04. The Boys! One by one >

17.9K 477 34
                                    

Pumikit na lang ako dahil alam kong sa matigas na tiles ang bagsak ko. Pero hindi ganun ang nangyari,ramdam kong katawan ng tao ang nabagsakan ko.

"Ugh!"daing nito,at alam kong napahiga sya sa sahig kung sino man sya,agad akong nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang sumagip sa akin,at nanlaki ang mga mata ko na si Cross pala yon! Nasa ibabaw ako at ramdam ko sa tyan ko ang pututoy nya kaya agad akong bumalikwas at tumayo.

"Pasensya na" hinging paumanhin ko,pero ngumisi lang sya. Ugh! Lakas mang inis ng ngiti nya. Tumayo sya at tinungo ang sala,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,yon ang pangalawang beses na lumapat ang katawan ko sa katawan ng ibang lalaki,una yung kay Japhet.

Agad din akong pumunta sa sala para tingnan ang palabas. Wala na,patalastas lang pala yon,nakakapanlambot,hindi ko nakita si Flexter. Tiningnan ko sina Aya at Cross na tutok sa panonood. Minabuti kong pumunta na lang sa kusina,nakasalubong ko si Jai.

"Khalil,patawag naman yung dalawa,tapos na kaming magluto ni Japhet,mananghalian na tayo" sabi nito,tumango naman ako at tinawag yung dalawa,naiilang ako habang kumakain kasi lahat sila naka hubad baro at maikling shorts pa din ang suot. Wala ba silang planong magdamit? Imbis na sila ang mailang dahil may kasama silang bayot eh ako pa naiilang.

"Bukas ka mag start sa work kung san din kami magtatrabaho Khalil,kailangan mo muna gumawa ng resume" ani Japhet habang kumakain kami.

"Sige,yon din ang iniisip ko,uhm at saka pwede ba akong mamalengke mamaya?" sabi ko naman,halos kaming dalawa lang ni Japhet ang nag uusap,yung tatlo abala sa pagkain at patingin tingin lang sa amin,ng madako tingin ko kay Cross ay ngumisi ito. Tse! Buang! Amaw!

"Oo naman,anong gagawin mo sa palengke?" ani Japhet.

"Mupalit ko ug sininang bag-o" sagot ko.

"HUH?" sabi nilang apat na napatigil pa sa pagkain.

"Ang ibig kong sabihin bibili akong damit pati na din ibang damit"

"Ah ganon ba? Sige idaan kita sa pasig palengke mamaya" nakangiti nitong sabi. Yawa,ang gwapo talaga ng kolokoy na to.

"Samahan na kita! Sa Mega mall na lang tayo" pag butt in ni Jai na ang lapad ng ngiti,bakit ba ang cute ng isang to? Ang sarap siguro kurutin ng pisngi nya.

"Tumigil ka,ang dami mo ng absent,mapagalitan ka na ni Maam nyan" seryosong sabi ni Aya,pero ang gwapo pa din,napanguso na lang tuloy si Jai.

Natapos kaming mananghalian,nagpresinta akong maghugas ng plato,sila naman naligo at naghanda na papasok sa trabaho nila,na magiging trabaho ko na din sa mga susunod na araw.

Handa na kaming lahat,kanya kanya sila ng motor,may inabot saking susi si Japhet,duplicate key daw ng bahay. Umangkas na ako kay Japhet,sabay sabay na kaming lumarga. Napayakap na naman ako sa kanya,ang sarap nyang yakapin,tapos parang kumakabog na ewan ang dibdib ko,hindi ko mawari.

Ibinaba ako ni Japhet sa palengke,nagpasalamat ako at pumasok sa loob ng palengke. Ang gandang palengke naman nito? Ibang iba sa palengke sa amin. Nagtanong ako kung san yung bilihan ng damit at sapatos. Nasa second floor daw kaya wala na akong inaksayang panahon,bumili na ako ng lahat ng kailangan ko,pati biodata para sa trabaho,alam ko naman yung resume pero hindi ako marunong gumawa at hindi ako marunong mag computer. Bago umuwi ay napadaan ako sa tindahan ng mga dyaryo. Nasa unahang pahina ang larawan ni Flexter! Kumabog kabog ang dibdib ko sa tuwa kaya binili ko ito.

Pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto at inayos ang mga pinamili ko,nakaramdam naman ako ng kalungkutan sa pag iisa sa bahay. Naalala ko sina Nanay at Tatay,pati sina Buboy at Caloy,kamusta na kaya sila? Sana okay sila,pero alam kong okay sila,hindi sila papabayaan nina Nang Alicia at Nong Berto. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako,kaya agad ko itong pinunasan at nagdesisyong bumaba,bitbit ang ballpen,biodata at dyaryo ay tinungo ko ang kusina. Doon ko sinagutan ang Biodata.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now