17. Labad sa ulo!

16.8K 405 47
                                    

"F-flexter? Crayon?" natulala ako. Anong ginagawa ng dalawang ito dito?

"Hala anak! Yung artistang may gusto sayo!" bulalas ni Nanay,at sa isang iglap nasa tabi ko na din si Cross at Tatay.

"Magandang tanghali po! Khalil Hindi nyo ba kami papasukin?" nakangiting sabi ni Crayon na naka backpack pa.

"Nice move Cross." ani Flexter.

"Pumasok kayo mga ijo!" paanyaya ni Tatay. Nakatulala pa din ako. Panong? Dyosko!

"Waaahh! Umaygad! Dai! Ari ka diri! Si Flixter na-a diri sa atong bag-ong silingan!" (punta ka dito dai! Nandito si Flexter sa bago nating kapitbahay.) sigaw ng isang babae. Biglang dumami ang tao. Nataranta ako at hinila sina Flexter at Crayon papasok saka ko sinara ang pinto.

"Dong,ikaw muna bahala dyan,dagdagan lang namin ang hapag." ani Nanay at pumunta na sila ni Tatay sa may komedor.

"Anong ibig sabihin nito Crayon?" bakas ang pagkairita kay Cross pero na kay Flexter ang atensyon ko,naghuhurumintado ang puso ko,ang saya ko at nakita ko sya ulit. Nginitian nya ako saka kinindatan.

"Gusto ko lang kayong makasamang dalawa ni Khalil,kinulit ko si Japhet sa address,at ewan ko sa bakulaw na to kung bakit kasabay ko sa eroplano." nakasimangot na sagot ni Crayon at inginuso si Flexter.

"I have my ways,hindi ako papayag na maka isa kayong magkakaibigan sa pag aari ko." matapang na sagot ni Flexter.

"Matapang ka din talaga ano? Tingnan natin." sagot ni Cross,nagtitigan sila ng masama ni Flexter,naalarma ako.

"Teka! Teka! Huwag dito,utang na loob! Pakiusap,pag nandito sa loob ng bahay wala sanang gulo." sabi ko at pumagitna sa kanila.

"Khalil! Ari na diri! Maniudto na ta!" (punta na dito,mananghalian na tayo.) ang tawag ni Tatay.

"Tara na at kumain." pag aya ko na lang,tutal tumahimik na silang tatlo. Ang bilis ng mga pangyayari. "Nay,Tay, si Crayon kasama namin ni Cross sa trabaho at bahay,at si Flexter po yung nag--"

"Manliligaw nya po." putol ni Flexter sakin. Nag init ang mga pisngi ko,panigurado namumula na ako.

"Tss." si Cross.

"Jerk." si Crayon.

"Ah ganon ba? Madami pala nagkakagusto sa anak ko,maupo na kayo at kumain." nakangiting sabi ni Tatay,naupo na yung tatlo.

"Hindi ko kayo masisisi,ke gwapa man ng among anak,at pumuti pa,bagay pala sa kanya mahabang buhok." ani naman ni Nanay. Nakakapag taka na parang ang bilis nilang matanggap ang mga bagay bagay? Anong nangyari nung mga panahong wala ako?

"Tama po kayo dyan! Kaya love namin syang lahat ng mga kasama namin sa bahay." ang nakangiting pag sang ayon ni Crayon.

"Nako! Nakakatuwa kayo. Uhm ijo." ani Nanay at bumaling kay Flexter. "Hindi ba ito makakasama sa iyo at sa anak ko? Napanood namin kasi lahat sa Tv,nangangamba kami ng Tito nyo na madaming magalit kay Khalil."

"Hindi po tita,akong bahala,titigil na po ako sa pag aartista kung si Khalil naman ang magiging kapalit." sagot ni Flexter. Parang gusto sumabog ng dibdib ko. Totoo kaya iyon? Gagawin nya talaga yon para sa akin?

"Mabuti at naka sunod kayo,akala namin asawa na ni Khalil si Cross,may humabol pa pala." ani Tatay at tumawa.

"Malapit ko na po syang maging asawa." seryosong sagot ni Cross. Ano ba yan! Dumagundung na naman ang dibdib ko.

"O sya,saka na natin pag usapan yan,kumain na tayo,para makapag pahinga kayo,at bukas pwede kayong mamasyal kung gusto nyo." pagsingit ni Nanay sa usapan. Tahimik lang ako,hindi ko pa din alam ang iisipin ko at magiging reaksyon ko. Sina Nanay at Tatay ay panay kausap naman sa tatlo. At para bang tuwang tuwa sila sa mga ito.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now