16. Cant fight this feeling.

17.7K 421 39
                                    

"Nabigla ba kita? Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon,pabayaan mo lang akong ipakita at iparamdam ito sayo. Yon ay kung ayos lang sayo." ani Cross. Natulala ako sa nadinig kong. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Sina Aya,Japhet,Jai,Crayon at Flexter mahal din nila ako. Bakit ako? Kung ibang bading siguro matutuwa,pero ako,hindi. Hindi naman sa hindi ako natutuwa na mahal nila ako,sadyang sa tingin ko lang ay hindi naman dapat ako paglaanan ng pagmamahal na ganon.

"M-mahal mo ako?"

"Oo,mahal kita. Pinigilan ko pero wala eh,pag pinipigilan,lalong nagwawala. Tulad ng sabi ko,ayos lang kahit huwag ka munang sumagot,alam ko namang si Flexter ang mahal mo. Just let me love you." nakangiti nyang sabi. Hindi ko tuloy mapigilang inumin yung kape kahit mainit pa. Nasamid tuloy ako. "Easy lang Khalil. Tapusin mo na ang pagkain at maglibot tayo dito sa barko."

kaya ayon nga,tinapos ko na ang pagkain,pinagmamasdan nya lang ako,ang bilis nya kasing natapos kumain eh. Napapangiti na lang din ako. Hindi ko alam,pero kinikilig ako.

Maya't maya ang tingin nya sa phone nya kaya nagtanong na ako. "May problema ba?"

"Wala naman. Si Crayon at Jai tinatadtad ako ng text at miss call." nakangiti nyang sagot.

"Ikaw kase eh. Tinakas mo ako ng hindi nila alam."

"Mas mabuti na yon,pag nalaman pa nila,matatagalan pa tayo sa paalamanan,baka hindi tayo naka abot sa byahe. Tara na at maglibot." aniya at tumayo,kinuha ang kamay ko at pinag hugpong. Parang may bolta boltaheng maliliit na kuryente ang gumapang sa akin mula sa kanya.

Naglibot libot kami sa barko,pati yung sa Economy tiningnan namin,pati yung arcade at kung anu-ano pang makikita sa barko. Panay naman ang kuha nya ng litrato sa aming dalawa kaya hindi na din maalis ang pagkaka ngiti ko. Napag desisyunan naming umakyat sa rooftop. Ang dami na ding tambay,mga taong may kanya kanyang rason kung bakit nilisan ang maynila at pinili na pumunta sa Cebu.

"Ang sarap ng hangin." aniya at tumukod sa barandilya. Tiningnan namin ang asul na dagat. Medyo patirik na ang araw,nakakaramdam na ako ng antok dahil sa malakas na hangin.

"Oo nga,nakaka antok." sagot ko. Maya maya ay nag unat sya,hinapit ako at inakbayan at ihinilig sa balikat nya.

"fifteen minutes na lang. Tapos balik na tayo sa cabin natin para tuloy-tuloy na ang tulog mo." pabulong nyang sabi. Hindi na ako sumagot. Tiningnan ko na lang ang asul na dagat. Napaka payapa. Ang ganda ng panahon para sa byaheng ito.

Pagkalipas nga ng labinlimang minuto ay bumaba na kami sa cabin namin.

Nauna na akong humiga dahil antok na talaga ako. Maya maya naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Cross pala! Magrereklamo na sana ako dahil may isa pa namang higaan ng tumunog ang cellphone ko. Bumangon ako pero niyakap ako ni Cross kaya napahiga ulit ako.

"Kausapin mo yan ng nakahiga ka,para pagkatapos,matutulog ka na lang." aniya na hindi natitinag sa pagkakahiga,kaya ang ginawa ko na lang,kahit nakahiga ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at sinagot ito. Si Nang Alicia pala.

"Nang Alicia? Buti po napatawag kayo? Tatawagan ko sana kayo kanina." ani ko ng sagutin ito.

"Tumawag kasi sa akin si Japhet,umalis ka daw at luluwas dito ng walang pasabi." anito. Nanlaki mata ko ng hapitin pa ako ni Cross. Ang init ng singaw ng katawan nya,ang sarap sa pakiramdam.

"Oo nga po eh. Gusto ko sana tawagan sina Nanay,kaso naisip ko na sorpresahin sila,huwag po kayong maingay ah?"

"Naku Khalil. Yun din ang isa sa itinawag ko. Wala na sila sa puder namin,nasa Cebu City na mismo sila,sa may Tejero. Hay nako,puntahan mo din ako dito,madami kang ikekwento tungkol dun sa Flexter." sabi pa ni Nang Alicia at humagikgik. Kinabahan tuloy ako,napanood din kaya iyon nina Nanay at Tatay?

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now