Chapter 41 - Kirsten..

6.8K 96 16
                                    

Chapter 41

*Amie*

“second honor.. Isabelle Cruz..”

Naramdaman ko na lang bigla ang pagpapadyak ng batang hawak ko, dahil sa naiinip na sya.. lahat kasi ng mga classmates nya ay natawag na, at siya na lang ang naiwan sa may upuan.. natatawa na lang ako, kasi panay ang kamot nito sa ulo nya at panay ang reklamo sa akin..

“huli na naman ako tinawag..” sabi pa nya sabay humalukipkip pa..

“hintayin mo kasi.. wait lang..”

“lagi na lang po akong huling tinatawag eh..”

Napatawa na lang ako ng tahimik dahil bumusangot na naman ang mukha nya..

“first honor.. Jamielle Kirsten Choi..”

Rinig kong sabi nung teacher.. agad naman akong tumayo at hinatak ko na ang batang hawak ko, pero hindi pa din siya tumatayo sa upuan nya.. nanatiling nakabusangot pa din ung mukha nya dahil ngayon lang siya natawag..

“halika na.. ikaw na ung tinatawag oh..”

“ang tagal tagal po kasi eh..” sabi nya ng maluha-luha..

Natawa ako..“kaya ngayon ka lang tinawag ng teacher mo, kasi ikaw ang first honor..” bulong ko..

“first nga po eh.. bakit huling tinawag? Edi dapat last honor ako!”

Napatawa na lang ako bigla sa sinabi ng batang ito, dahil sa sinabi nya.. tama nga naman siya sa sinabi nya about first and last.. na dapat ay mauuna nga siya dahil siya nga ung ‘first’ honor.. ginulo ko na lang ung buhok nito dahil sa tuwa ko sa kanya.. ngayon pa lang kasi siya ggraduate ng prep, pero hindi ko ineexpect na ganito na kaagad siya kahusay..

“come on.. tinatawag na tayo ng teacher mo..”

Sa huli ay tumayo na siya at hinawakan din ung kamay ko.. tumungo na kami kaagad patungo dun sa stage at tinanggap ung medal nya.. may sinabi pa ung teacher na ibang awards ni Kirsten, kaya medyo tumagal pa kami sa itaas ng stage.. after that, pinag-pose kami sa gitna at kinuhanan kami ng picture..

Pagkababa namin, hinatid ko na siya sa upuan nya at bumalik na din sa mismong upuan ko.. tumabi ako sa mama ko na siyang nakikinuod din sa graduation ni Kirsten..

“bakit ang tagal nyo umakyat ni Kirsten?” tanong ni mama sa akin pagkaupo ko..

“nagmaktol pa kasi, mama.. first honor daw siya, pero last daw siyang tinawag.. dapat last honor na lang daw siya..”

Natawa naman ang mama ko pagkatapos kong sabihin sa kanya un.. “mana talaga sayo yang si Kirsten.. maloko..”

Nangiti na lang ako ng sabihin iyon ng mama ko.. hindi ko kasi maipaliwanag ung bigla kong naramdaman nung sinabi nya iyon sa akin.. actually, ung pagiging mainipin ni Kirsten ang talagang nakapagpapa-alala sa akin ng isang tao.. na isang taong pilit ko ng kinakalimutan hanggang ngayon..

“kids.. please all stand for your graduation song..”

Agad namang tumayo ang mga bata nang sabihin iyon ng teacher nila.. agad pumainlanlang ang music sa buong school grounds ng mag-umpisa un.. glowing inside ni nikki gil ung kinakanta ng mga bata at natutuwa ako, dahil ang liliit ng mga boses nung kumakanta nun..

Napapasunod lang ng sway ung ulo ko, habang nakikinig sa mga bata.. nakatingin lang ako dun sa harapan, at nanunuod sa mga actions nung mga bata.. nang biglang maglisawan ang mga ito paalis at may mga dala na silang white stem rose..

“mama!”

Nilingon ko kaagad ang batang sumigaw na un, at agad akong dinamba ng yakap nito.. nalaman ko na ang anak ko ito kaya niyakap ko din siya pabalik.. lumuhod ako para maabot nya ko, dahil may kiss pa pala ako mula sa kanya..

False AlarmWhere stories live. Discover now