02. Sad Goodbye >

22K 516 66
                                    

Since ako lang ang nakapag aral,at hindi na nakapag aral sina Buboy at Caloy dahil nga sa aming kahirapan at sobrang layo ng paaralan sa amin ay ako na din ang naging teacher ng dalawa kong kapatid,sadyang matalino sila at madaling turuan,nagmana kina Tatay at Nanay,at syempre sa akin.

"Okay,Buboy at Caloy,ano ang pangalan ng ama ng ating Prisedente?" tanong ko sa mga ito,samantalang si Nanay ay nagwawalis sa bakuran,si Tatay naman ay nagsisibak ng kahoy sa likuran.

"Ako kuya! Kama'o ko kinsa!" ani Buboy na nagtatalon pa habang nakataas ang kanang kamay.

"Oh sige Buboy,what's the answer?"

"Benigno Aquiano also known as Ninoy!" masayang sabi nito.

"Wow Buboy! Ang galing mo! Ang talino talaga! Palakpakan natin Caloy si kuya Buboy" at pumalakpak nga kami,natuwa ako sa reaksyon ni Buboy,kumikinang pa ang mga mata.

"Oh,sino naman ang asawa ni Benigno Aquino na dating presidente ng Pilipinas?" pagkuway tanong ko ulit.

"Ako naman kuya! Dali! Dali!" tumatalong sabi ni Caloy.

"Oh sige nga,sino?"

"Cory Aquino kuya! Tinuro mo yon dati! Dili ko makalimtan" ani ni Caloy na todo ngiti,pinalakpakan namin sya ni Buboy. Natutuwa ako dahil sadyang matatalino ang mga kapatid ko,ako naman average lang,kaya nga nangangarap ako na maka ahon kami sa hirap para hindi na napapagod sina Nanay at Tatay,at para makapag aral ang dalawa kong kapatid,sayang naman kung hindi magagamit ang katalinuhan nila.

"Day! Buboy,Khalil ug Caloy,maniudto na ta!" sigaw ni Tatay na tapos na pala magsibak ng kahoy at makapag luto ng tanghalian.

Mga bandang alas tres ng hapon,naghahanda ako ng mga kamatis,sitaw at camias na ititinda ko bukas sa bayan ng dumating ang isang kaibigan ni Tatay,may pupuntahan daw sila sa may kabilang sitio na nasa kabilang bundok pa,ganon talaga dito,ang lalayo ng pagitan ng mga bahay, sitio o baranggay. Matapos maiayos ang aking mga ititinda para bukas ay nagpaalam na ako kay Nanay na tutungo sa ilog para maligo,ang dalawa kong kapatid naman ay nagsisyesta na.

Lumipas na lang ang hapunan eh hindi pa bumabalik si Tatay,hindi na mapakali si Nanay,ako naman ay nag aalala na din,mabuti na lamang at nakatulog na ang dalawa.

"Naunsa na jud ang imong amahan? Nganung dili pa manguli?" nag aalalang sabi ni Nanay habang nakatayo sa pinto ng kubo,nag aabang,naghihintay.

"Nay,relax lang,matuwog na ka,ako na lang mag huwat kay Tatay" sabi ko at lumapit. Bumuntong hininga si Nanay at humarap sa akin.

"Khalil,dong,nag aalala na ako,iba nararamdaman ko" bakas sa mukha ni Nanay ang labis na pagkabahala,kita ko sa maganda nyang mukha ang pag aalala.

"Nay,ayaw jud mag huna huna ng unsa unsang problema,relax lang kasi sabi"

Nasa ganoon kaming pag uusap ng may mga boses kaming narinig,tinatawag si Nanay,may mga bitbit silang sulo.

"Karen! Nang Karen!" agad kaming napalabas ni Nanay at sinalubong sila,pero ganun na lang ang panglalambot ko ng makita kong pinagtutulangan nilang buhatin ang walang malay na si Tatay at duguan.

"Anong nangyari? Bakit sya nagkaganyan?" umiiyak na sabi ni Nanay at niyakap si Tatay,ako naman ay nanginginig,parang pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko,nanlamig ako.

"Yung isa sa mga kambing na pinapastol nya ay nahulog sa bangin sa may kabilang bundok,sinubukan nyang iligtas pero sya ang nahulog,mabuti at nakita namin kaya maagap namin syang nakuha" paliwanag ng isa.

"Buhi pa sya! Humihinga pa sya! Tulungan nyo akong dalhin sya sa ospital!" humahagulhol na sabi ni Nanay,agad ulit nilang binuhat ng maingat si Tatay at si Nanay pumasok sa bahay,at ng muling lumabas ay may bitbit ng bayong. Napako pa din ako sa kinakatayuan ko.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now