UC #9

3K 127 58
                                    

Jackson's P.o.V

Para akong biglang sinaniban ng statue of liberty ng makita ko kung sino yung sumigaw sa pangalan ko. Si Jael...

"Teka anong nangyari sa kaibigan niyo? Hindi niyo din ba alam na ipinag babawal na ang pagala-gala sa mga oras na 'to?"sabi saming lahat ni Jael.

Naramdaman ko ang pag ngisi ni Zian. Nanumbalik lahat sa isip ko ang mga nangyari noon pero wag na muna tayong mag flashback, mas kailangan ni Tyrone ng tulong ngayon.

"Saka na kami sasagot sa mga tanong mo, kailangan ng tulong ni Tyrone. P-pwede mo ba kaming tulungan?"nagaalinlangan ako sa mga bawat salitang binibitawan ko kay Jael.

Shit naman talaga! Ang daming sundalo sa lugar namin siya talaga ang makakakita samin?

"Oo naman Jackson, ikaw pa ba? Tara sumunod kayo sa'kin."tugon sakin ni Jael.

"Ayos 'to ah."narinig kong bulong ni Zian at may pag ngisi na naman sa dulo.

Isa pang ngisi nito babawian ko 'to mamaya.

Agad kaming nag madali para ihatid sa isang sasakyan. Para itong ten-wheeler truck pero kakaiba ang likod nito dahil pag bukas ni Jael ng likuran ay puno ito ng kagamitang pang unang lunas. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga gamit na nandito pero dahil sa mga red cross na nakatatak sa halos lahat ng cabinet dito ay alam kong pang lunas lahat nang nandito.

Inihiga namin ni Bobby si Tyrone sa isang higaan na nasa bandang dulo saka siya nilapitan ni Jael.

"Ano bang nangyari sa inyo? Nag bigay na ako ng signal sa mga kasamahan ko dahil mukhang hindi lang itong binatang ito ang may kailangan i-check."sabi ni Jael habang chini-check si Tyrone. Kumuha siya ng stethoscope saka muling binalikan si Tyrone.

"Nawalan lang siya ng malay dahil sa aksidente na nangyari sa'min. Nahulog yung school bus namin sa bangin kaya nabagok siguro siya."si Nurse Jamie ang sumagot sa tanong ni Jael habang ako ay nakaupo lang sa gilid kasama ng iba pa.

"Mukhang ikaw ang nurse sa school nila, okay naman ang pag hinga at pag tibok ng puso niya."tumayo si Jael at may kinuha muli sa cabinet at sa pag kakataong ito, isang maliit na bote ang kaniyang kinuha at isang bulak.

Sinalinan niya yung bulak ng laman nung bote at saka ito ipinaamoy kay Tyrone hanggang sa maya-maya ay unti-unting nag kakamalay ang kaibigan namin.

"K-Kuya?"nag aalalang tawag ni Nerrise sa Kuya niya.

"Ugh, shet! Ang sama ng p-pananginip ko. N-nire-rape daw ako ng mga duguang babae."unang linyang binitawan ni Tyrone kahit nanghihina pa.

Halos lahat ay napa-poker face, si Misty ay napa-face palm naman. Nadako ang tingin ko kay Lyndsel, plain ang rumirehistro sa muha niya at nakatingin lamang sa labas, sa mga sasakyang dinadaanan kami.

"Walang hiya ka kuya! Nawalan ka na nga ng malay kung anu-ano pa sinasabi mo!"sabi ni Nerrise sabay hampas kay Tyrone sa balaikat saka niya niyakap at umiyak. "Wag ka na ulit ta-tanga tanga! Matanda na ako kaya kahit papaano, kaya ko na ang sarili ko. Sa susunod na gugulong yung sasakyan natin, yang ulo mo na ang sagipin mo!"wika ni Nerrise na kahit naiinis ay umiiyak siya, bakas ang sayang makita si Tyrone na okay na ulit siya.

"Ano ka ba, macho gwapito 'tong kuya mo, kaya kahit anong tumama sa ulo ko, matutulog lang ako at mananaginip ng mga chikababes, pero gigising at gigising ulit ako para bantayan ka."tugon ni Tyrone saka niyakap na din si Nerrise.

"Oh bakit ka umiiyak?"napatingin ako sa kanan ko dahil nag salita si Ryohei at tinanong si Nurse Jamie na nasa harapan lang namin.

"Kasi para akong nanunuod ng koreanovela. Huhuhu. Ang sweet ni Tyrone, mag kapatid ba talaga sila? May gagawa kaya sa'kin niyan?"sagot ni Nurse Jamie sabay napatingin kay Ryohei.

Undead CityWhere stories live. Discover now