19. Undecided : Unexpected!

14.8K 360 24
                                    

"Hindi mo alam kung anong inaalok mo Khalil. Gusto ko,kung may mangyayari sa atin,mahal mo na din ako,kasi kung may mangyayari sa atin,wala ng makaka kuha pa sayo sa akin,hinding hindi kita ibibigay at hinding hindi kita papakawalan pa." seryosong sagot ni Cross habang nakatingin sa akin ng diretso,ang mga mata nya ay para akong hinihigop,ang paraan ng pagtitig nya sa akin ay nakaka yanig at nakaka lasing.

Hindi ko alam,pero pakiramdam ko na reject ako at na offend. Pero kasabay nun ay natuwa din. Bakit kaya ganito? Pareho na ang nararamdaman ko sa kanila ni Flexter? Parang ayaw kong dumating ang panahon na kailangan kong pumili,pero alam kong dadating at dadating iyon.

"Natahimik ka na." ang pagpuna nya sa akin at saka ako hinarap sa kanya. "Hindi mo ba ako aalukin ulit? I changed my mind."

"H-ha?" ang gulat kong nasabi. Ngayon naman parang gusto kong umurong. Bakit kasi naisipan kong ialok ang sarili ko? Nagiging unfair ako kay Flexter, pati na din kay Crayon.

Bakit unfair? May relasyon ba kayo ni Flexter? Ni Crayon? Ang sabi ng kabilang bahagi ng isipan ko.

Kaya ng hinila ako palabas ni Cross sa Plaza Independencia ay wala akong nagawa. Hanggang sa naka sakay kami ng taxi at sabihin nya sa driver kung saan kami.

"Sa tapat po ng Tejero Night High School." aniya na ipinagtaka ko kaya tiningnan ko talaga sya. "It was just a joke Khalil,hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon,lets just go home."

At muli,para akong nabigo na ewan. Bakit ba ganito? Hinahanap hanap na ba yon ng katawan ko? Kaya hanggang makarating sa bahay ay tahimik ako. Hinalikan ako ni Cross bago pumasok sa kwarto nila. Ako naman ay hindi pa inaantok kaya naupo na lamang ako sa sofa. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Dati naman simple ang buhay ko,walang problema,pero ngayon,ang laki ng pinagbago.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka upo at tulala hanggang sa mapansin kong bumukas ang kwarto at lumabas si Flexter. Agad syang ngumiti at ayun na naman ang puso ko,nagkaka-kabog na naman ng walang humpay.

"Cant sleep? Ako naalimpungatan lang eh. Kamusta ang paglabas nyo ni Cross?" aniya at tumabi sa akin. Agad ko naman sya naamoy. Bakit ba ang bango din nya?

"Oo eh. Uhm ayon,nag usap lang saglit at umuwi na din agad." ang sagot ko at tiningnan sya na nakatitig pala sa akin.

"M-may pag asa na ba sayo si Cross? Mahal mo na ba sya? Mahal mo pa ba ako?" ang seryoso nyang mga tanong at hinawakan ang mga kamay ko. Hindi agad ako nakasagot dahil parang nablangko ang utak ko at may bumara sa lalamunan ko.

"Mahal kita Flexter,sigurado ako dun. Pero kasi,naguguluhan na ako ngayon,hindi ko na alam." ang pagsasabi ko ng totoo. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya at nasasaktan din ako. Sana hindi na ako nagsalita.

"Naguguluhan ka kasi nandyan na din si Cross." sabay turo nya sa puso ko. "Ayos lang,lalaban pa ako,hindi ako susuko maging akin ka lang ng buo. Alam mo ba,wala sa bokubolaryo ko ang pagmamahal? I flirted with so many girls secretly,nakipagsex ako sa kanila,galit din ako sa mga gaya mo dahil sa masamang nangyari sa nakaraan,kaya nga pinatid at sinapak kita dati."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi nya,inamin na nya dati pa ang pagpatid at pagsapak nya,pero ang aminin nya ang ugat ng lahat,nabigla ako. Madami pa nga talaga akong hindi alam sa kanya.

"I was fourteen ng pagtangkain akong halayin ng limang bakla dati,kaya simula nun,nagalit na ako sa mga bakla,pero ewan,pagkatapos ng unang araw ng pagkikita natin,everything changed kaya gumawa ako ng paraan para mapunta ka sa puder ko just to test my curiosity at kung hanggang saan ako nito dadalhin. But I fell. Nahulog ako sayo ng dahan dahan,hanggang sa hindi ko na kayang hindi ka nakikita. Ni sa panaginip hindi ko naisip na magmamahal ako ng isang lalaki, na gaya mo,isang bakla. Pero look at me now,Im madly and crazy inlove with you Khalil. Kaya hangga't kaya kong lumaban,ilalaban kita,mahal mo ako at mamahalin mo ako lalo

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now