Season Finale

6.1K 149 59
                                    

Season Finale

Third Person's POV

"Ayos pala talaga dito sa lugar niyo Denis."bungad ng isang lalaking naka-itim na t-shirt kay Denis na kabababa lang din sa isang pick-up na sasakyan.

"Sabi ko naman sa 'yo maganda dito. Ngayon na wala na si Jb, pwede ng mapasa'tin ito."Natatawang wika ni Denis.

Napangisi naman ang lalaking kausap ni Denis saka humugot ng baril sa likuran at itinutok ito sa noo ni Denis. Ikinagulat ito ng binata at nauutal na nagsalita.

"A-anong ibig sabihin nito Pare? Akala ko maayos ang usapan natin dito!"sigaw ni Denis habang unti-unting umaatras.

Maangas namang tumugon ang lalaking may hawak ng baril kay Denis saka bahagyang pumalingi ang ulo nito na tila ba nangaasar pa.

"Maraming namamatay sa maling akala bata. Kung kaya mong traydurin ang amo mo, hindi malayong mangyaring gawin mo din sa 'kin yun."

Matapos ay walang anu-ano at ipinutok niya ang baril. Butas ang noo nito at nagtalsikan ang mga dugo sa paligid. Isinilid ng lalaki ang baril niya sa kaniyang likuran na parang walang nangyari. Kumuha pa ito ng bubble gum at kinain.

"Linisin ang buong lugar! Kapag may nakitang buhay, patayin agad. Walang ititira, mapa-bata o matanda. Lalaki man o babae."maangas na utos ng lalaki. "Simula na 'to ng unti-unting pagbabago. Lahat ng plano natin mangyayari na. Ako ang Diyos, ang susundin ng lahat."nakangising wika ng lalaki.

Pagkatapos niyang magsalita ay nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

"Kayo, tingnan niyo kung sino ang nagpapaputok banda doon."

Matalim ang mga tingin ng lalaki. Bakas sa malaking boses niya ang pagiging marahas at kawalan ng kaawaan. Para bang kung sino ang bumungo sa kaniya ay madudurog sa tingin pa lang niya.

"Akin na ang mundong 'to."bulong niya sa kaniyang sarili.

---

Mabilis na pinaulanan ng bala ni Jael ang tatlong lalaki na naabutan sila habang paalis sa lugar. Kasabay ng mga putok ng baril ay ang pagsigaw ng dalaga. Matapos noon ay agad niyang tinuon ang pansin sa umiiyak na si Misty at kay Bobby na nakahiga sa sahig, duguan ang kaniyang kanang dibdib dahil sa tinamo niyang sugat nang mabaril siya ng isa sa tatlong mga lalaki.

"Kamusta siya?"tanong ni Jael.

Bahagya siyang naupo sa sahig para tingnan si Bobby.

"H-hindi ko alam."nanginginig na tugon ni Misty.

Panay lamang ang iyak ni Misty na nagaalala sa lagay ng binata. May kaunting dugo na tila naglalawa sa likuran ni Bobby. Dugo na mula sa kaniyang sugat. May malay pa din naman ang binata, ito ay ayun sa kaniyang mga mata. Nakapikit lang ang binata pero padiin ng padiin ang pagpikit nito. Iniinda niya ang sakit at kirot na mula sa kaniyang sugat.

"Hindi na maganda ang lagay niya. Kailangan natin magmadali!"wika ni Jael. "Tulungan mo ako Misty."

Dahan-dahan nilang itinayo si Bobby ngunit dahil malaki ang katawan ng binata ay hirap silang dalawa.

"Misty makinig ka sa 'kin, kunin mo ang baril ni Bobby. Kailangan mo akong tulungan kung gusto mong mabuhay si Bobby okay?"

Ilang sandaling tiningnan ni Misty si Jael saka pinunasan ang kaniyang luha. Yumuko ito para kunin ang baril ni Bobby na nasa sahig saka muling tumulong sa pag-akay kay Bobby.

"Tara doon muna tayo loob."

Hirap man sa pagbuhat kay Bobby ay pinilit nilang dalawa na maiakyat ang duguang binata sa ikalawang palapag ng bahay. Dahil sira ang pintuan ng bahay kung nasaan sila ay hindi sila ligtas kung mananatili sila sa ibabang parte ng bahay. Pagkapasok nila sa klwarto ay dahan-dahan nilang inihiga sa kama si Bobby.

Undead CityWhere stories live. Discover now