11. First time with Cross!

17.2K 465 45
                                    

Araw ng linggo..

"Labhan mo yang mga briefs and boxers ko bago ka maglakwatsa." ani Flexter ng buksan ang pinto sa kwarto ko sabay hagis ng mga sabon. Buti nasalo ko agad.

"Huh? Yung mga yon talaga?" ang gulat ko pang sabi.

"Ayaw mo? Edi sige,yung mga damit at pantalon ko na lang ang labhan mo." ang masungit nyang sagot.

"Ha? Hindi! Sige lalabhan ko na!" sabi ko at agad tumayo.

"Nasa banyo na mga yon,dun ka maglaba at idryer mo pagkatapos. At tandaan mo,gusto ko maayos ang pagkakalaba."

"O-opo! Sige." taranta kong sabi at agad tinungo ang banyo. Sya naman ay nahiga sa kama nya. Bukas ang banyo kaya nakikita ko sya. Nakakatakot talaga sya pag nagsusungit,parang walang kinikilala. Ano kaya problema nun at nagsusungit ngayon? Ayos pa naman sya kahapon ah?

"Alas otso ng gabi dapat nandito ka na mamaya. Maaga tayong aalis bukas!" nagulat ako at sumigaw sya. Hindi na lang ako sumagot. Sinimulan ko ng labhan ang mga briefs at boxers nya,nadedemonyo nga akong singhutin kaya lang parang ang sagwa kaya nagtuloy na lang ako sa paglalaba. Minadali ko talaga,ala una kasi ang sabi ko kay Jai at Crayon. Grabe naman kase,bakit alas otso palang dapat nasa bahay na? Ang sama talaga ng mahal kong si Flexter.

At dahil binilisan ko,maaga akong natapos. Matapos ko itong idryer ay naligo na ako at nag ayos. Paglabas ko sa kwarto ko wala si Flexter kaya lumabas na ako para hanapin sya at makapag paalam na. Tiningnan ko ang orasan,mag a-alas dose y medya na. Nagmadali na akong bumaba.

"Pakisabi kay sir Flexter umalis na ako." sabi ko dun sa katulong na nakasalubong ko. Tumango lang naman ito sakin at lumabas na ako.

"Manong guard,san ang sakayan ng trycicle?" tanong ko sa gwardya ni Flexter.

"Deretsuhin mo lang yang Fuji street,ikalawang kanto may terminal ng trycicle dun." sagot nito at binuksan ang maliit na gate,nagpasalamat na ako at umalis. Grabe,parang hindi ako naligo. Ang init init!.

Kaya laking tuwa ko ng makasakay na ako,sa terminal naman ng jeep ako nagpahatid. May byaheng pasig palengke at pasig simbahan daw dun.

1:35PM ng makarating ako sa Mercedes subdivision. Nakatayo na ako ngayon sa labas ng bahay.

"Grabe! Namiss ko ang bahay na to." nakangiti kong sabi. Sakto bumukas ang gate at lumabas si Aya.

"Youre late Khalil." aniya habang inilalabas ang kanyang motor.

"Huh? Pasensya na. Pinaglaba pa ako ni Flexter eh."

"Inaalila ka nya?" naniningkit ang mga matang tanong ni Aya. Nakakatakot,ngayon ko lang sya nakitang ganya. Agad akong umiling.

"Oy Khalil! Kamusta?!" biglang sulpot ni Japhet,hindi agad ako nakasagot kasi niyakap nya agad ako.

"Ayos lang naman." sabi ko ng kumalas sa yakap. Namiss ko sila grabe.

"Crayon,Jai! Tara na! Nandito na si Khalil." sigaw ni Japhet. Lumabas naman sa gate ang kotse ni Crayon kaya umusog kami.

"Yes! Sa wakas! Tuloy na date natin Khalil! Kamusta na? Wala bang kiss dyan?" nakangising sabi ni Crayon at ngumuso pa ng sumilip mula sa loob ng kotse nya kaya natawa ako. Ang ligalig talaga ng isang to.

"Hoy! Ako nagyaya sa kanya,sabit lang kayong tatlo no?" pagsingit naman ni Jai na nasa backseat ng kotse. Kinawayan ko sya.

"O pano? Tara na? Mag enjoy tayo,ngayon lang to." ani Japhet at binuksan na ang pinto sa front seat,dun daw dapat kasi ako maupo sabi ni Crayon. Ang kulit talaga. Tumabi na din si Japhet kay Jai sa backseat.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now