23. Pagtalikod!

12.9K 334 37
                                    

Hindi ko alam kung nabingi ba ako o sadyang mas malakas lang ang tunog ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Ganito agad kabilis?

"What can you say?" seryosong tanong ni sir Gilbert.

"No! Hindi ako papayag. Lalo lang masasaktan si Khalil! Sabi mo alam mo ang issue,so bakit itinutulak mo sya dito?" singhal ni Crayon.

Napatingin ako sa kanya na naka nganga pa.

"Gusto nyang pumasok sa showbiz. Be professional,set aside the feelings. Big break ito para kay Khalil. At sa paraang ito,maaari nyang ipakita kay Hugo at Janna na kaya nya." seryoso pa ding sabi ni Sir Gilbert. Tiningnan ako ni Crayon na para bang ayaw nyang tanggapin ko ang offer. Pero ito ang gusto ko diba?

"Tatanggapin ko po." maikli kong tugon,napanganga si Crayon at napangiti si Sir Gilbert.

"Okay,thats good! Its settled then. Give me your contact numbers and I will call the both of you kung kailan ang start ng workshop at pirmahan ng kontrata,matagal pa naman ang simula ng taping." ani Sir Gilbert. Tumayo at inilahad ang kanang kamay,tinanggap ko iyon,mukhang nagdadalawang isip naman si Crayon,pero nakipag kamay pa din sya.

Umuwi kami na dala ko ang pag asa,ito na lang kunswelo ko sa sarili ko sa pang iiwan sa akin ng dalawang taong minahal ko. Ang ipakita sa kanila na may kaya akong patunayan,na kaya kong bumawi sa pagkakamali at pag papa-asa sa kanilang dalawa.

"Bakit naka busangot ang isang iyon?" tanong ni Japhet sa akin ng makauwi kami,gabi na nga at halatang kakauwi lang din ng tatlo. Dumiretso si Crayon sa kwarto nya.

"Ewan,wala ata sa mood." sagot ko at naupo sa sofa.

"Mas naging close na kayo ah? Nakaka selos na." ang biglang pag sulpot na sabi ni Jai.

"Ano ka ba. Pantay pantay ang tingin ko sa inyo. Nagkataon lang talaga na si Crayon ang lagi ko nakakasama." sagot ko naman. Nasa gitna ako nina Japhet at Jai. Binuksan ni Jai ang Tv,sakto si Flexter ang nakita namin,teleserye nya pala ang palabas ngayon.

Bigla akong nalungkot. Nanghinayang ako sa mga panahon na pinalampas ko,nasa tabi ko na sya pero pinakawalan ko pa. Pero hindi naman kasi ganon kadali yon,nahulog din ako kay Cross. Kay Cross na nangako din ng pagmamahal pero iniwan ako. Kasalanan ko naman,takot kasi akong masaktan ang isa sa kanila kaya ginusto kong mapanatili sila sa buhay ko. Pero anong nangyari? Pareho din silang nawala.

"Ilipat mo ng channel." ani Jai kay Japhet.

"Huh? Bakit?"

"Dyan na lang!" ang pagsali ko. Gusto kong mapanood si Flexter. At ngayon ang eksena na ay kasama ni Flexter si Janna,mabigat ang eksena dahil nag iiyakan ang dalawa. Napaka galing talaga nilang umarte. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang maging ka eksena sila kung sakali. Kung kaya ko bang iset aside ang damdamin ko.

"Naku Khalil,ang panget ng teleseryeng yan. Saka tingnan mo,ang OA ng dalawa." ani Jai na napangiwi pa.

"Pare parehas tayong galit sa dalawang yan,pero hindi natin sila kailangang husgahan Jai,kung si Khalil nga tahimik eh,bakit tayo hindi ba natin kaya?" ani Japhet.

"Tumigil kayong dalawa. Nakaraan na yon. Huwag nyo ng pagtaluhan pa,ang importante,hindi nyo ako iniwan." pag awat ko sa kanila. Naisip ko tuloy,kung wala sila,siguro nakalugmok pa din ako at wala ng balak bumangon.

"Magulo ang buhay artista. Karamihan sa kanila hindi totoo,dyan sila expert,ang umarte. Pero tama si Khalil,nangyari na yon. Mag move on na lang tayo. Kaya nga may tinatawag na good and bad karma." sabi ni Aya na kakababa lang sa hagdan.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now