UC #15

3.4K 121 23
                                    

Third Person's P.o.V

"Nerrise, gatas oh. Uminom ka muna nito. Noong bata kasi ako, pinapainom ako ng Lola ko nang gatas para kumalma. Hindi ko alam kung tatalab sa 'yo pero sana makatulong."alok ni Geila sa umiiyak na si Nerrise.

Nasa loob na sila ng isang silid. Lahat sila. Halos tatlumpung minuto ding tahimik ang buong kwarto. Lahat ay nakikiramay sa pag-kawala ng ina nila Tyrone at Nerrise.

"Salamat."tugon ni Nerrise habang humihikbi-hikbi pa.

"Ang sabi sa 'kin ni Mama bago kami pumasok ni Nerrise sa school, bago pa mangyari ang lahat ng mga ito... mahal na mahal niya daw kami. Naalala ko pang tinanong ako ni Mama kung wala pa ba akong maipapakilalang girlfriend dahil matagal na daw akong walang dinadala sa bahay,"wika ni Tyrone kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat. "Napakalambing ni Mama no'n, pero wala ako sa mood para makipag-kulitan kay Mama kaya hindi ko siya pinansin at inaya si Nerrise na umalis na. T-tang ina."

Basag na muli ang boses ni Tyrone. Nakaupo siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Nerrise. Napahilamos na lamang siya ng mukha gamit ang kaniyang mga palad. Nakokonsensya siya sa kaniyang ginawa sa kaniyang ina. Nagsisisi.

Habang tahimik ang lahat ay lumabas ng kwarto si Zian. Dumaretso siya sa labas ng bahay na kanilang kinalalagyan. Naabutan niya si Big San na naninigarilyo. Lumapit ang binata dito na siya namang agad napansin ni Big San.

"Pare pwedeng pahingi ng isa."wika ni Zian.

"Menor ka pa diba? Bawal pa siya 'to."tugon ni Big San sabay silid ng kaniyang isang kahon ng sigarilyo sa bulsa niya.

"Umiinom ako gabi-gabi. May mga naka-sex na din ako. Tapos sigarilyo bawal? Isa pa, kung gusto mong patawarin kita sa ginawa mo sa 'min, bigyan mo ako ng isa."

Sa sinabi ni zian ay natawa si Big San. Inilabas niya muli ang kaniyang kahon ng sigarilyo sabay abot kay Zian. Iniabot niya din ang hawak-hawak na sigarilyong nakasindi na.

"Gusto ko kita bata. Mukhang magkaka-sundo tayo."wika ni Big San.

"Wag ka mag-alala. Hindi kita gusto."sarkastikong tugon ni Zian at dahil doon, natawa muli si Big San.

Ibinalik ni Zian ang kahon ng sigarilyo at saka nakisindi kay Big San. Nag-simula ng humithit si Zian ng kaniyang sigarilyo. Naupo na din siya sa tabi ni Big San.

"Kailan niyo pa nabuo 'tong lugar niyo?"tanong ni Zian.

Kaswal lamang ang pakiki-tungo ni Zian kay Big San na tila ba magkasing-edaran lamang ang dalawa.

"Wala pang dalawang araw mula nangyari 'tong delubyo, yan ang pagkaka-alam ko. Alam mo, swerte na lang kaming lahat at nandito yang si JB. Mas bata siya sa 'kin pero mas mautak at mas matapang yan. Siya at yung tatay nung isa niyong kasama, sila ang namumuno dito. Kagabi lang din naman ako dumating dito sa subdivision na 'to."tugon ni Big San.

Tumango-tango naman si Zian tapos humithit muli siya ng sigarilyo at bumuga na halatang sanay na sanay sa paninigarilyo.

"Ganoon pala. Pero mukhang naayos niyo agad ang lahat dito. Maganda na at mukhang walang nangayayring ka-wirduhan sa lugar."

"May mga engineer dito. Sila ang mabilis na gumawa ng plano para lagyan ng harang ang buong lugar. Kaya naman lahat ng tao dito, hindi inaalala yung mga parang zombie na nasa labas nang kinalalagyan natin."

"Parang? Hindi sila parang. Mga zombies talaga sila. Zs ang tawag ng iba. Tulad nung sundalong kasama namin."

Sa sinabing iyon ni Zian, natulala si Big San.

Undead CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon