UC #18

3K 116 46
                                    

UC #18

Third Person's P.o.V

Sakay ng isang pick-up na sasakyan sina Jb, Big San at si Zian. Napapagitnaan nila Zian at JB na nagmamaneho si Big San.

"Oh Zian, gusto mo?"alok ni Big San sabay abot ng isang baso na may beer.

Kinuha naman 'to ni Zian at diniretso ng inom.

"Ayos."nakangising wika ni Big San.

"Big San, wag mo munang binyagan yang bata natin."natatawang wika ni Jb.

"Hindi naman, tahimik kasi at mukhang malalim ang iniisip."natatawang tugon ni Big San.

Maya-maya pa ay huminto sila sa isang department store sa main city. Ito ang tinatawag nilang Sentro noong hindi pa laganap ang sa lugar ang mga Zs. Dito lahat makikita ng mga kailangan mo para mabuhay sa isang lugar. Pagkain, tubig, gamit sa bahay o school at kung anu-ano pa.

"Tara na!"

Naunang bumaba si Jb. Sumunod si Zian at Big San.

"Pagkatapos ng isang oras magkikita-kita tayo dito. Kunin ang lahat ng kayang makukuha. Wag mag magpapa-putok Zian ng basta-basta. Kapag nasa panganib, dalawang putok na magkasunod. Kapag hindi na maganda ang sitwasyon at wala ka ng magiging lusot tatlong putok na magkakasunod. Naintindihan ba?"paliwanag ni Jb sabay bigay ng sako bag.

Tumango lamang si Zian bilang tugon.

"Ingat bata. Wala ka na sa normal na Sentro."nakangising banta ni Big San.

Dahil sa delubyo na pinagdadaanan ng lugar, wala ka ng taong makikita na pagala-gala. Mga abandonadong gusali, makalat, marumi at mabaho ang paligid. Nagkalat ang mga natuyong dugo sa kalsada. Mga kotseng nagkabanggaan at ang iba ay mukhang sinadya ng iwan. Walang masiyadong Zs sa paligid ng kanilang kinaroroonan. May mangilan-ngilan pero hindi pa sila napapansin.

Naghiwa-hiwalay silang tatlo. Si Big San ay nag-tungo sa sa gusali kung nasaan ang mga alak. Si Jb naman ay sa may pangaraw-araw na pagkain.

"Mukhang marami-rami akong makukuha dito. Ayos!"nakangising wika ni Jb mag-isa.

Isa-isa niyang kinuha ang mga delatang pagkain at inilalagay sa sako bag na kaniyang dala hanggang sa mapuno niya ang isang sako bag.

Iniwan niya muna panandalian ang napunong sako bag upang humanap pa ng mga pwede pa nilang mapapakinabangan.

"Urgh."agad siyang napatingin sa bandang kaliwa niya ng makarinig ng mahing ungol.

Agad siyang nag tago sa likod ng malalaking kahon. Hinugot niya din ang kaniyang kutsilyo na nakatago sa likuran niya.

"Urgh."

Kalmado lamang si Jb. Hindi siya kinakabahan dahil nasa isip niya na hindi ganoon kadami ang kasama niyang Zs ayon sa ungol na kaniyang narinig.

Bigla siyang napatutok ng baril sa bandang likuran niya ng mabagsakan ang iba pang kahon at bahagya ng bumibilos ang tibok ng puso niya.

"Mukhang kailangan ko ng umalis."bulong niya sa hangin.

Tatayo na sana siya ng makarinig siya ng kasa ng baril sa kaniyang likuran.

"Nasaan sila?"mahina pero matigas na tanong ni Zian.

Napahinga ng maluwag si Jb ng mabosesan niya ang nagsalita kaya humarap siya kay Zian pero agad siyang natigilang muli ng makitang nakatutok sa kaniya ang baril ni Zian.

"Zian anong ginagawa mo?"nagtatakang tanong ni Jb pero hindi siya sinagot ni Ziansa halip ay iba ang itinugon ng binata.

"Itaas mo ang kamay mo at sagutin mo ako. Nasaan sila Jael?"

Undead CityWhere stories live. Discover now