"Hindi ka sumigaw?" Takang tanong ko. Ang lawak-lawak ng ngiti niya.

Umiling lamang siya bilang sagot.

Hanggang sa matapos ang buong araw namin sa theme park ay ngiting-ngiti siya. Hindi ko alam kung anong nakain niya pero hinayaan ko na siya. Mukhang nasiyahan lang siguro siya gaya ko.

December nang opisyal na akong naging modelo. Una kong naging labas ay sa isang fashion show ng isang kilalang designer na galing pang America. Naging sunod-sunod ang offer sa akin noon hanggang sa pati sa mga magazine ay kinukuha na ako. Fashion magazine kasama ang iba't ibang idols dito. Ngayon nga ay makakasama ko ang buong grupo nila Seungyeon para sa cover ng isang American magazine.

"This is Clara Abanero. The one I'm talking about." Pakilala sa akin ni Seungyeon sa mga kamiyembro niya.

"Hi, Clara! Joneun Wenhan." Inabot niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko iyon. Isang malawak na ngiti ang binigay niya sa akin. I smiled back.

Wenhan is my bias wrecker. Ibig sabihin, kung si Seungyeon ang pinakahinahangaan ko sa grupo nila, si Wenhan ang sumunod. Dumating pa nga ako sa puntong pinagpilian ko kung sino ang mas gusto ko sa kanila noon.

Sunod na nagpakilala si Yibo. Ang Maknae o ang pinakabata sa kanilang grupo. His long straight blonde hair is very attractive. Bagay na bagay ito sa kanya.

"Yi Xuan." Simpleng sabi ni Yi Xuan tsaka inabot ang kanyang kamay. Hindi niya ako nginitian. Pagkatanggap ko sa kanyang kamay ay agad siyang tumalikod. Kinausap niya si Yibo na nakatingin sa labas ng glass door.

May pagkasuplado ba talaga si Yi Xuan o wala lang sa mood? Pinilig ko na lang ang aking ulo at hindi na pinansin iyon. Binalingan ko si Sung Joo na nakapamulsang nakatingin sa akin.

"Hello, Sung Joo oppa!" Una kong bati sa kanya. Nakita ko pang nagulat siya pero ngumiti rin naman.

"You know me?" Takang tanong niya. Nanatiling nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay niya.

"Ofcourse. Actually, all of you. I'm a big fan of your group." Ngiting-ngiti kong sabi sa kanya. Muli na naman siyang nagulat.

"Jinja?" (Really?) Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes." Tumango-tango siya.

"Guys! Get ready in five minutes." Pumalakpak ang manager ng UNIQ at minuwestra ang daan patungong studio. Muli akong nginitian ni Sung Joo bago tuluyang lumabas sa kwarto. Nagpaalam sa akin si Seung Yeon. Tumango na lang ako.

"We all did great today!"  Sung Joo cheered. Nagbow kami sa mga staffs and photographer matapos ang shoot. Unang lumapit sa akin si Yibo at nagbow.

"It's so nice working with you. Can you join us on our dinner?" Matigas at dahan-dahang sabi niya. I smiled.

"Sure. I enjoyed working with you too." Muli siyang nagbow bago nagtungo kay Yi Xuan na nakapamulsang nag-aabang na sa glass door.

"Let's go?" Tanong ni Seungyeon tsaka naglahad ng kamay. Inabot ko ito at sabay na kaming lumabas ng studio.

"Cheers!" Itinaas ko ang shot ng soju at sabay-sabay na rin nilang ginawa iyon. Nagtama ang mga shot glass namin at sabay-sabay na ininom. Napuno ng tawanan ang mesa namin pagkatapos.

"Nag-aaral ba si Yibo?" Bulong ko kay Seungyeon na katabi ko. Nagtaas siya ng kilay tsaka tiningnan ang tinutukoy ko. May hawak na libro si Seungyeon. Ayon sa nakasulat ay History book iyon.

"Yes. Sa school mo rin siya nag-aaral." Muling sumipsip si Seungyeon ng kanyang Soju.

"Jinja? Bakit di ko siya nakikita?" Gulat na gulat na tanong ko.

"Ofcourse you have different class. He is taking an ordinary class. Highschool."

"Woah! I didn't know that..." Tumango-tango ako. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Bumalik siya sa pag-aaral.

"Now you know." Nakangising sabi niya.

"Yah! You're using other language! Is that your secret?" Nagulat ako nang tinuro kami ni Wenhan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Seungyeon.

"Yah! Don't do that!" Hinampas ni Seungyeon ang kamay nito. Nanlaki ang mata ni Wenhan dito.

"Micheoseo."

"Enough of that. Manager Han is already looking for us." Awat ni Yi Xuan. Sabay-sabay na nagreklamo ang boys. Tinapik ko si Seung Yeon.

"You better go. It's getting late." I smiled at him.

"How about you? I'll give you a ride." Suhestyon niya.

"No need. Kaya ko nang bumalik sa apartment."

Nagtalo pa kami pero sa huli ay nanalo ako laban sa kagustuhan niya. Hinintay ko silang makasakay lahat sa sasakyang sumundo sa kanila bago ako naglakad patungo sa apartment.

Rhein calling...

"Yeoboseyo?" Bungad ko sa kanya. Narinig ko ang pagtikhim niya.

"Huwag mo na nga akong kausapin sa Korean, Claire! Nahahawa na ako sa'yo." Galit na sabi niya. Tumawa lang ako.

"Bakit ka napatawag?" I heard him sighed.

"I'm going there." Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pero hindi maitatago ang kasiyahan ko.

"Seryoso? Kailan? May tutuluyan ka na ba? Susunduin kita!" Masayang sabi ko. Naeexcite ako. Napatingin pa ako sa paligid ko dahil nakatingin na sila sa akin. Nginitian ko sila bago muling naglakad.

"Next week pa, Clara. Bakit sobrang excited ka?" Kung nakikita ko lang siya ngayon, malamang ay nakakunot ang noo nito at naniningkit ang mga mata. I miss this guy, really.

"Wala lang. Ikaw lang mag-isa?"

"Bakit? May inaasahan ka bang kasama ko?" Kumunot ang noo ko.

"How are you feeling? Nakamove on ka na?" Lumiko ako ng daan para mas konti na lang ang lalakarin ko. Madilim sa parteng ito pero ito ang pinakamalapit sa apartment. Hindi naman delikado.

Matagal na katahimikan din ang narinig ko mula sa kanya.

"Unfortunately, no. Sana hindi na kita tinatawagan kung gano'n."

"Yah! Bakit ka ganyan!" Ngumuso ako. Narinig ko ang tawa niya.

"What are you doing?" Nagtaas ako ng kilay.

"You don't care." Pagtataray ko. Ang sama ng ugali ng lalaking ito. Matapos niya akong gawing iyakan at labasan ng sama ng loob, ganito ang igaganti sa akin.

"Okay. Ibababa ko na."

"Wait! Let us talk first..." Malungkot na sabi ko bago tuluyang binuksan ang pinto ng aking apartment.

~*~

Important Note

YAH! Annyeong, chingus! :) Sorry kung ilang linggo(?) akong hindi nakapag-update. Sobrang gulo ng utak ko nitong mga nakaraang linggo dahil pasukan na. Stressed agad ako sa acads so sana intindihin niyo ako. 😭 Anyway salamat sa paghihintay at sa thousand reads ng CHASED! YEY! Party! 🎉🎊

Ps. Hindi ako gumamit ng straight Korean conversation dahil (1) I'm still learning Korean, (2) for the sake of other readers na hindi na fan ng Kpop or Kdramas and lastly, para hindi maubusan ng dugo ang ilong ko. 😂

Pps. Totoong Filipino speaker si Seungyeon kahit isearch niyo pa kay Google oppa.

Thanks for reading this chap and my notes! Gomawo! *sending hearts and kisses sa lahat ng bumuboto!*

-chinieanne eonnie/noona ❤

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now