UC #8

3.5K 123 52
                                    

Chapter 8

Third person's P.o.V

Matapos mag pagulong-gulong ng bus na sinasakyan nila Jackson sa bangin ay nabalot ng isang malakas at walang tigil na busina na umalingawngaw sa buong paligid. Halos lahat sila ay panandaliang nawalan ng malay at si Nurse Jamie ang unang nagising.

"G-guys? Guys!"sa una ay medyo nahihilo pa si nurse Jamie ngunit ng ma-realize niya ang kanilang kinalalagyan ay tila ba nagising ang kaniyang diwa at medyo nataranta.

"Guys gising!"sigaw niya habang nag pupumilit na makalabas sa tumaob na bus.

Halos hindi din siya marinig ng iba dahil sa lakas ng busina. Dahil sa wala siyang katabi sa kinauupuan niya ay madali siyang nakalabas sa bintana.

"Waaaah. Nurse ako, nurse ako. Kaya ko 'to. Kailangan ko kumalma!"pag papakalma niya sa sarili niya.

Agad niyang ginising ang kaniyang mga kasama na nakaupo malapit sa bintana. Isa na dito ay si Lyndsel.

"Lyndsel? Lyndsel! Gumising ka Lyndsel!"sigaw niya sa dalaga hanggang sa unti-unting gumalaw ang ulo nito at medyo napapaungol dahil sa sakit na naramdaman niya sa kaniyang noo. Tumama ang noo nito sa bakal ng sandalan sa harapan niya dahilan upang mag kasugat at bukol siya.

"A-anong nangyari?"tanong ni Lyndsel.

"Hindi ko din maalala pero ang mahalaga ngayon ay makalabas ka dito ng matulungan mo akong gisingin ang lahat."tugon ni Nurse Jamie.

Tinulungan niya si Lyndsel na makalabas sa bus mula din sa bintana. At ng tuluyan na siyang makalabas ay agad nilang ginising ang iba. Nailabas nila sina Misty, Ryohei, Bobby, Jackson at maging si Zian.

"Taengala naman oh! Yung damit ko napunit na!"reklamo ni Jackson.

"At talagang damit ang inalala pre? Buti nga sa'yo galos at punit na damit lang ang inabot mo, eh kami, halos may mga tumutulong dugo sa noo at braso namin!"tugon ni Bobby.

"Gano'n talaga pag mahal ka ni God. Mehehe."pagmamayabang ni Jackson.

Halos mapa-poker face si Bobby dahil kahit nag pa-gulong-gulong na ang bus na sinasakyan nila ay nagagawa pa ding tumawa ni Jackson pero kasama na din ang pag hanga niya sa binata. Kahit nasa masamang kalagayan na sila, tila hindi ito itinuturing na isang masamang sitwasyon at ginagawang magaan ang nararamdaman ng iba.

"Guys tulungan niyo kami dito!"sigaw ni Lyndsel.

Agad na naglapitan ang iba pa. tinulungan nilang makalabas ng bintana si Tyrone at dahil may kalakihan ang katawan ni Tyrone, nahihirapan sila Lyndsel hilahin si Tyrone na wala pa ding malay.

"Nurse Jamie okay lang po si Kuya diba? Diba?"mangiyak-ngiyak na tanong ni Nerrise na kasalukuyang inilalabas nila Bobby at Jackson matapos nila mailabas si Tyrone.

"Tingin ko ay okay lang ang kuya mo. Napuruhan lang siya siguro dahil bago ka mag kamalay, nakita kong nakaakap sayo si Tyrone. Para siguro hindi ka masaktan."tugon ni nurse Jamie.

Naiyak si Nerrise sa sinabi ni nurse Jamie kaya niyakap siya ni Lyndsel.

"Ate Lyndsel, si kuya, bakit niya ginawa 'yon? Bakit hinayaan niyang masaktan siya para sa akin?"tanong ni Nerrise kahit nahihirapan mag salita dahil sa pag iyak.

"Alam ko na alam mo kung gaano ka pinoprotektahan ng kuya mo Nerrise. Kahit sino gagawin 'yon para sa kapatid nila. Kahit sino ayaw na masaktan ang kapatid nila na dumadating sa puntong kahit sila masaktan, wag lang ang nakakabata nilang kapatid."paliwanag ni Nerrise.

"Teka, Zian, ano ba kasing nangyari? Bakit mo nailiko ang school bus dito sa bangin? Muntik na tayo mamatay lahat!"tanong ni Misty na bakas sa boses ang pag kaaburido kay Zian.

Undead CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon