UC #3:

4.8K 184 152
                                    

Jackson's P.o.V

Tahimik pa din ang lahat ngayon dito sa room,parang nag hihintay kaming pare-parehas kung sino ang babasag sa katahimikan namin.

"Ha-ha-ha. A-ang galing ng bago nilang segment ano? S-sana naman galingan nila sa pananakot."Utal na sabi ng class president namin.

"We have to leave now."wika ko.

Lahat sila dito binigyan ako ng what-the-heck look at mag kasalubong pa ang kilay ng iilan. Hindi nila ako maiintindihan,hindi nila nakita ang nakita ko kanina sa office ng science club!

"Bro teka,chill ka lang,ano ba talagang sinasabi mo? Hindi ka namin magets. Leave? Bakit? Ano bang meron? To be honest,nakakapanindig balahibo kahit papano yung mga narinig natin sa speaker but it doesn't make any sense. Nananakot lang yang mga yan."tinap ni Tyrone yung balikat ko pero ramdam kong nanginginig yung kamay niya.

"Hindi ko alam pano ko maipapaliwanag y-yung nakita ko sa room ng science club Tyrone, pero ang mas importante mapuntahan mo si Nerisse ngayon!"sabi ko sa kaniya.

"Tch. Insane."bulong ni Zian.

Nag pantig ang tenga ko kaya agad kong kinuwelyuhan si Zian sa polo niya at tinitigan ng masama. Pilit kaming pinag lalayo ng mga classmate kong lalaki.

"Stop accusing me! Kung may sasabihin ka, harap harapan mong sabihin sakin!"sigaw ko sa kaniya.

Bullshit! Bakit kailangan ko pang maki-pag away sa kanila ng ganito! Hindi ba nila nage-gets na may mali!

"Bitawan mo siya Jackson!"

Napabitaw ako ng marinig ko si Lyndsel. Napatingin ako sa kaniya.

"Fine. Kung ayaw mong sumama,sige."sabi ko saka nag lakad palabas.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Concern pa din ako sa babaeng gumago sakin. Himinga ako ng malalim.

"Bro!"tawag sakin.

Alam kong si Tyrone yun.

"Bakit? Dun ka na."

"Samahan mo kong puntahan si Nerisse."wika niya.

Napailing ko.

"Gago, bilisa--"

"AAAHHHH HELP ME!!"

Natigilan kami ni Tyrone ng makarinig kami ng sigaw sa labas ng building na'to.

"T-TULUNGAN NIYO KAMI!!"

Nakarinig kami muli ng sigaw kaya dumungaw kami sa bintana para makita kung anong nangyayari. Nanlaki ang mga mata ko maging ang kay Tyrone siguro. Kitang kita namin ang nangyayari sa baba. Nag tatakbuhan ang mga estudyante,takot na takot. Para silang may tinatakbuhan.

"B-Bro,si Ms. Bolton ba yun? Bakit ganyan ang itsura niya? Dugo ba yun?"sunod sunod na tanong ni Tyrone.

Agad akong napaatras.

"Tyrone,puntahan na natin ang kapatid mo."sabi ko habang medyo natulala.

Ano ba 'tong nangyayari? Palabas ba 'to? may nag shu-shooting ba dito sa school namin?

"Shit! Anong nagyayari sa kanila!"sigaw ng mga classmate ko.

Napatingin ako sa bandang kaliwa,hindi ko namalayang nag labasan pala sila. Marahil narinig nila ang mga sigaw mula sa baba. Maging ang ibang estudyante at prof nag labasan na sa kani-kanilang room.

"Tyro-- Tyrone?"nag palinga-linga ako dahil hindi ko na makita si Tyrone,marahil ay tumakbo na siya para puntahan si Nerisse.

"Z-Zian anong nangyayari?"

Undead CityWhere stories live. Discover now