UC #13

3K 122 45
                                    

Jackson's P.o.V

"Lyndsel, okay na. Wag ka ng umiyak."pag-papatahan ko kay Lyndsel.

Kanina pa siya umiiyak habang nag aabang na gumising si Ryohei. Nakahinga ako ng maluwag ng makita namin siyang muli. Akala ko talaga, isa na siya sa mga Zs. Hindi ko alam kung paano siya nakatakas pero masaya talaga akong makita siyang muli.

"Uminom muna kayo."

Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Mr. Roxas na may dalang tray at may tatlong basong tubig.

"Salamat po."sabi ko sabay kuha ng tray ng makalapit ako sa kaniya.

"Napakaswerte ng kaibigan niyo. Halos wala siyang natamong malalim na sugat. Halos panay galos lang."wika ni Mr. Roxas habang nakatitig kay Ryohei.

"Matagal na akong bilib sa kaniya. Pero mas bumilib ako ngayon. Marahil, kung wala siya. Baka wala na din kami ni Lyndsel ngayon."tugon ko.
Simula pa lang ng lahat, siya na talaga ang matapang na humaharap sa mga Zs. Hindi pa kami ganoon katagal mag kakilala pero hanga na ako sa pagiging matapang at matalino niya.

"Sumunod ka sa 'kin Jackson."
Kumunot ang noo ko ng sabihin iyon ni Mr. Roxas kaya naman sumunod na lamang ako sa kaniya. Lumabas kami ng kwarto at nag tungo sa kwarto kung saan ko nakita ang mga pugot na ulo ng mga Zs.

"Wag kang mag alala Mr. Roxas. Pag kagising na pag kagising ni kaibigan namin. Aalis kami agad."sabi ko agad pag kapasok namin dito sa loob ng kwarto.
As usual, kinikilabutan ako dito sa loob. Ikaw ba naman titigan ng mga pugot na ulong tila naagnas na eh.

"About diyan, payag na akong manatili muna kayo dito sa bahay ko sa isang kondisyon. Susundin niyo ang lahat ng gusto ko. Ayokong mag kaproblema dito."sabi niya sabay bahagyang sumandal sa mesa.

Halos mapangiti hanggang langit sa mga narinig ko.

"T-Talaga?"tanong ko.

"Hindi naman ako masamang tao. Ayokong makonsensya kapag pinaalis ko kayo. Pero, sa oras na maayos na talaga ang dalawa mong mga kasama, doon na kayo aalis dito."paliwanag pa niya.

Halos maalog ang utak ko kaka-tango.

"Saka mamaya, pwede mo ba akong tulungan?"tanong niya.

"Kakit ano Mr. Roxas! Kahit anong gusto niyong ipagawa, gagawin ko! Maraming salamat sa pag papatuloy niyo sa 'min dito."wika ko.

---

"Jackson..."mahinang tawag sa 'kin ni Lyndsel.

"Kaya ko Lyndsel."tugon ko.
Maya-maya lang ay lalabas na kami ni Mr. Roxas. Wengya! Oo kaya ko pero ang kaba ko, abot hanggang ka-gwapuhan ko! Shet!

"Okay ka na?"tanong ng kararating lang na si Mr. Roxas at may dala-dalang buhay na manok.

Pinag suot ako ng kumportableng damit ni Mr. Roxas. Oversized shirt at jogging pants. Pinag dala niya din ako ng isang bag pack na may mga kutsilyo, pagkain at tubig.

"Do i have a fucking choice? I gave my words already. Kahit gusto kong mag backout, no choice na."kinakabahan kong sagot.

"Dont worry, we'll be fine. Ako nga na magi sang ginagawa 'to noon, nagagawa kong makauwi ng buo."nakangising wika ni Mr. Roxas. "Ah Lyndsel, kung saka-sakaling may mapapadpad dito at humingi ng tulong, wag mong tutulungan. Babalik kami bukas ng umaga. Maaasahan ba kita?"tanong ni Mr. Roxas.
Tumango-tango naman si Lyndsel.

"Salamat. Sige aalis na kami. Ikaw ng bahala dito. Sa oras na magising yung isa niyo pang kaibigan, may mga gamot diyan sa cabinet. Sakit ng ulo o kung anong maramdaman niya, meron don.  Kumuha ka lang."dagdag na bilin ni MR. Roxas.

Undead CityWhere stories live. Discover now