UC #12

3K 125 43
                                    

Jackson's P.o.V

"Nakatulog na ba siya?"napalingon ako sa likuran ko.

Si ahm, hindi ko pa pala alam yung pangalan niya.

"Oo tulog na siya, nga pala, maraming salamat sa pag tulong."bahagya akong ngumiti sa kaniya.

"Dito na kayo mag palipas ng gabi. Bukas pwede na kayong umalis. Bibigyan ko kayo ng supplies. Pagkain, tubig, pati mga gamot. Sapat na para sa inyong dalawa."sabi niya sa'kin na bahagya kong ikinagulat.

"T-teka lang ho, hindi pa ho kaya ng kasama ko. Baka mapahamak lang kami kung aalis kami agad ng hindi pa siya tuluyang magaling."sabi ko.

Napatayo na ako at lumapit sa kanliya.

"Natahi ko na yung sugat niya. Magiging okay na siya bukas. Hindi ako magiging ligtas hanggat may kasama ako dito."

Ano daw? Hindi siya magiging ligtas? Tangna, mukha ba kaming mamamatay tao?

"Basta bukas, dapat umalis na kayo."wika niya muli saka muling lumabas ng kwarto.

Nanatili akong nakatayo. Napatingin ako kay Lyndsel na mahimbing na natutulog. Bigla kong naisip si Ryohei. Napakuyom ako ng kamao. Nawalan kami ng kaibigan, para iligtas kami. At kapag umalis kami dito, malalagay na naman kami sa panganib. Masasayang lang ang ginawa ng aming kaibigan para sa amin.

---

Napabangon ako ng dahan-dahan. Nagising ako dahil sa nararamdaman kong uhaw. Dito ako sa sofa sa kwarto kung saan din natutulog sa kama si Lyndsel. Tulog pa din siya. Tuljuyan na akong tumayo saka lumabas ng kwarto.

Tahimik ang buong paligid. Parang normal na gabi lang. Napabuntong hininga ako. Ano nga kayang delibyo ang nararanasan namin ngayon. Paano kami mabubuhay kung para bang, ang kinatatayuan namin ay patay na?

Dumaretso ako sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig. Pabalik na sana ako ng kwarto ng mapansin kong, bukas ang isang pintuan at may ilaw pang bukas. Malapit lang ito sa kwartong tinutulugan namin ngunit sa bandang kanan itong isa kaya hindi ko napansin kanina.

Hindi ko alam pero parang may humihila sa'kin na lumapit sa kwarto na 'yon kaya nag palinga-linga ako. Walang nag bago, tahimik pa din ang paligid kaya't dahan-dahan akong nag lakad. Bigla akong kinabahan habang ako'y papalapit. Wengya, para akong ewan. May kwarto din naman kami sa bahay pero bakit... ako kinakabahan...

Nanghina ako sa nakikita ko ngayon. Pag kabukas ko ng pintuan bumungad sakin isang malaking aquarium na puno ng ulo. Ulo ng mga... Zs.

"Ano 'tong mga 'to?"tanong ko sa sarili ko.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Puno ng mga kung anu-ano na nakikita ko kapag laboratory class na namin sa biology. Pumasok pa ako ng husto sa kwarto at di ko na kinaya, naduwal na ako sa nakita ko. Isang katawan ng Zs, nakahiga at nakatali ang mga kamay at paa. Buhay ay hindi, patay pero gumagalaw. Shet! Ano ba ang dapat kong gamiting termino? Patay na buhay o buhay na patay?

"Anong ginagawa mo dito!"

Bigla akong napalingon sa likuran ko at sa gulat, nabitawan ko yung baso at nabasag.

"Ano ka ba! Bakit ka nag iingay! Saka anong ginagawa mo dito!"nanggigil siyang lumapit sa'kin saka ako hinila palabas ngunit pumalag ako.

"Ano 'tong mga 'to? Bakit madaming ulo ng mga Zs ang nandito?"tanong ko sa kaniya.

Napahinga siya ng malalim na tila ba kinakalma ang kaniyang sarili.

"Utang na loob, umalis ka na dito. Ngayon din. Bago pa ako mawalan ng awa sa inyo at mapaalis ko ngayong gabi dito sa pamamahay ko."wika niya na may gigil at nakaturo palabas ng kwarto.

Undead CityWhere stories live. Discover now