UC #17

2.7K 108 22
                                    

Third Person's P.o.V

"Anak! Anak ko! Nasaan ka na!"sigaw ng isang matandang babae na parang mababaliw na kakahanap sa anak niya.

Halos mag lumpasay na nga ang matandang babae sa kalsada.

"A-ano ba yun?"bulong ni Tyrone sa sarili tapos bumangon siya at napahawak sa ulo niya. "Ugh! Sakit ng ulo ko."reklamo niya.

"Kuya! Kuya!"

Napatingin siya sa pintuan sa pag sigaw ni Nerrise habang kumakatok. Bakas na bakas sa pag katok niya na para bang may kung anong ikinatataranta ni Nerrise.

"Pre! Bobby! Gising!"sabi ni Tyrone tapos ay tinapik niya sa pwetan si Bobby.

Nauna ng bumangon si Tyrone at pinag buksan niya ng pintuan si Nerrise.

"Kuya kailangan mo 'tong makita."sabi ni Nerrise.

Hinatak siya agad ni Nerrise palabas ng bahay.

"Ang anak ko ilabas niyo!"iyak ng matandang babae. "Maawa ka na Jb, wag siya. Ako na lang! Parang awa mo na!"pag susumamo niya kay Jb na nasa harapan niya.

Nakaluhod ang babae at hawak-hawak nito ang mga paa ni Jb.

"Mrs. Corpus. Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Wala ho sa amin ang anak niyo. Baka naman namasyal lang. Babalik din ho siya."tugon ni Jb.

Kumunot ang noo ni Tyrone sa nakita. Natanaw ni Tyrone ang kaniyang ama kaya inaya niya si Nerrise na puntahan ito.

"Pa."tawag ni Nerrise.

"Pa anong nangyayari dito?"tanong ni Tyrone.

"Hayaan mo na anak. W-wala yan."tanging tugon ng kaniyang ama saka nag mamadaling umalis.

"Pre bakit nag kakagulo dito?"tanong ni Bobby na kadadating lang kasama sina Nurse Jamie at Zian.

"Hindi ko nga din alam. Pag kagisng ko, hinatak na lang ako ni Nerrise dito."sagot ni Tyrone.

"Kuya, may sasabihin ako sa inyo."

Napatingin silang lahat kay Nerrise.

"Ano yun Bunso?"Kunot-noong tanong ni Tyrone sa kapatid.

"Wag dito Kuya. Sa kwarto tayo."wika ni Nerrise.

Nag-tungo silang lahat sa kwarto ni Nerrise sa ikawalang palapag ng bahay na tinutuluyan nila. Nagpalinga-linga muna si Nerrise dahil hindi niya pa napapansin sina Jael at Misty.

"Nasaan na sila?"tanong ni Nerrise sa sarili na narinig ni Tyrone.

"Sinong sila Bunso?"

"Ah, sina Jael at Misty Kuya. Wala pa sila."sagot ni Nerrise.

Tiningnan ni Tyrone ang buong paligid ng kwarto at nakitang kulang nga sila.

"Nakita niyo ba sina Jael at Misty? Kanina pa silang madaling araw umalis pero alas otso na ng umaga wala pa din sila. Kinakabahan ako kasi wala pa sila."singit ni Nurse Jamie na bakas na bakas sa boses ang takot at kaba.

"Teka anong meron? Narinig ko ang pangalan ng forever ko?"tanong ng kalalapit lang sa kanila na si Bobby.

"Hala! B-Bakit wala pa sila? Hindi kaya..."wika ni Nerrise na hindi na mapakali.

"Teka teka teka! Nerrise, Nurse Jamie, ano bang pinag uusapan niyo? Saka bakit umalis sina Jael ng ganoon kaaga? Saan ba sila nag punta?"sunod-sunod na tanong ni Tyrone.

"Pwedeng paki-explain ng maayos para lahat nagkakaintindihan."singit ni Zian.

"Oo nga."sang ayon naman ni Bobby.

Undead CityWhere stories live. Discover now