UC #19

3.6K 102 84
                                    


Third Person's P.o.V

Pumasok na lamang bigla-bigla si Ryohei sa laboratory ni Mr. Roxas na siya naman kinagulat ng scientist.

"Oh! May kailangan ka ba?"tanong ni Mr. Roxas.

Ngumisi naman si Ryohei na ikinunot ng noo ni Mr. Roxas. Ipinagtataka niya ang ikinikilos ng binata.

"Sino ka ba talaga?"daretsong tanong ni Ryohei.

"Anong sino ako? Teka ano bang problema mo bata?"kunot-noo pa ding tanong ni Mr. Roxas.

"Kasama dapat ako sa event ng mga scientist sa city pero hindi ako nakasama dahil kinailangan kong mag focus sa training. Pero bago mangyari ang lahat ng ito, meron akong kopya ng nasabing event and I saw your laboratory gown, parehas na parehas ng nasa documents. Ngayon, isa ka ba sa kanila?"

Ilang Segundo din silang nagtitigan. Seryosong seryoso si Ryohei. Madali niya ding malalaman kung nagsisinungaling pa si Mr. roxas sa kaniya. Bihasa talaga siya pagkilatis sa isang tao.

Tinalikuran siya ni Mr. Roxas saka nagsalita ang scientist.

"You're right. I was one of them pero hindi nila ako katulad. Bago pa magumpisa ang event naming, kinakabahan na talaga ako. Alam kong kabaliwan ang pinaggagagawa namin pero mas mataas sila. Hindi ko sila napigilan hanggang sa huli na ang lahat."

"Pero hindi ko maintindihan, paano kumalat ng ganoon kabilis ang virus? Malayo ang city sa school pero bakit umabot sa amin?"tanong pa ni Ryohei.

Nilingon siya ni Mr. Roxas saka inabutan ng isang libro. Kinuha naman ito ni Ryohei saka binasa.

"Fuck."bulong ni Ryohei.

Kunot-noo niyang binabasa ang libro.

"That's the reason kung bakit mabilis kumalat ang viruses. Noong sumabog ang building, kasama doon ang ilang specimen namin. Sa ngayon hindi ko pa alam ang talagang dahilan pero mukhang dahil may specimen na kasama sa pagsabog, kumalat at humalo sa hangin ang viruses' mula sa kanila."

Bakas sa mukha ni Mr. Roxas na nakokonsensya talaga siya sa ginawa nila. Si Ryohei naman ay gulong-gulo.

"Nalanghap ng mga taong nandoon ang viruses? Ganoon ba?"tanong muli ni Ryohei.

Tumango-tango naman si Mr. Roxas.

"Kaya mabilis na kumalat sa buong lugar. Dahil galling sa iba't ibang parte ng bansa ang mga dumalo sa event... nang maging isa sila sa mga specimen na Zs ang tawag niyo, mas dumami na sila dahil sa kanilang pagatake."

"Pero bakit ikaw hindi ka naapektuhan?"

Huminga muna ng malalim si Mr. Roxas saka nagsalita muli.

"Meron akong suot na gas mask bago pa tuluyang sumabog ang gusali."

Hindi makapaniwala si Ryohei sa mga nalaman niya. Napakuyom siya at galit na galit.

"So nasa hangin pa din ba ang virus?"

Umiling-iling naman si Mr. Roxas.

"Ayon sa pag aaral ko, isang oras lang o higit pa ang itinagal ng virus sa hangin. Hindi ko pa makumpirma pero dahil sa oxygen, nasunog ang virus. Mabuti na nga lang at---"

"Mabuti na lang? Mabuti na lang?"sigaw ni Ryohei. "Dahil sa kabaliwan niyo nagkaganito ang lahat! Maraming buhay ang nawala dahil sa mga kalokohan niyo!"gigil na gigil si Ryohei na tila ba gusto na niyang manakit.

"Pre! Bakit ka ba sumisigaw!"singit ni Jackson na nasa loob na din pala ng laboratory. "Pupunta sana ako ng kwarto ng madaanan ko 'tong kwarto tapos narinig kitang sumigaw. May problema ba?"

Undead CityWhere stories live. Discover now