UC #6:

4.1K 159 221
                                    

Bobby's P.o.V

"M-Misty?"bigkas ko ng pangalan ni Misty nang makita ko siya.

Halos mabunutan ako ng tinik nang makita siya na maayos at humihinga pa. Shit lang talaga dahil hindi ko man lang siya naabutan kanina sa pag takbo niya. Mali ko din naman, ako ang dahilan ng pag takbo niya eh,hindi ko naipaliwanag muna o nag pasabi man lang. Gumawa agad ako ng hakbang ng pabigla bigla. Kasalanan ko kung bakit... kung bakit mamamatay tao ang tingin niya sakin.

"I-Ikaw pala Bobby... Buti,ligtas ka."mahina niyang tugon sa akin at hindi makatingin.

I think,galit pa din siya sakin. Haaay! bakit kasi pabigla bigla ako kanina.

"Magkakilala kayo?"tanong ni Nurse Jamie sa akin.

Nandito din pala siya,oo kilala ko din ang nurse nang school. Sino bang hindi makakakilala sa kaniya eh,ang hot hot niya. Tingnan pa lang siya tiyak na tatayuan ka na agad... ng buhok sa braso,nakakapanindig balahibo kasi ang kagandahan niya. Hehehe.

"Oo,hehe. Actually kasama ko siya kanina."sagot ko kay Nurse Jamie.

Nag salubong naman ang kilay ng lahat. Hindi ko sila kilala,ang tanging kilala ko lang ay sina Nurse Jamie at Misty. At sila Jackson naman,kanina ko lang nakilala.

"Eh bakit hindi kayo mag kasama nung nakita namin si Misty?"tanong ni Nurse Jamie.

"A-ano kasi Nurse Jamie..."

"Nahiwalay kasi ako sa kaniya. May sumugod kasi samin kanina kaya pinatakbo ko na siya."sagot ko agad nang makita ko si Misty na hindi na kumportable.

Nag sinungaling na lang ako para naman hindi maging masama ang tingin ng lahat kay Misty dahil sa pag iwan niya sakin.

"Ano? Mag uusap na lang ba tayo o kakain? Sabihin niyo lang kasi kung kayo mag uusap pa eh,ako na lang kakain ng lahat ng 'to."wika ni Jackson.

Mag kaka-schoolmate naman kami kaya,walang masama kung mag titiwala ako sa mga 'to. Isa pa,hindi din naman ligtas ang mapag isa. Buti na lang at nag kakita-kita kami, kundi, baka di na ako mabuhay.

Isa isa naman na kaming nag kuhaan ng pag kain. Ako,kinuha ko lang yung dalawang sandwich pagkatapos ay ibinigay kay Misty ang isa. Napansin ko kasing hindi siya lumapit para kumuha ng pagkain.

"No thanks."wika niya ng hindi tumitingin sa akin.

Mukhang galit pa nga talaga siya.

"Eat this. Kun'di,wala kang energy bukas para tumakbo."sabi ko sa kaniya kaya napatingin naman siya sakin.

Nginitian ko naman siya ng kinuha niya yung pag kain pag katapos ay naupo sa tabi niya.

"Paano ka napasama sa kanila?"tanong ko sa kaniya tapos kumagat ako sa sandwich.

"N-nakita ako nila Nurse Jamie kanina."tipid niyang sagot sa akin.

Hindi niya pa binubuksan yung sandwich niya. Mukhang ayaw niya talagang kumain.

"Ah,buti naman at naging ligtas ka kanina. Kinabahan at nag alala kasi talaga ako eh."sabi ko sa kaniya na may mahinang tawa.

"I-ikaw?"tanong niya sa akin.

"Uhm,ayos naman,medyo nakasalubong lang ng iilang duguan pero,im still fine. Kinaya ko naman sila. Para saan pa at naging anak ako ng sundalo. Hehe."pilit akong nag jo-joke,baka kasi sakaling tumawa siya,ang kaso,hindi.

"Im sorry for ..."

Nag salita na agad ako pag karinig na pag karinig ko sa salitang sorry.

Undead CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon