10. First day with Flexter!

16.9K 455 31
                                    

Napalunok ako ng sunod sunod. Tinanggal na ni Flexter ang tapis nya at dumapa sa kama. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ganon suot nyang brief? Halos parang wala na din syang suot dun eh!.

"Ano pang tinutunganga mo dyan? Imasahe mo na ako,galingan mo para mamaya makapag dinner na tayo at makapag pahinga ng maaga." aniya.

"O-opo!"

Umupo na ako sa gilid ng kama,kinuha ko ang lotion sa bedside table nya,naglagay ako sa mga palad ko at ipinahid ko sa buong likod nya,pinigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko. Kayasa! Bakit parang mas makinis sya sa akin? At ang ganda ng likod nya. Napadako ang tingin ko sa puwit nya. Maumbok ito,nakakainggit.

Pinilit kong alalahanin kung paano ako hilutin nina Nanay at Tatay noon,wala namang pinagkaiba ang hilot sa masahe diba? Kaya ayon,ginawa ko na ang dapat,kaso nawawala ako sa konsentrasyon pag umuungol sya,idagdag pa yung bango nya,amoy na amoy ko ang sabon at shampoo na ginamit nya.

"Ang saraaaaapppp Khalil,ganyan ngaa...Uhmm.."

Napanganga ako,iba ang dating sa akin non,parang pakiramdam ko nag init ang buong katawan ko lalo na ang mukha ko,pero nagpatuloy pa din ako.

"Mga hita ko naman." utos nya. Kaya agad kong sinunod. Hanggang sa ang mga braso naman nya ang pinamasahe nya.

"Dibdib naman." aniya at tumihaya ngunit nakapikit pa din. Napunta ang mga mata ko sa buhay na bagay na nasa pagitan ng mga hita nya. Napalunok na naman ako. Bakit sya na-utog? Nakalabas na ang halos kalahati nito sa brief nya. Bumilis ang paghinga ko,naalala ko bigla si Cross na bakat din dati,pati ang hindi sinasadyang pagkakita ko sa pagkalalaki ni Jai. Bakit ganito sila? Inuubos ba nila ang kahuli huliang hibla ng pagtitimpi ko?

Pumikit ako at sisimulan na sanang imasahe ang dibdib ni Flexter ng may kumatok. Napatalon ako,para akong nabunutan ng tinik sa dibdib,pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at ang kumakalabog kong dibdib. Agad kong tinungo ang pinto at binuksan.

"Nakahanda na po ang dinner." sabi nung maid na nabungaran ko. Agad akong lumabas at sinara ang pinto.

"Sa wakas! Ligtas na ako!" ang sabi ko sa sarili ko.

Dalawa lang kami ni Flexter na kumakain ng hapunan dito sa komedor,napakahaba at laki ng mesa,mga naka abang lang ang mga katulong sa kung anong ipag uutos nya. Hindi ako mapakali,kumakabog pa din ang dibdib ko. Grabe,baka dahil sa kanya magkasakit ako sa puso.

Hindi ko sya tinitingnan,naiilang ako,naiisip ko yung pagkalalaki nyang halos mangalahati na sa brief ng lumabas,halos abot pusod na. Nakakatakot,kawawa siguro kasintahan nito? Alam kaya nyang nakita ko? Kinsa kaya mas dako? Sa iyaha,kay Jai o kay Cross? Ugh! Kayasa! Napunta lang ako dito sa maynila dumumi na ang pag-iisip ko. Mapatawad sana ako ng Panginoon at ng mga anito ng kakahuyan sa Calamboa,hindi ko sadyang makakita ng ari ng ibang lalaki.

"Agahan mo gising bukas,gisingin mo ako ng alas sais,may taping ako at sasama ka." ang sabi ni Flexter sa gitna ng pagkain.

"O-opo Sir!"

Ngayon ko lang naisip,bakit kaya ganito sya sa akin? Nung una halatang galit na galit sya sa akin,nagbanta pa nga sya sa isang interview nya,ngayon naman,galit pa din sya pero mukhang hindi na gaya ng dati,siguro kasi makakaganti na sya sa pang aalila sa akin,at ito din ang kabayaran sa danyos na nagawa ko nung una,kailangan ko lang magpakatatag at magtiis,para sa pamilya ko at para sa pagmamahal ko sa kanya.

Kinabukasan,alas quatro pa lamang ng umaga ay gising na ako,sanay naman ako gumising ng ganitong oras diba? Masarap ang tulog ko,ang ganda kasi ng panaginip ko eh,nililigawan daw ako ni Flexter at nasa Calamboa daw kami. Naputol lang ang panaginip ko sa part na hinabol ng bolo ni Tatay si Flexter. Hihi! Si Tatay talaga,kahit sa panaginip pinoprotektahan pa din ako.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now