahan pa nya ko sa bagay na un.. she even took care of Kayela nung na-ospital ito, at inasikaso kami kahit sa maliit na bagay..

ganun kabait si Amie.. that’s why i chose to let her go because i don’t want to see her hurt again.. i love her so much that i chose to let her go, because ayoko na siyang mahirapan pa sa sitwasyon ko..ayokong isakripisyo nya ang kasiyahan nya para lang intindihin ako..

False AlarmWhere stories live. Discover now