UC #1:

16.4K 312 276
                                    

Jackson's Point of View

"Shoot! Dito tayo,bilis!"sigaw ko kina Lyndsel sabay hampas sa ulo ng kung ano mang matatawag sa kanila. Mga taong lanta lanta kung maglakad, duguan ang damit at ibang parte ng katawan, mga balat na natuklap, at madaming marka ng kagat sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan. Mga patay na tila muling nabuhay, gumagalaw at tila din hayok na hayok sa laman ng tao.

Kanina pa kami tumatakbo para lang makapunta sa pinakamataas na parte ng eskwelahan namin sa may Management Building. Gusto naming makita ang buong lugar, Gusto naming malaman kung ano ba talaga ang nangyayari at nagkakaganito. Ang Management Building ang isa sa pinakamatataas na building sa buong paaralan namin kaya kung may gusto man kaming makita, isa ito sa mga pwedeng puntahan.

"AAAHHH!!"Naaalarmang napatingin ako sa likod maging si Zian nang marinig namin ang tili ng kasama namin na si Lyndsel.

"URRGGGHH!" Malakas at agresibong ungol ng janitor namin na ngayon ay duguan ang buong katawan at hawak hawak ang alliminum na bahagi ng monopod na ginagamit pang-depensa ni Lyndsel.

"GET A WAY FROM ME!!"Malakas na sigaw ni Lyndsel na pilit inilalayo ang ulo niya sa madugong bibig nito.

"LYNDSEL!!"Sigaw namin ni Zian sabay takbo papunta sa pwesto ni Lyndsel na ngayon ay pilit pa ding inilalayo ang janitor namin na gustong kumagat sa kaniya.

Agad na hinawakan ni Zian sa likod yung lalaki at buong lakas na hinila ito palayo kay Lyndsel. Hindi ko maintindihan kung ano ba talagang nangyayari dito. Duguan na yung janitor, halos warak na yung leeg at ibang parte ng katawan pero ang lakas lakas pa din kumilos. What the fuck is going on!

"Zian!"Sigaw ni Lyndsel na takot na takot habang nakatingin kay Zian.

Hawak hawak ni Zian mula sa likod yung janitor ng school pero ikinagulat namin ang sumunod na nangyari. Umikot ang ulo nito 180 degrees kaya para itong nakahrap kay Zian. Bigla niyang kinagat ang braso ni Zian. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Shit.

"AAAHHH!!"Sigaw ni Zian at sa sigaw na 'yon naramdaman ko ang sakit ng pag kakasakmal ng janitor sa braso niya.

"Jackson tulungan mo si Zian!"Sigaw sakin ni Lyndsel.

Tutulungan ko ba siya? Tutulungan ko ba ang lalaking umagaw kay Lyndsel mula sakin? Tutulungan ko ba ang kaibigan ko na itinuring ko ring kapatid ngunit tinraydor ako? Hindi ako makapag isip. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa pag kakasigaw ni Lyndsel.

"Jackson ano ba?! Tulungan mo si Zian!"Muling sigaw ni Lyndsel.

Napatingin ako kay Lyndsel, nakita ko ang mga mata niyang nangungusap na tulungan ko si Zian. Napahigpit ang hawak ko sa baseball bat tsaka tumakbo patungo sa pwesto nila. Hinampas sa ulo yung janitor ng school at nag talsikan sa mukha ni Zian yung dugo nito.

"Pre kaya mo pa ba?"Tanong ko kay Zian na napaupo na. Pinunit ko ang manggas ng uniform ko at itinali ito sa braso niya para mapigilan ang pagdudugo.

"Zian, Okay ka lang? Masakit ba? Gaano kasakit?" sunod sunod at nagaalalang tanong ni Lyndsel sabay yakap kay Zian.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Naiinis ako sa sarili ko. Alam kong matagal ko nang gustong mawala si Zian pero nagawa ko parin siyang iligtas.

"Jackson, dalhin natin siya sa clinic."

"No! Malapit na tayo. At masyadong delikado kung pupunta pa tayo sa clinic. Nag kalat na sila sa buong eskwelahan. Kailangan nating mag-ingat."Sabi ni Zian habang pilit na tumatayo.

"Let's go."Utos niya at lumakad.

Tumango nalang ako at saka sumunod.

"Pero-"

Undead CityWhere stories live. Discover now