12. Gabi ng Kilig!

16.8K 506 67
                                    

"Anong ginagawa natin dito? Anong oras na oh? Panigurado hinahanap na ako ni Flexter,lampas na ako sa oras na binigay nya at panigurado pagod ka na din,ang layo kaya ng byahe,teka,nasan ba tayo?" direderetso kong sabi.

Naramdaman ko syang ngumisi bago sumagot. Abala din ang mga mata ko sa pagtingin sa ibaba,parang mga christmas light na yung mga ilaw sa siyudad.

"Nasa antipolo tayo,over looking ang tawag dito. At tama ka,napagod ako sa mahabang byahe kaya nandito tayo dahil gusto ko lang magpahinga. Si Flexter? Huwag mo isipin yon." mahaba naman nyang sagot. Saglit akong natahimik,gusto ko mag bukas ng usapan since ayos na naman kaming dalawa.

"Cross."

"Hmmn?"

"Anong nakain mo?" tanong ko at bigla sya humalakhak. Napangiti ako dahil ito ang unang pagkakataon na hindi lang basta tawa ang binigay nya sa akin,kundi halakhak.

"Hindi pa ako kumakain,yung footlong lang kanina na kinain natin. Gutom ka na ba?" aniya at nakangiting tingnan ako. Napatitig na naman ako sa mukha nya. Nakakabato balani talaga,naalala ko na nagkaganito din ako ng una ko makita si Flexter. Haayst,kelan kaya kami magiging ganito ni Flexter? Mukhang imposible,alila ako nun eh,pero ayos lang,mahal ko naman sya.

"Natahimik ka na, yon lang ba itatanong mo?" untag sa akin ni Cross kaya napakislot ako at agad bumalik sa reyalidad.

"Uhm,anong nakain mo at nagbago ka? Bigla kang bumait sa akin? Dati galit na galit ka eh." nahihiya kong sabi at kinakabahan sa maaari nyang isagot.

"Hmmn.. Yon ba? Wala lang,for a change. Nakakapagod din kasi magsungit sayo eh." nakangisi nyang sabi. Napasimangot ako. Yon lang rason nya? Sipain ko kaya sya ng magpagulong gulong sya pababa,amaw.

"Ngayon mo lang yan naisip kung kelan wala na ako sa bahay? Kakaiba ka din eh." inis kong sabi saka ngumuso.

"Ang ganda mo na,ang cute mo pa."

"Ha?"

"Joke lang!" aniya at sinapak ko nga sa braso.

"Buang ka! Ano nga?" at tumawa ulit sya.

"Wala nga. Basta sa akin na lang yon,hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon." seryoso nyang sabi kaya tumahimik ako. Pero may naisip ulit akong itanong.

"Cross?"

"Oh ano na namang tanong mo? Pag sinagot ko yan,ako naman magtatanong ah?" aniya at tumingin sa kawalan.

"Ikaw ba yung lagi kong nakikita na parang minamatyagan ako?" pagkuway tanong ko. Parang bigla syang na alarma pero saglit lang yon.

"Bakit ko naman gagawin yon? Busy ako sa trabaho,ang ganda mo naman masyado para matyagan." ang agad nyang sagot. Ganun pala. Sabagay,tama ako na hindi sya yon at tama ang mga sinabi nya,namamalikmata lang siguro ako.

"Huling tanong na lang." banat ko pa.

"Sige,ano yon? Dali at ako naman magtatanong."

"Nung una nga diba galit ka sa akin? Nadinig ko yung sinabi mo na parepareho lang kaming mga bakla,bakit ngayon hindi ka na galit sakin?"

"Tulad ng sinabi ko kanina Khalil,sa akin na lang muna yon. I have my reasons,pero malalaman mo din yon balang araw pag kaya ko na."

"Ha?"

"Anong ha? Nakakailang ha kana ngayon. O,ako naman magtatanong."

"Sige."

"Si Flexter. Gusto mo ba talaga sya? I mean,mahal mo ba sya? Dati pa namin yon napapansin sayo." ang parang alangan nyang tanong at parang namumula pa sya kaya biniro ko,lumapit pa ako sa kanya.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon