UC #2:

8.1K 209 253
                                    

Misty's P.o.V

Habang lahat ay masaya na nag ku-kwentuhan, at ang iba naman ay kumakain at nanunuod sa t.v ay bigla kaming napatigilng rumehistro ang breaking news.

BREAKING NEWS.

"Kasalukuyang binabalot ng matinding usok at apoy ang halos kalahati ng building na'to na kung saan naiulat ang pag sabog sa isang laboratoryo. Gaganapin sana ngayon ang isang event tungkol sa kanilang eksperimento umano ukol sa mga bangkay ng tao."ulat ng babaeng reporter.

Wait, dyan ata dapat ako pupunta kasama ng iba pang kumakatawan sa school ang kaso hindi ako pumayag na umabsent. I'm a straight A student, hindi naman ako papayag na papasa ako sa isang exam just because im excuse noh! Isa pa, hindi naman perfect score ang binibigay nila. Kayang kaya ko i-perfect kahit anong exam.

Anyways isa sa mga dahilan din naman kung bakit hindi ako sumama ay dahil sinasabi nilang experiment sa mga patay. Napaka nonsense ng topic nila. Hindi sila Diyos para mag bigay ng panibagong buhay ng ganun ganun lang gamit ang kung anu-anong chemicals or such things noh! Nasabihan pa 'man ding scientist sila tapos ginugugol nila ang kanilang oras sa walang kasiguraduhan na bagay. Katangahan.

"Malapit lang yan dito satin ah. Grabe naman yan. Mag kakaroon pala ng event bakit hindi nila sinecure yung buong lugar?"Tanong nung babaeng nasa tabi ng table ko sa katabi niya.

Edi sana nag apply siyang lady guard at siya ang nag secure dun. Psh! Im sure hindi naman nila ginustong masunog ang building. Ano arsonist lang ang peg nila? Pero tama siya. Grabe ang nangyari. Sana safe yung mga visitors at nag punta for the event.

"Yeah, I'm sure na may syungang nag kamali at nag pabaya. Well buti na lang high class itong school natin at malayong masunog miski isang building."Tugon naman nung kasama niya.

Tumayo na'ko sa kinauupuan ko dahil hindi ko carry ang mapakinggan ang usapan nilang walang pagtutunguhan. Psh! High class nga 'tong school kaso tumatanggap naman ng taong katulad niyo na ang utak low class. Mga pipitsugin. Umirap ako at lumakad.

Dumaan ako sa may trash can para sana magtapon ng kalat. Hindi naman kasi por que mayaman ako, maganda, at matalino ay iiwan ko nalang yung kalat ko.

"Hey Ms. President!"

Urgh! Kilala ko yung boses na yun! Sana pala hindi ako dumaan dito. Ang dami daming trash can dito sa cafeteria,edi sana hindi ako nakita nung perv na yun!

"Nice cleavage!"

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung kaya napahawak ako sa upper part ng blouse ko.

"Oh,namumula ka na naman Ms. President. Napapadalas ata yan ah."

Nagulat na lang ako ng makitang nasa gilid ko na si Jackson at nakangisi pa.

"B-bakit ka ba nandito?! Sinong may sabing lapitan mo ako ha? PERV!"inis kong sigaw sa kaniya sabay talikod at hawak ng pisngi ko.

Namumula daw ako? T-totoo ba? But why? Dahil ba sa naalala ko yung.. yung.. urgh!

"Nilapitan kita? Sino din may sabing kaya ako nandito dahil gusto kitang lapitan eh mag tatapon lang naman ako ng basura? Ow wait, don't tell me bukod sa pagiging president eh ikaw na din nag ha-handle ng garbage? Wow! Nakaka-amaze ka talaga. Alam mo tingin ko dapat mag date tayo. Gwapo ako tapos nakaka-amaze ka. Ganda ng pagkaka-match! Alam mo tawag dun? Des-ti-ny."

Para akong kinidlatan sa sinabi niya. M-magtatapon lang pala siya ng basura?

"Tse! Date your face! You PERV!"sigaw ko sa kaniya pero di ako nakatingin.

Undead CityWhere stories live. Discover now