UC #16

2.8K 109 11
                                    

Third person's P.o.V

"Oh, bakit magkasama kayo?"tanong ni Tyrone sa mga kadadating lang na sina Nerrise at Jb.

"Ah, nakita ko kasi siya kanina nung matapos akong mag-cr. Kaya inaya ko na siyang bumalik dito."nakangiting tugon ni Jb.

Nais sanang mag-salita ni Nerrise tungkol sa mga narinig niya kanina ngunit mas minabuti niyang huwag na lamang. Kahit alam niya kasi kung ano ang mga ungol na narinig niya ay hindi pa din naman niya ito nakita ng personal. Hindi si Nerrise yung tipo na nanghuhusga o nagsasalita hangga't hindi niya pa nakikita.

"Ayos ka lang ba Nerrise?"tanong ni Nurse Jamie nang makalapit siya sa dalaga.

Tumango-tango na lamang si Nerrise bilang tugon.

"Tyrone, mabuti pa siguro kung kaming mga girls na lang ang sasama kay Nerrise sa kwarto. Tutal hindi naman kami iinom ng madami."wika ni Misty.

"Hala, iiwan mo na ako dito? Paano na ako? Hindi na ako mag e-enjoy sa pag-inom nito."naka-busangot na singit ni Bobby.

Napataas naman ng kilay si Misty at tinapunan ng masamang tingin si Bobby.

"Mukha ba akong G.R.O. Bobby? Saka pwede, pakilaklak lahat ng alak ng makatulog ka na sa kalasingan pang-habang buhay."sarcastic na tugon ni Misty sa binata.

Natawa naman si Tyrone na nasa gilid lamang ni Bobby.

"O sige, kung yan ang gusto niyo, mukhang mapapasarap pa kami dito sa inuman."singit na ni Tyrone dahil nasa isip niyang baka lamunin na ng lupa si Bobby.

Hinawakan na ni Nurse Jamie ang kamay ni Nerrise para mag-lakad. Sumunod naman sina Jael at Misty.

"O ano, Nerrise? Kamusta na ang pakiramdam mo? Mas okay ka na ba ngayon?"tanong ni Jael habang nag-lalakad sila.

Kahit pa-paano ay ngumiti naman si Nerrise bago nag-salita.

"Malungkot pa din naman ako, pero hindi naman ako pwedeng maging malungkot dahil nandito pa naman sina Kuya at Papa. Siguro, magiging okay din ako ng tuluyan pero hindi pa ngayon. Kumikirot pa din sa 'kin ang nangyari kay Mama."tugon ni Nerrise.

"Tama yan. Alam mo kung ang i-isipin mo ang mga magaganda pang bagay na natira sa 'yo, hindi ka na malulungkot or mababawasan ang lungkot mo bawat araw na lilipas. Mind over matter lang yan."sabi ni Nurse Jamie tapos mas kumapit pa siya kay Nerrise.

Nang makarating na sila sa kwarto ni Nerrise ay agad nahiga ang dalaga. Samantalang ang mga kasama ni Nerrise ay naupo lamang sa mag kabilang gilid ng kama at nag usap-usap.

"Ahm..."

Nakuha ni Nerrise ang atensyon ng tatlo.

"Bakit Nerrise"tanong ni Misty.

Halata sa mukha ni Nerrise ang pagiging hindi kumportable. Hindi siya makatingin sa isang direksyon lamang.

"Kasi kanina... pero hindi naman nakita ng dalawa kong mata pero sigurado ako sa narinig ko."pag-uumpisa ni Nerrise sa sasabihin niya.

Mas lalong lumapit ang mga kasama niya sa kaniya.

"Tingin ko may mga Zs dito sa lugar na kinalalagyan natin."

Agad na nag katinginan sina Jael, Misty at Nurse Jamie.

"S-seryoso ka ba?"tanong ni Jael na hindi makapaniwala. "Kaya pala hindi ako kumportable dito. Sabi ko na nga ba may mali."

"Oo nga, yan din ang kanina ko pang nararamdaman dito. Pero bakit may mga Zs dito?"sabi naman ni Misty.

Hindi naman makapag salita si Nurse Jamie sa takot.

Undead CityWhere stories live. Discover now