2-tacles

16.6K 368 56
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Oy, Bench! Pakopya naman ng assignment, wala pa akong gawa eh." bungad ni Dino sa akin nung makapasok siya ng room.

Gusto ko siyang nginitian kaso kasunod niya yung kupal niyang bestfriend eh. At nakatingin na naman siya sa akin ng masama!

Ano bang problema niya sa akin!? Huli kong tanda, hindi naman ako nagkakandarapa sa kanya at alam kong iyon ang kinaiinisan niya kaya nabubugbog niya ang mga bakla.

"Sige lang. Pero hindi ko sure mga sagot ko dyan ha? Hindi naman ako ganun katalino eh." sabi ko kay Dino habang inaabot ko sa kanya yung notebook ko.

Agad niya iyong kinuha at nag-squat sa harap ng desk ko. Tumayo uli siya dahil nalimutan niyang ilabas yung notebook niya. Eng-eng talaga! Hahaha.

Pagkakuha niya ng notebook niya ay nag-squat uli siya at dun na niya kinopya ang mga sagot ko.

Nung matapos siya ay isinara niya ang notebook ko at maayos itong ibinalik sa akin.

"Salamat." nakangiti niyang sabi sa akin.

Para namang may banda sa loob ng katawan ko nang makita ko na naman ang ngiti niya.

"Wala yun!" sabi ko na lang tapos nag-iwas ako ng tingin at humarap sa may bintana.

Nung masigurado kong wala na si Dino sa harap ko ay napatitig uli ako sa desk ko at binasa ang walang kwentang mga vandalism dun.

'Francis, I love you! Pakasal na tayo --Anonymous'

Eh gago naman pala nagsulat nito eh! Magko-confess tapos 'Anonymous' ang ilalagay? Tanga ka lang, teh?

'Franz love J'

Eto pang isang tanga! J? Seryoso ba siya? Ang dami-daming 'J' na taga-Maynila eh. Tsk. Kabobohan!

Dahil sa pagkairita ko sa mga napagbababasa ko, yumukod ako at natulog muna. May 10 minutes pa naman bago magsimula ang klase eh.

Nang marinig ko ang pulasan ng ibang estuyante ay nag-angat ako ng ulo. Nag-inat na rin ako para mawala yung natitirang antok sa katawan ko.

"Ben Chester! Umagang-umaga inaantok ka? Bawal yan sa klase ko!" biglang sigaw ng masungit na matandang dalagang teacher namin sa History.

"Sorry po, Ma'am! Napuyat lang po ako kagabi." pagdadahilan ko naman sa kanya.

"Bakit? Rumampa ka ba kagabi? Diba sabi ko sa'yo, mag-focus ka sa pag-aaral dahil nakikitaan kita ng potensyal?" pangaral pa niya.

Ay! Nalimutan ko nga pala! Close kami nyan ni Ma'am kahit ganyan yan. Tuwang-tuwa daw kasi siya sa mga katulad ko. Kahit na nilalait ng society, pinipilit pa ring patunayan ang kakayahan. Well, BENCH 'to eh. Hahahaha.

"Wititit Ma'am! Wiz gumora si water outside the balerchi kagabi. Nag-watching galore lang akiz ng TV." sagot ko kay Ma'am. Alam kong maiintindihan niya ako dahil matagal na daw niya akong naririnig na nagsasalita ng ganito at marami na daw siyang natutunan.

"Siguraduhin mo lang ha? Ayokong mapariwara ka tulad ng iba dyan." sabi ni Ma'am tapos ay tumingin siya sa direksyon ni Franz.

Para namang walang pakiramdam si Franz na siya yung pinatatamaan ni Ma'am, nagpangalumbaba kasi siya tapos ay tinitigan din ang teacher namin.

"Opo, Ma'am. Kaya ko pong siguraduhin sa inyo na hindi lalagapak ang grades ko." paninigurado ko sa teacher ko.

"Okay, good. Sige na magsisimula na tayo ng klase." sabi na lang ni Ma'am tapos ay inilapag na niya sa mesa niya ang mga libro niya.

Bullied HeartWhere stories live. Discover now