Chapter 47 - test..

7.2K 129 14
                                    

Chapter 47

*Amie*

“babe..”

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Kieffer.. at dahil na din sa paulit-ulit nyang halik sa buong mukha ko..

“baby, gising ka muna..” at sabay halik pa din sa labi ko..

“hmm.. bakit ba?”

Sabay kamot ko sa batok ko nang marinig ko na naman ang boses ng asawa ko habang himbing na himbing pa ang tulog ko.. idinilat ko ng pilit ang mga mata ko dahil kanina pa nya ko niyuyugyog sa di ko malamang dahilan.. bumungad naman ang gwapong mukha ng asawa ko sa harap ko at ung simangot ko ay napalitan ng ngiti..

Ganito ba naman ang sumalubong sayo twing umaga, sinong hindi mangingiti??

“bakit ba, baby?” i said in sleepy voice..

“tinatanong kasi sa akin ni Lola ung size mo.. hindi ko naman alam un..”

“anong size?” napakunot-noo ako..

“parang...ung vital statistics mo yata.. basta, sabihin mo na lang.. nag-hihintay si Lola sa reply ko..”

“34-26-36..”

“un na mismo ung sasabihin ko kay Lola?”

I nodded.. naupo siya sa may gilid ng kama at nagtipa na dun sa phone nya.. nagtataka man ako, pero hinayaan ko na siyang mag-type dun at natulog na lang ako ulit..antok na antok kasi ako ngayon sa hindi ko din malamang dahilan.. dalawang buwan na ng makabalik kami ng anak ko dito sa manila, at simula nun ay parang hinahatak na ko ng kama.. siguro ay na-miss ko lang talaga matulog sa malambot na kama tulad ng hinihigaan ko ngayon.. dun kasi sa Palawan, papag ang higaan namin ng anak ko.. ok naman ako dun – at mas gusto ko ngang sa papag na lang ako matulog – pero, ewan ko ba ngayon.. ang sarap sarap mahiga sa kama namin ni Kieffer..

“mahanginan ka lang talaga, tulog ka na agad.. para kang gagamba..”

Muli akong dumilat.. napaatras pa ko ng makita kong inch apart na lang ang layo ng mga mukha namin.. ngumiti siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi..

“ang tsansing mo..” sabi ko..

“tsansing kaagad?”

“oo.. nakaka-ilan ka na?”

“hmm.. saktuhan lang, babe..”

“papalitan mo yan ah.. bawal utang..” sabay tawa ko..

“papalitan ko talaga un, kahit ngayon pa mismo eh..” akmang bababa na naman ang mukha nya sa mukha ko ng pigilin ko ng kamay ko ung dibdib nya..

“dapat pumasok ka na lang eh.. para wala akong istorbo..” habol ko pang sabi..

"tignan mo tong isang to.. off ko nga sa work, pinapapasok pa ko.. hindi yata ako na-mimiss..”

Napahagikgik ako sa pag-pout nya sa labi nya.. akala mong bata na inaapi.. i touched his cheeks and caress it by my thumb.. “kelan ka pa natutong mag-inarte ng ganyan?”

“sa anak natin.. tinuruan ako kung paano maglambing sa mama nya eh..”

“magsama nga kayo! Lagi na kong nabu-bully sa inyong mag-ama ah..”

False AlarmWhere stories live. Discover now