06. Instant Sikat! >

17K 511 25
                                    

Nagising na lang ako na parang may humahaplos sa ulo ko,kaya nagmulat ako ng mga mata at nabungaran ko ang boss naming si Emi,nasa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Anong nangyari Maam?" agad kong tanong at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa opisina nya ako at nakahiga kaya bumangon ako.

"Okay na ba pakiramdam mo? Nalunasan na namin sugat mo,mabuti at hindi malalim" anito,at dun ko kinapa ang ulo ko. May bendahe. Ano ba nangyari?

"Okay naman po,ano po ba nangyari?"

"Sinapak ka nung artistang si Flexter,tumama ulo mo sa isa sa mga table natin. Hay nako,akala ko mabaet yon,hindi ko na sya idol" ani pa ni Maam Emi.

Natatandaan ko na ang nangyari. Sa bagay,hindi ko masisisi si Flexter,kahit sinong matapunan ng kape magagalit,normal lang iyon. Para sa akin,hindi pa din nawala ang paghanga ko sa kanya,ibig sabihin lang nun ay normal syang tao,hindi mapagkunwari sa nararamdaman.

"Ayos lang po yon Maam,kasalanan ko din naman,hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko,napatid tuloy ako" ani ko at umayos ng upo.

"Ilang beses ko bang sasabihing Emi na lang itawag mo sa akin? Naku ha! Tatanggalin kita sa trabaho! Haha! Seriously,dahil sa ginawa ng Flexter na yon,pagpipistahan na sya ng media,grabe sya!" ani pa nito. Bigla naman ako kinabahan. Naku! Ako pa ata magiging rason ng pagkasira ng imahe nya! Nakakahiya! Lalo yong magagalit at baka madamay pa itong shop.

"Naku! Huwag naman po sana! Uhm,sina Japhet po? Babalik na ako sa trabaho,nakakahiya naman,unang araw ko pa lang ay palpak na" sabi ko at akmang tatayo na ngunit pinigilan nya ako at muling pinaupo.

"No,magpahinga ka at bukas na lang bumawe,ayokong magalit sina Japhet,Aya at Jai sa akin" sabi nito. Medyo nadissapoint ako,hindi binanggit si Cross,ang laki talaga ng galit sa akin ng isang yon,sya kaya pumatid sa akin? Hindi naman siguro.

"Now tell me,may fowl ba sa pangyayari? Hindi pwedeng basta ka matisod,hindi baku-bako ang sahig ng shop" ani pa nya. Kinabahan ako,sasabihin ko ba ang hinala ko? Huwag na siguro,baka maging gulo pa.

"Wala,nagmamadali kase akong makalapit,idol ko kasi si Flexter,ayun,natisod ko sarili ko. Pasensya na sa abala ah?" pagsisinungaling ko naman. Grabe! Ngayon lang ako nagsinungaling,at hindi sya maganda sa pakiramdam. Hindi na ako uulit,pangako yan!.

"Mabuti naman,at saka ano ka ba,hindi abala yon. Ang ganda nga eh,atleast hindi na makakalimutan ng Flexter na iyon ang shop natin,baka dumugin pa tayo at interviewhin ka ng media! Ang taray diba?" nakangiting sagot nito at tumawa. Hala?! Ang wirdo pala nito ni Maam Emi? Kakaiba.

Para naman maiba ang usapan ay nanghiram na lamang ako ng papel at ballpen,para habang nandito ako sa loob ng opisina ay may ginagawa ako,bigla kasi pumasok sa isip ko sina Tatay,gagawa ako ng sulat.

"Sulat? Neng,hindi na uso yan,text,tawag,internet na ang pinaka madaling paraan para makausap mo mga mahal mong malalayo" sabi agad nito.

"Eh wala naman ako pang text o pang tawag at wala ako alam sa internet" nahihiya kong sabi. Haay! Nanliit na naman ako,ang hirap talaga maging probinsyanong taga bundok na ignorante.

"You mean wala kang cellphone?" marahan akong tumango "Eh ang pamilya mo?" dagdag pa niya. Napaisip ako. Hmmn.. Si Nang Alicia meron! Tama sya nga!.

"Ahm,yung tiya ni Japhet,si Nang Alicia,baka meron sya." sagot ko.

"Miss na miss mo na ba pamilya mo?" ang parang naaawa nyang tanong. Nahirapan akong sumagot,parang may bumara sa lalamunan ko,pag ang pamilya ko na ang usapan,hindi ko maiwasang maiyak. At yun nga,tumulo na ang pinipigilan kong luha. Agad nya akong niyakap at inalo. Ang hirap ng ganito,ang hirap ng malayo sa pamilya. Pang ilang araw ko pa lamang dito pero sobrang miss ko na sila. Si tatay,kung magaling na ba sya? Si nanay,kung nakakapag pahinga ba sya ng maayos? Sina Buboy at Caloy,kung nag aaral ba sila,at kung namimiss din ba nila akong lahat?.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now