Chapter 45 - getting back together?

7.5K 101 7
                                    

Chapter 45

*Amie*

“mama.. mama..”

Naramdaman kong niyuyugyog ako ng anak ko kaya idinilat ko ung mata ko ng dahan-dahan.. nagising ako dahil sa boses ng anak ko.. natutulog kasi ako ngayon dahil napuyat ako ng sobra kagabi dahil pagkatapos sabihin ni Kieffer ung tungkol sa kasal namin, hindi na ako nakatulog nun magdamag dahil hindi ko iyon matanggal sa isip ko.. hindi pala na-annul ang kasal namin, kaya hindi naging legal ang kasal nila ni Cathie.. pero bakit nagsama pa sila ng mahigit isang taon? Bakit umabot ng limang taon bago nya ko nahanap?

Un ang mga tanong na hindi ko maialis sa isip ko at the same time, hindi ako nakatulog dahil dun..

“mama..” niyugyog na naman ako ng anak ko..

“why baby?”

“nasaan po si papa? Hindi ko siya makita..”

“nasa room nya ah.. puntahan mo na lang dun..”

sabi ko sabay pikit ko.. antok na antok pa din kasi ako pero hindi pa ko nakakapikit masyado ng yugyugin na naman ako ng anak ko..

“mama.. wala siya dun sa room nya..nitignan ko nga po kanina, wala eh.. sabi po ni lola hindi nya din daw alam.. mama, nasaan po si papa? Umalis ba si papa?”

Napabalikwas ako ng higa, nang makita kong umiiyak ang anak ko.. ang alam ko kasi, bago ako natulog, kasama ni Kieffer ang anak ko at naglalaro pa sila.. pero pagkagising ko, wala na ito at iniwan pa nya ang anak ko..

Kinabahan ako.. ayoko ng ganitong pangyayari eh.. minsan ko na tong naranasan, kaya ayaw ko itong maranansan ng anak ko..

“halika, anak.. hanapin natin si papa mo.. baka nanjan lang un..”

Bumangon na ko sa higaan ko, at binuhat ko na siya palabas ng kwarto ko.. katapat lang naman ng kwarto ko ung kwarto na tinutuluyan ni Kieffer kaya madali akong nagtungo dun.. pero wala doon si Kieffer kaya lumabas ulit ako at nagtungo sa ibaba.. tumungo ako sa may sala, sa kitchen, sa banyo even sa labas, hindi ko makita si Kieffer.. pumasok ulit ako sa loob at ibinaba ko na ung anak ko sa sofa.. buti na lang ay tumigil na itong umiyak pagkatapos kong sabihin na susunduin ko ang papa nya sa secret place namin.. maka-lusot lang..

Nadatnan ko naman si mama sa may kusina na naghuhugas ng plato.. “ma.. si Kieffer, nasaan??”

“aba’y malay ko.. nasaan ba?”

“ma.. wala dito.. umiiyak ang anak ko dahil hindi siya nakikita.. iniwanan ko un kanina na naglalaro sila ni Kirsten, pero nawala na naman..”

“huminahon ka nga.. nanjan lang un..”

“huminahon, ma? Tsk.. minsan na nyang ginawa sa akin yang mga bagay na yan, kaya alam ko kung anong pakiramdam.. at ayoko un mangyari ngayon sa anak ko..”

“basta, nanjan lang un..”

Lumabas ako ng kusina na sobrang inis na inis.. gabi na at hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Kieffer sa oras na to, kaya lalo akong naiinis..kung kaya nyang gawin sa akin ang mga bagay na un, sana sa akin na lang nya gawin at wag na sa anak ko.. bata pa si Kirsten para maranasan ung mga bagay  na to.. ang iwanan..

tumungo na ko sa anak ko na nakaupo pa din sa may sofa.. nagulat ako ng hindi na siya umiiyak, dahil sa hawak nyang chocolates at bulaklak.. nagtaka ako kung bakit may hawak siyang ganun at kung saan galing ang mga un..

“anak.. sino may bigay nyan sayo?”

“nakit ko lang po ito sa table eh.. mama, pwede ko ng buksan to?”

False AlarmWhere stories live. Discover now