Chapter 18 - False Alarm.. again?

8.2K 70 2
                                    

--i didn't expect na sosobra ang busy ko ngayon.. hahaha.. ayus to! xD eto na po... sana nman po ung mga silent readers nten jan, mag-comment and vote.. haha.. para malaman ko dn na may nagbabasa talaga.. haha.. khit hi, ok na! :P

-------

Chapter 18

*Kieffer*

Nakaalalay pa din ako kay Amie nang pumasok kami sa may bahay.. mataas na kasi ang lagnat nya, at hindi na kayang tumayo mag-isa.. hilong hilo na kasi ito at putlang putla na.. naiinis na nga ko, kasi ang tigas ng ulo! Ayaw making sa akin..

“sir.. kami na po ang magdadala sa bisita nyo sa guest room..”

“no! Ako na.. ikuha nyo na lang ako ng gamot..”

“sige po..”

Pagkarating namin sa guest room, agad ko siyang inihiga sa may kama at inayos ko ung unan nya.. inalis ko na din ung sapatos nya, dahil kahit iyong suot nyang iyon ay hindi nya magawang tanggalin.. sobrang bigat na daw kasi ng katawan nya..

Iniwan ko siya saglit para puntahan si ate sa kwarto nya.. sakto namang hindi pa siya natutulog, kaya sinabi ko sa kanya na tignan nya muna si Amie at pahiramin ng damit.. nagbiro pa nga siya sa ako na daw ang gumawa nun dahil ako naman daw ung may bisita dun.. nabatukan ko nga eh.. kahit ate ko siya, kailangan ding batukan sa kapilyuhan..

Habang may bantay dun si Amie, sinamantala ko ang pagligo ko.. di naman ako nagtagal dun at agad akong nagbihis at tumungo na sa guest room..

Wala dito sina lola at mommy dahil nagbakasyon ung dalawa na un sa hindi ko malamang lugar kung saan.. baka next week pa iyon makauwi..

“J.P!”

“oh, ate bakit?”

“ikaw muna kay Amie ha.. napa-inom ko na siya ng gamot.. na-over patigue sya.. i-monitor mo na lang siya every 4 hours para painomin ulit ng gamot.. ung thermometer nanjan lang sa side table.. nagpakuha na din ako kay manang ng bimpo at basin tapos lagyan mo un ng tubig na may alcohol, iyon ang ipamunas mo sa katawan nya.. para bumilis ung pagbaba ng lagnat nya.. tapos—“

“teka ate.. bakit ka ba nagmamadali? Saan ka ba pupunta?” sabi ko habang mabilis nyang nilalagyan ung sarili nya ng kung ano sa mukha nya..

“may pasyente ako ngayon.. manganganak na siya ngayon, kaya sige na.. aalis na ko ha.. ung bilin ko.. wag mo kakalimutan! Bye!”

Sabay sara ng pinto.. habang sinasabi nya iyon ay nagsusuot pa siya ng damit nya at sapatos habang lumalakad kaya nahulaan kong nagmamadali siya.. hindi na nga ko naka-sagot dahil bigla na lang nyang isinara ng malakas ung pinto..

Tsk. Tsk..

Pumasok na ko sa kwarto ni Amie.. kasunod ko na din si manang na may dala ng basin at may laman ng tubig..

“iho.. ipupunas mo na lang yan sa kanya.. ako na nag-ayos ng hindi ka na mahirapn..”

False AlarmWhere stories live. Discover now