UC #4:

4.8K 165 233
                                    

Bobby's P.o.V

"Uy ano Misty? Hayaan mo na kasi akong barilin yan ng makaalis na tayo dito! Hindi ka ba nababahuan dito? umaalingsaw ang amoy oh."pangungulit ko.

Paano ba naman kasi. Kanina pa kami dito nag tatago sa may corner ng comfort room naming mga lalaki dahil sa mga ano bang dapat itawag sa kanila? Naka drugs na estudyante? Ang panghi na din kasi dito e. Wag niyo ko idamay ha! Di pa ako nakakapag cr sa cr na 'to kahit kailan. Dun ako lagi sa may cafeteria kaya wag akong sisihin niyo. Pero plus ganda points kay Misty. Biruin niyo yun, nakakatagal siya sa amoy. Kung ibang babae kasama ko baka napaulanan ko na ng bala sa kaartehan.

"SSHH! Isa pang ingay mo ikukulong kita dyan sa cr! Baka marinig nila tayo! Saka ano? Patayin? Syunga ka talaga! Masama ang pumatay ng tao!"bulong niya sakin pero sa boses niya halatang gustong gusto niya akong sigawan.

Napa-peace sign naman ako sa kaniya. Alam niyo na, papacute sa labidabs ko. Binihag niya talaga ang aking puso eh. Tinamaan ako ng sobra Bro!

"Eh ano na ngayon labidabs este Misty pala? Tambay tayo dito hanggang mag si alisan yan?"sumilip ako konti at tiningnan yung mga estudyanteng duguan.

Actually nag dududa na nga ako kung buhay pa yang mga yan. Kita niyo naman! Halos matanggal na ang kaliwang braso nung isa kanina. Ilang litro na din malamang ng dugo nailabas nila. Kahit sinong normal na tao kung ganyan ang mangyari segundo pa lang tigok na!

"Di ko din alam."sagot niya sakin habang nakasilip dun sa mga wirdong estudyante.

Yun na yun? Wala na kaming gagawin dito?

"Yucky! Tingnan mo yungisang yun!"hinatak ako ni Misty para sumilip sa tinitingnan niya.

Ano bang meron at parang excited siya na makita ko yungnakikita niya? Saka about sa tawag niya sakin,ayos lang sakin alam niyo kung bakit? Para kasing endearment e.

Ng sumilip ako wala naman akong nakita na pag babago. Panay lakad lang nila habang nag kakalat sa sahig ng dugo at umuungol ng mahihina.

"Alin dyan titingnan ko dya-- uuuy! Aba oo nga ano? Diba siya yung sinasabing pinakamaganda daw dito sa school. Uuyy! Langya, ayos ng dibdib niya, bilog na bilo-- a-aray-aray!"napaaray ako ng mahina ng sabunut sabunutan ako ni Misty.

Battered boyfriend ata kalalabasan ko kapag naging kami nito ah! Napahawak ako sa buhok ko.

"Manyakis ka! Hindi yung ano nung sinasabing pinakamaganda DAW na babae ang tinutukoy ko!"bulong niya na may tension ang tono.

Hehehe! Sorry naman. Eh pano naman kasi,sabi niya tingnan ko daw,wala namang kakaiba kasi ganun pa din tulad kanina ng bigla na lang humarap sa pwesto namin yung babae tapos tanggal na yung harapan sa blouse niya kaya ayun nakita ko. Marunong kasi akong mag appreciate ng katawan ng babae. Yun lang yun. teka. Di kaya nagseselos si Misty? Hohoho! Di naman dapat siya mag alala dahil para sakin siya pa din ang pinaka maganda sa paningin ko.

"Sorry na. Eh wala naman kasing bagong nangyayari sa kanila. Mukha pa din silang patay na nag papalakad lakad."

Natigilan kami ni Misty sa nasabi ko. Mukhang parehas kami ng iniisip.

"Maraming dugong lumalabas. Mga tapyas ng balat. Mga pag babago sa mga katawan nila. Pati pag uungol at pag kain sa kapwa nila tao."sunod sunod na page-elaborate ni Misty sa mga 'yon.

"Like... Z-zombies?"tanong ko.

Shit! Bakit ngayon lang pumasok sa isipan ko 'to. Oo nga! Hindi naman ako kahapon pinanganak para hindi malaman ang tungkol sa kanila. Base sa mga kinikilos ng mga yun,hawig na hawig sa mga movies na napanuod ko. Hindi ako fan ng ganung movie pero syempre may napanuod ako kahit papano. Shit naman talaga! Ibig sabihin hindi kami ligtas kung mananatili kami ni Misty dito. Delekado.

Undead CityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz